Pasensya Ka Na

95 5 19
                                    

🎶Hindi mo na mapipilit, wala ng babalikan
Sa liwanag mong nang-aakit, ayoko ng masaktan
Nakikiusap sayo,
patawarin mo na lang ako🎶

Nakatulala lang ako sa bandang kumakanta sa harapan ko, maraming tao, ngunit ang pakiramdam ko ay mag-isa. Ako at ang banda lang na kumakanta.

Ininom ko ang alak sa bote, at nagsindi muli ng sigarilyong di nauubos. At tiim na nakikinig sa bawat lyrics ng kanta..

Ilang araw na din pala ang lumipas, simula ng tuluyan akong bumitaw. Bumitaw sa mga pangarap at pangako ko sayo.

Natatandaan ko pa ang huling araw na tayo ay nagkita. Masaya ngunit sa huli pala ay wala ng pagasa.

🎶Pasensya ka na at 'di ko na rin madama
Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay🎶

Pagasang ikaw ay babalik pa.. Ilang ulit ko man isipin kung anong nangyari sa atin, kasagutan ay hindi ko pa rin malaman.

Masaya tayo, masaya tayong nabubuhay, nagtatrabaho ng magkasama at gumagala sa mga kung ano anong trip natin sa buhay.

🎶Ikaw na rin ang nag-sabi, tapos na ang lahat
Uunahin na ang sarili, makuha lang ang sapat
'Wag ka sanang magtampo, mas mabuti na ako'y lumayo
Lumayo🎶

Naalala ko pa ng una kitang nakilala, na-ilang ka pa saken nun, pero agad ka din naman nafall saken.. Haha..
Naalala mo pa ba na ikaw ang unang nagkagusto sakin, at napilitan lang naman ako na mag kagusto din sayo? Biro lang.. Pero ang totoo ay nabighani na ako sayong mga mata at ngiti.

Mga ala-ala na hanggang sa memorya na lamang, maaring hindi na muli ako ay iyong balikan. Marami tayong pinagdaanan ngunit hindi pala sapat yun para relasyon naten ay hindi sukuan.

🎶Pasensya ka na at 'di ko na rin madama
Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay🎶

Ilang buwan na din ang lumipas ng magmahal ka ng iba, ngunit ako ay binigyan mo pa rin ng pagasa na tayo ay magbabalikan. Akala ko masaya tayo, akala ko marami tayong plano, akala ko lang pala lahat ng iyon. Tiniis ko lahat ng sakit, ngunit sa huli ikaw ay di pa rin pala makakamit.

Masakit man ang katotohan ngunit kailangang buksan ang mga matang matagal ng nagbulag bulagan.

Hindi ko man kayanin na mawala ka, wala na akong magagawa pa. Desisyon mo ang bitawan ako at manatili sa piling ng iba. Pipilitin ang sarili upang manumbalik ang pagmamahal na nawala sarili at ang mga parteng nasira na.

🎶Pasensya ka na at 'di ko na rin madama
Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay

Pasensya ka na at 'di ko na rin madama
Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay

Pasensya ka na
Pasensya ka na
Pasensya ka na
Pasensya ka na🎶

Kaya pasensya ka na, kakayanin ko na ang maging mag-isa. Ayoko na din umasa. Nagawa ko naman na lahat sa aking paghihintay, ngunit sa puntong ito ay ubos na ako, wala ng natira sa pagkatao ko, heto at para na naman akong gago. Mas mabuti pang lumayo na lang ako, para di na ako umasa, para mas maging masaya ka na, para wala ng masaktan pa.. Kahit pa hilingin ko sa lahat ng tala na balang araw ay dumating ka, mukang malabo pa sa lahat ng malabo.. Ayoko na umasa kase wala naman pagasa.
Hanggang dito na lang ang kaya..

Ayoko na rin magmahal pa..

Paalam mahal kong Mika...

-Vic

----

A/N

Pasensya na kayo.. Haha blangko ako, ayan lang ang kaya.. Nasobrahan ata ako sa alak at wala ng maisip kung hindi yan lang..Pero may part two naman to, yung POV naman ni Mika. ✌✌

May mga pagkakataong ayaw mo man sumuko ay kailangan, sa panahong sugatan at walang wala ng natitira pa sa sarili pagbitaw ang kailangan, para naman mabuo ka muli at makalaban.. :-)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now