Kei's POV
Nagising ako sa ingay ng bunganga ng nanay ko.
"KEI GUMISING KANA DIYAN! TANGHALI NA MADAMI KA PANG GAGAWIN! ALAM MO NAMANG HULING ARAW MO NA DITO, HANGGANG NGAYON MO NA NGA LANG AKO MATUTULUNGAN! BANGON NA! KAILANGAN KO NA MAGTINDA SA PALENGKE! IKAW NA MUNA BAHALA DIYAN SA BAHAY!" Ano ba naman tong si Nanay ang aga-aga putak ng putak.
"OPO NAY!" Sigaw ko pabalik sa Nanay ko.
"MAGLINIS KA NG BAHAY! MAGLU-"
"OPO NAY! ALAM KO NA YUN SA ARAW ARAW NA PO BA NA SINASABI NIYO KABISADO KO NA YUN!" Putol ko kay Nanay.
"MABUTI NAMAN!" Sigaw niya pabalik at nagpaalam na.
Pag-alis ni Nanay bumangon na ako at ginawa ang araw araw kong gawain.
Syempre naghilamos muna ako at nag toothbrush diba? Para naman fresh ang lola niyo.
Naghanda na ako ng almusal naming magkakapatid. Saging na saba lang ang almusal namen mga prend! Wag kayong magexpect dahil mahirap lang kame.
Pero pag ako nakapag-tapos aba syempre hindi na saging na saba, puno na mismo ng saging!
Tatlo kaming magkakapatid. Isang babae at isang lalaki ang kapatid ko.
Si Kassandra ay second year highschool ngayong pasukan. At si Drake naman ay grade 3 ngayong pasukan.
Pagtapos ko maghanda ng agahan, ginising ko na ang dalawa kong kapatid. Mga batugan! Ako nga ang aga gisingin ng putak ni Nanay eh. Pero kahit ganun,mahal ko yan syempre.
"Khazz, gising na tanghali na! Gising na! Drake, gising na!" Sigaw ko habang niyuyugyog ang aking mga kapatid.
"Hmmmm." Ungol ni Khazz. Samantalang si Drake naman ay tumayo na.
"Anong hmm?! Tumayo kana diyan magsa-shopping tayo dahil huling araw ko na dito." Sabi ko. Ang gaga ang bilis tumayo ah?
"TALAGA ATE?!" Sabik na sabi niya with matching kinang pa ng mata.
"Naniwala ka naman? Wala naman akong pera pang shopping! Pang bili nga ng masarap na almusal wala ako, pang shopping pa kaya?!" Sabi ko at tinarayan siya.
"Ano ba naman 'to! Paasa ka talaga, ate!" Sabi niya sabay irap.
"Uto-uto ka naman. Bilisan mo na diyan at tulungan mo ako sa gawain dito sa bahay kailangan ko mag-beauty rest baka pag-uwi ko ng maynila haggard na ang beauty ko!" Sabi ko sa kaniya at nagflip hair.
"Feeling maganda ka nanaman ate! Nagflip hair kapa akala mo naman kinaganda mo yan," Tinarayan ko lang ito at iniwan na siya.
Hindi ko na pinansin dahil baka humaba pa ang usapan, alam ko namang inggit lang siya sa kagandahang taglay ko. Hmp!
Kumain na kami at nagkwentuhan lang.
"Ate tuloy na ba talaga alis mo bukas?" Seryosong tanong ni Khazz.
"Oo Khazz. Kailangan kong umalis at magsumikap sa Maynila para naman mabigyan ko kayo ng magandang buhay tulad ng ipinangako ko kay Tatay." Sagot ko sa kaniya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
Ficțiune adolescențiMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3