Dream #12

166 15 6
                                    

Dream #12

Cerys' POV

"HAHAHAHAHAHAHA!! SO.. HAHAHAHA! HINDI PA DIN ALAM NG NANAY MONG BAKLA KA TAPOS..PFFT. HAHAHA GIRLFRIEND MO SIYA?! HAHAHA ABA MATINDE KAYONG DALAWA!! HAHAHAHA! AKALA KO KUNG ANO NANG NANGYARI SA INYO EH! HAHAHA!"

"Ha..ha..ha..ha.. OO NA TAMA NA MANAHIMIK KA NA PWEDE! PUTA NAKAKARINDI KA EH!"

"OO NGA! NAKAKA-IMBYERNA! NAKAKA-YUCKY NA!"

Hindi ko na kailangan pang i-state ang obvious. Kinuwento na namin kay Jongin ang nangyari at putangina tulad ng inaasahan wala siyang ginawa kundi ay mang-asar. Buti na lang hindi namin sinabi yung tungkol sa..sa.. AH BASTA!

"Nako kayong dalawa ha.. Baka magka-developan na kayo. HAHAHA!"

"Sige tawa pa at ibabato ko sayo yung remote!" Banta ko sa kaniya at mukhang effective naman.

"Hanggang kailan naman kayo mag-papanggap?" Tanong niya kay Baekhyun.

"Ah.. Wit ko pa knows?" Napasapo ako sa noo ko.

"Hay nako! Bahala ka nga diyan! Sinasabi ko sayo hindi 'to mag-tatagal!" Inis na sabi ko habang naka-cross arms. Hinding hindi talaga ito mag-tatagal sinasabi ko sa inyo! Nakakadiring isipin na ang boyfriend ko ay isang malanding beki.

"Bahala na kayo diyan sa problema niyo, basta siguraduhin mong bakla kang hindi ako madadamay diyan. At oo nga pala, hinahayaan ko kayong dalawang mag-panggap. Pero ikaw bakla ka! Kahit bakla ka lalaki ka pa rin kaya wag na wag kang gagawa ng kabalastugan! Walang touching touching na magaganap! No kissing!"

Feeling ko nagsi-akyatan lahat ng dugo ko sa pisngi ko. No kissing. Fck.

"Kung mag-hahalikan kayong dalawa videohan niyo, baka kumita ako kapag nag-benta ako ng s3x tape--"

"GAGO! MANYAK MONG SIRAULO KA! HINDI NAMIN GAGAWIN YUN NO! MANDIRI KA!"

"Hahaha! Joke lang naman. Sinisigurado ko lang dahil ayaw ko pang magka-pamangkin. Osiya, bahala na kayo diyan. Matutulog na ako. Goodnight lovebirds." Pang-asar na sabi niya saka umakyat na papunta sa kwarto niya.

"Putangina." Inis na bulong ko saka umalis mula sa pagkakaupo ko sa sofa.

"Ah... sisterette.."

"Ano na naman?" Mataray na sabi ko. Pagod na ako at gusto ko nang mag-pahinga at wala na akong oras para makipag-talo.

"Ah.. Waley.. waley lang. Hihi sigi fly away ka na. Babush."

Problema ba nun?

***

Mag-uumaga na pero gising pa din ako. Nandito ako ngayon sa may balcony at nagda-drama.

Bakit? Bawal na bang mag-drama ang magaganda?

Andami na kasing nangyari ngayong araw at nakakatanga silang lahat. Nakakastress talaga ng beauty.

Buti na lang nauso ang mga ganitong lugar. Bukod sa mahangin, nakaka-relax ang tanawin. Malinaw ang langit at kitang-kita ang mga bituwin. Tapos syempre para mas senti nakikinig ako sa Pusong Bato sa cellphone ko.

Joke lang. Hindi ako mahilig sa ganung kanta. It's not my style bishes.

Oo nga pala. Hindi lang ako nag-punta dito para mag-drama. May meteor shower nga pala ngayon. Ayos, aabangan ko na lang. Hindi pa ako nakakakita ng mga ganun eh. Sa mga koreanovela lang.

Alam niyo bang pangarap kong makapanuod ng meteor shower kasama ang boyfriend ko? Alam kong wala kayong pake pero puta kung wala kayong pake bakit pa kayo nagbabasa?

My Dream Boyfriend [EXO-K Baekhyun Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon