Marami akong naririnig na "manloloko" daw ang mga lalake.
Huwag niyo naman lahatin kasi may mga lalake pa namang seryoso.
Ang totoo niyan tayo pa 'yung nakakagawa ng mali kasi minsan ang OA natin.
Paano naging OA? hindi ka lang natext ng boyfriend mo. Piling mo na ipignapalit ka na tapos nakita mo lang na may kasamng iba. Piling mo na nambabae na siya.
Hoy, babae. Magisip ka nga. Ikaw ang pinili niya, seryoso yan sa'yo.
Maliban na lang kung nagpaeasy to get ka sa kanya.
Kung nakahanap siya ng iba, siguro may mali sa'yo.
Baka naman kasi selos ka ng selos pati pinsan niya pinagseselosan mo na.
Magsasawa talaga sa'yo yung lalake kapag ganun.
Ate, may pakiramdam din naman 'yan. Kahit lalake lang yan.
Pero mas nakakainis 'yung babaeng nakuha pang ipagpalit 'yung lalake na wala ginawa kung hindi mahalin siya.
Gumawa pa ng surprise para sa kanila kasi Anniversary nila.
Sobrang seryoso ng lalake sa kanya at para sa kanya yung babae na yun ang gusto na niya makasama habang buhay.
Dumating ang araw, nakahanap nang iba ang babae. Bakit? Anong dahilan niya at bakit niya pinahirapan ng ganon yung lalake?
Masakit man isipin ang matagal nilang pagsasama ay nawala na.
Para sa lalake napakaunfair ng babae, bakit siya naging unfair? Kasi hindi man lang daw siya binigyan ng chance para baguhin yung kung ano ang "NAKAKASAKAL".
Lahat tayo may karapatan sa "SECOND CHANCE" pero bakit hindi natin maibigay.
Mas lalo siyang nasaktan nung nalaman niya na sila na nung lalakeng pinagseselosan niya, yung lalakeng sinasabi na kaibigan lang daw niya pero bakit sila na agad.
Iyak siya ng iyak. nasaktan.nasayangan sa pinagsamahan. Masakit.
pero kailangan niyang tanggapin na wala na "SILA".
Ano mga babae hindi naman talaga manloloko mga lalake eh, intindihin naman natin yung nararamdaman nila. Hindi 'yung tayo ang palaging nagpapaintindi, at sana naman kung may karelasyon kayo. Huwag niyo na hayaan na mainlove sa iba kasi masakit kapag iniwanan niyo yung taong nagmahal sa inyo ng sobra-sobra.
Sana may "RESPETO NA KAYO SA MGA LALAKE"
-BABPEE2014-