Kei's POVNandito na ako ngayon sa harap ng Vonwell University. Syempre kailangan ko muna iwelcome ang sarili ko.
Tinignan ko ang buong gate at nakita ko ang malaking V.U sa taas nito.
"HELLO VONWELL UNIVERSITY! WHOOOOOOO!!" Sigaw ko habang tinataas pa ang dalawa kong kamay. Nagtingin naman sakin yung mga estudyante sa paligid at nakita kong nagtawanan sila.
Pero wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko na sila pinansin dahil baka pag pinansin ko lang sila ma-bwiset lang ako. Wala akong balak sirain ang first day ko dito noh!
Pagpasok ko pumunta muna ako sa Dean's Office para ipasa yung mga requirements ko at kumuha narin ng schedule.
Lumabas ako ng Office at hinanap yung room number ko. Woooww!!
Namangha ako sa ganda at laki ng unibersidad na 'to! Hindi ko akalain na dito ako makakapasok.
Nang makita ko na yung room number ko pumasok na agad ako.
Konti palang ang mga tao dito at wala pa yung prof. namen.
Nanahimik nalang ako. Syempre pers dey kailangan magpakabait ng lola niyo!
Ano na kaya ginagawa nila nanay ngayon? Kailangan ko na rin pala makahanap ng trabaho mamaya.Nagulat ako ng may tumabi saking babae. Maganda siya at medyo matangkad saken ng konti. Mahahalata mong mayaman siya dahil sa kinis at puti ng balat niya.
"Hi. Can i sit here?" Nakangiting tanong niya.
"Oo naman. Hindi naman saken yan ano kaba hehehe." Hindi naman saken yung upuan nagtatanong pa siya hahaha. Pwedeng-pwede!
"Hahaha yeah. Thanks." Nginitan ko lang siya bilang sagot.
"Bat mag-isa ka lang?" Tanong niya saken. Nangangamoy new prend ah.
"Ganern talaga pag walang prend! Bago pa lang kasi ako dito." Sagot ko sa kaniya.
"Talaga? Ako rin eh. Bago pa lang din ako dito kaya wala pa din ako friend. Edi tayo nalang ang magkaibigan!" Masayang sabi niya saken. Ang daldal din nitong babae na 'to.
"Luh? Walang tayo. Pero sige prends na si ikaw at ako." Nakangiti kong sabi dito.
"Hahaha yes! I'm Precious Brennyl Froilan." Pakilala niya sabay abot ng kamay niya.
"Kei Castillo." Pakilala ko sabay abot ng kamay ko.
"Buti nalang pala dito ako nag-aral." Masayang sabi niya.
"Bakit? Hindi ba dapat dito?" Takang tanong ko.
"Oo. Si Kuya kasi ang may gustong dito ako mag-aral para daw nababantayan niya ako. Pero masaya rin pala dito noh?" Napangiti naman ako dahil naisip kong magiging close ko talaga siya.
"Ahhh. Edi dito rin nag-aaral yung kuya mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Transferee si Kuya. Sa US nag-aaral si kuya dati tapos napagdesisyunan niyang bumalik dito sa pilipinas nung bakasyon at sinabing dito na siya mag-aaral at itutuloy nalang daw niya yung career niya dito sa Pilipinas." Kwento niya saken.
"Ahhh. Kala ko dati pa siya dito. Teka- diba nag-aaral pa ang Kuya mo? Nagtatrabaho din kuya mo?"Tanong ko sa kaniya. Mukha naman kasi siyang mayaman kaya nagtataka ako bakit nagtatrabaho pa yung kuya niya eh mukha namang mayaman sila.
BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
Novela JuvenilMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3