Chapter 17

49.5K 1.3K 218
                                    

"Your tummy's so small, you should eat more." Puna ni Wyatt habang nakahawak sa tiyan ko. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran at parehong nakalubog ang mga katawan naming sa hanggang sa ilalim ng dibdib ko.



"I'm sexy." pagtatama ko sa kaniya. Nandito kami sa malayong bahagi ng dagat kung saan walang ibang tao, nakaharap kami sa papalubog na araw habang nakasandal ako sa kaniyang dibdib.



I know it's stupid. I'm stupid for giving in again. But what can I do? I'm so smitten over him.



"Damn yes, but you—"



"Can you please shut up na lang? I'm enjoying the view oh, panira ka." Pagputol ko sa sasabihin niya, totoo naman kasing napakaganda ng view ngayon at ang sarap pa sa pakiramdam na magkasama kami. Sinisira niya ang moment na gustong-gusto ko.



Naramdaman ko ang pag buntong hininga niya at humigpit ang yakap niya sa akin. Yumuko siya upang ipatong ang baba niya sa balikat ko.



"Naalala ko 'yung pinanood ko," biglang sabi ko.



"Hmm?" Hinalikan niya ang balikat ko.



"Through night and day." Sabi ko, "It's also sunset, her favorite time of the day. They're on Iceland, her dream country.. " I traced as I felt his kisses climbing from my shoulder blades up to the side of my neck.



"Uh-huh," Sagot niya na kunwaring interesado pero libang na libang sa leeg ko. Siraulo.



"And he broke up with her." Pagtatapos ko na ikinatigil niya. Ngumisi ako nang humigpit pa ang yakap niya sa akin at umayos siya ng tayo.



"I won't do that to you." Diretsong sagot niya na ikinataas ng kilay ko.



"You better make sure." pagbabanta ko sa kaniya habang hinahaplos ang mga kamay niyang nasa tiyan ko.



He tilted his head to face me. "Hindi ba't ikaw nga ang nakikipag break sa akin kanina? Ganoon ka kabilis mag desisyon." Sumbat niya kaya napaawang ang labi ko at pilit ko siyang hinarap.



"Teka nga, bitiwan mo 'ko." Utos ko dahil hindi ako makaharap sa kaniya, lalo namang humigpit ang mga kamay niya.



"Kidding, baby,"



"Bitiwan mo 'ko sandali," pilit ko kaya lumuwang na rin ang kapit niya.


La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon