Chapter 12 - FINALE
"IT'S odd. I don't know where to begin."
Pinanood ni Irene si Von habang nagkakamot ito ng ulo. He's cute. Napangiti siya. Napatitig naman ito sa kanya.
"'Sorry. Did I just see you smile?"
"Guni-guni mo lang iyon."
Napangiti rin ito. Para na talaga silang tanga.
"Salamat nga pala sa Sakura crystal box," wika niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na hindi na siya galit. Na na-miss niya ito. Siguro naman napansin na nito iyon dahil kinakausap na niya ito at hindi tinatakbuhan.
"Welcome. I'm glad na hindi mo ibinalik sa 'kin." Huminga ito ng malalim. Sumeryoso ito. "Irene, give me a chance to prove to you that I'm serious with you. Hindi kita pinipigilang magalit sa pinsan ko, nasaktan ka niya noon, eh. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka. Hindi nila ako katulad na sasaktan ka lang."
Her heart twitched. This man really loves her... right? She loves him, too. Sa mga ginagawa nitong effort para sa kanya, hindi niya mapigilang mahulog dito. Kahit na ba pinsan nito ang naging karibal niya noon.
Saka, hindi na naman masasabing karibal niya si Krizhia dahil hindi na si Aser ang mahal niya. Maybe... it's time to leave that past behind and actually move on with her life. Hindi niya alam kung may dadaan pang katulad ni Von sa buhay niya.
Hindi rin naman niya gustong kalimutan ang lalaking ito at panaigin ang pride niya—tulad ng sinabi ng mama niya. Hindi niya kaya. Lalo na't kaharap niya itong muli.
"Napatunayan mo na naman iyon, hindi ba? Na seryoso ka sa akin?"
"Hindi pa iyon sapat. Hindi ako magsasawang patunayan sa 'yo ang sarili ko. Mas seryoso ako sa 'yo kesa kay Aser, mas mahal kita, mas talentado ako at mas gwapo ako sa kanya." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Please, accept me and my heart."
Nag-init ang mga mata niya sa nakikitang senseridad sa mga mata nito. Those hopeful beautiful eyes that she can't resist. The same warm eyes that she loves.
"'Sorry..." Nabitawan nito ang kamay niya. Kita niya ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito. Ang akala yata nito ay binabasted niya ito sa pagso-sorry niya. This time, siya naman ang humawak sa kamay nito. Napatingin ito sa kanya. "'Sorry sa mga sinabi ko sa 'yo nang magtapat ka sa akin. Oo, nagalit ako dahil pinsan ka pala ni Krizhia. Nabigla ako. Galit ako sa kanya kaya hindi ko maiwasang ibaling sa 'yo iyon. Kahit na ba wala ka namang ibang ginawa sa akin kundi ang pasayahin ako. I'm sorry...
"Nang kausapin ako ni Aser at sinabi niya na nag-break sila ni Krizhia, na bibigyan niya ako ng chance para mahalin niya..."
"He told you that? That bastard," napatiimbagang ito. May takot siyang nabasa sa mga mata nito.
She smiled at him. "Sinapak mo daw siya?"
"Bagay lang iyon sa kanya. He has no right to hurt you. Kapag nakita ko siya ngayon, sasapakin ko ulit siya... Irene, did you accept him? Wala na ba akong hahabulin sa 'yo? Damn, dapat pala kinulit pa rin kita kahit exams week ninyo. Nag-aalala lang ako na baka ma-distract kita."
Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi ito nagpakita sa kanya ng isang buong linggo. Iniisip pa rin nito ang kapakanan niya.
"Don't worry. Na-realize ko that time na hindi ko na pala siya mahal. Hindi ko magagawang agawin siya kay Krizhia kahit siya na ang nag-o-offer ng sarili niya sa akin. Na-realize ko na hindi siya ang taong makakapagpasaya sa akin. Besides, ayoko namang mabansagan na naman akong third party habang meron namang tao na nagmamahal sa akin ng sobra. Iyong lalaki na akin na akin lang at hindi ko kailangang manghingi ng atensyon niya. Na makipag-away sa iba para mahalin din ako. Sawa na akong masaktan dahil sa kanila. Gusto ko namang sumaya sa piling ng lalaking iyon."
BINABASA MO ANG
JUST SMILE (The Rebel Slam Special Chapters)
Fiksi RemajaJUST SMILE (The Rebel Slam Special Chapters) By: Syana Jane TEASER: Broken-hearted si Irene kay Aser nang makatagpo siya ng isang aksidente. Nakilala niya si Von, ang reckless driver na isinugod nila sa ospital. He was very thankful to her ng magkam...