III

1.3K 34 0
                                    

Ang akala ko ay maipagluluto ako ng dinner ni Mason nang gabing iyon pero wala. Nauwin rin naman kasi kami sa pagkain sa labas dahil may kung anong nangyari sa kusina niya kaya hayun, sa labas na lang kami kumain. And I know he was very much aware that I loathed things like fancy resto. It just wasn't my thing.

Ang nakakainis pa ay kailangan ko pang magbihis ng magarbo para lang maghapunan. Again, it's just not my thing. But for some reason ay napapayag din ako ni Mason. He was a nice guy kahit na medyo maloko talaga siya kaya kahit nagsisimula na akong mainis ay napilit niya ako.

Siya pa mismo ang naghanda ng susuotin kong hindi ko alam kung bakit mayroong naka-ready sa closet niya. Nang tanungin ko naman siya kung bakit siya mayroong ganoon, ang sabi lang niya ay hindi naman din iyon magugustuhan ng pagbibigyan niya kahit sa akin nalang niya ipapagamit.

Ano pa nga bang maidadahilan ko para makatanggi, um-effort na siya. Nakakahiya naman kung magdadahilan ako ng kung ano lang. Sinamahan ko na rin siya pagkat alam kong mabubugnot ako sa apartment ko kung hindi ako sumama sa kanya.

Hanggang matanawan ko ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Si Mason ay biglaang nagkaroon ng tawag at nagpaalam na lalayo lang kung saan. Mukhang importante naman iyon kaya hindi na ako nagtanong pa.

Dahil ayokong mabagot ay nilapitan ko na lang ang pamilyar na bultong nakita ko. Sinasabi ko na nga ba't siya iyon nang makalqput ako sa kanila ng batang kasama niya. Ang lalaking tumulong sa akin noon nang mabulunan ako sa hotel.

I know that it wasn't the moment to be proud of pero hindi ko maitatanggi na iyon ang dahilan kung bakit nagkita kami ng lalaking iyon kaya hindi ko magawang ikahiya iyon. Iyon lamang ay hindi ko naman nakuha ang pangalan ng lalaki.

I assisted the little girl named Lily in the comfort room. Iyon ang pakilala ng bata sa akin. Mukhang hindi sanay ang lalaking magasikaso ng bata kaya tinulungan ko na lang. Ngunit nang makabalik kami sa puwesto nila ay hindi man lang ako inayang maupo ng lalaki kung hindi ko pa siya pagtaasan ng boses ay hindi pa siya mapipilitang hatakin ako upang maupo sa tabi niya.

Nakakainis siya kahit guwapong-guwapo ako sa kanya noon pa man. Parang naiirita siya sa akin kahit wala naman akong ginagawa at mistulang napipilitan lang magpasalamat dahil sa pagtulong ko sa bata.

Mabuti na lang at pawang kakampi ko ang batang si Lily at harap-harapang sinabi kung maaari ko daw bang pakasalan ang daddy niya. That confirmed my theory that the guy was a single Dad. I smiled to myself. Mukhang ikinapikon iyon ng lalaki at pinag-apologize ang bata sa akin. Wala namang kaso ngunit hindi ikinatuwa ng lalaki ang ginawa ng bata.

Hanggang sa dumating si Mason at pinaikot ang kanyang braso sa bewang ko na tila pagaari niya ako. I don't why he waa acting that way. Kunot na kunot ang noo niya na tila handang manapak ano man sandali. I've never seen Mason like that before. Parati naman kasi siyang nakangiti at nagbibiro.

Hanggang sa pagbantaan niya ang lalaking tinawag niyang 'Gagory' at sabay hatak sa akin at umalis. Para siyang na-bad mood sa nangyari at hindi na siya kumikibo habang nagda-drive. Lumipat nalang kami sa ibang kainan. At dahil doon ay pawang nakahinga na siya nang maluwag.

"I can't believe it! Of all the places doon ko pa talaga makikita ang Gagory na 'yun. Nakakabwisit!" Sabi niya.

"Magkakilala kayo?" I asked but he just rolled his eyes on me. Natawa ako. Kanina lang ay seryosong-seryoso siya ngunit ngayon at balik kalokohan nanaman siya.

"Duh. Obvious ba? Pasensiya ka na ah. Sabi ko mag-gu-good time tayo tapos ganito. Eh hindi ko naman kasi inaasahang makikita ko 'yung lalaking iyon doon." Paghingi niya sa akin ng paumanhin.

Flademian Monarchy 3: The Two of Us R-13 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon