hey, I'm Alexandra Jineah Lim , isang babaeng maganda , isa akong transferee dito sa school sa Cavite , actually dalawa kami ng pinsan ko, pero Hindi kami close like duh, ew .
So, papasok na ako sa school, school na napakasikat,napakalawak at napakaganda ito lang naman ang INTEGRATED SCHOOL dito kami papasok ng pinsan ko, excited na excited na ako , like ohmygosh Baka madaming pogi don , ghad. Antagal tagal naman kasi kumilos ng pinsan kong yun , ABA e pag aantayin pa ata ako, -,- "Ayesha , antagal mo naman" Ani ko sa pinsan kong napakatagal kumilos . "Ito na oh, malapit na" sabat naman niya saakin, maya maya pa ay bumaba na siya . Inirapan kolang siya sa sobrang inis ko. "Manong , tara na sa school" sabi ko sa driver namin na si Mang Victor.
pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na din Kami sa school, excited akong pumasok kaya nauna na akong maglakad . at tiningnan ang ganda at lawak ng paaralan na AMING papasukan. Nagulat ako sa ganda at laki nito, napakalinis pa at ang MGA studyante ay halatang mayayaman pero mga mukha namang pulubi hahaha like duh, MAS maganda ako sakanila noh.
Pagpasok ko ay pinagtitinginan ako ng mga panget na estudyante na parang ngayon lang ata sila nakakita ng dyosa dito sa school na to. Hahaha, Agad ko namang inirapan ang mga panget na nakatingin sakin , duh mamatay sila sa inggit. Naglakad lakad ako sa hallway , pupuntahan ko kasi yung grandma kong teacher, YES teacher ang grandma ko dito. Aba e, gusto niya daw kasi makita ang napakaganda niyang apo, kaya pinagbigyan ko na. Maya maya pa ay dumating na ako sa DEPARTMENT ROOM ng grandma ko, sumilip ako at nakita ko siya kaya pumasok na ako ng walang katok katok. " grandmaaaa" Ani ko, sabay yakap sakanya. " oh, Alexandra , my babygirl" sabi niya sabay yakap din sakin. Hays, itong si grandma talaga, hindi mapigilan na wag akong tawagin ng babygirl, hays. Parang bata naman kasi ako nun, SYAKA Hindi bagay sa beauty ko noh. PERO okay na yun. Wala naman atang nakarinig. "Papasok kana babygirl" tanong saakin ni grandma, "yes, grandma please don't call me babygirl , nakakahiya" sabi ko sakanya. Tumawa naman siya "ito naman, dalaga kana talaga alexandra" sabi niya sakin. Inirapan ko nalang siya. " grandma , papasok naako sa room ko baka malate paako e" sabi ko sakanya. " Oh sige alex, mag iingat ka, at makihalubilo ka sa mga bago mong classmate" sabi niya sakin. "Sige grandma, bye bye. " paalam ko, sabay halik sa pisnge. Bago ako pumasok sa room ko ay dumaan mona ako sa Canteen, nagutom ako bigla, may bulati ata ako sa tiyan. Pero thankful ako kasi kahit kain ako ng kain , ang sexy sexy ko padin. Ayoko naman masira ang katawan ko noh. Like duh,
Pagdating ko sa canteen ay isa isa Kong tiningnan ang mga paninda nila, ang cheep ng mga bilihin, parang hindi masarap, Kaya bumili nalang ako ng bottled water at Tiningnan ang ORIGINAL kong relo, omg 1:30 na late na ako ng 30minutes , Omggg. Dali dali akong naglakad sa hallway at hinanap ang room 303 dahil sabi ni grandma ay doon daw ako nakaroom.
YOU ARE READING
THE FORBIDDEN LOVE
RomanceIsang babaeng maganda,mayaman pero hindi kaaya aya ang ugali, AYAW sa mga tomboy pero nainlove sa isang BABAENG di inaakala na magugustuhan niya.