CHAPTER 5

42 3 0
                                    

Hi guys! Thankyou sa mga umintindi sa mga wrong grammar hahaha! Pasensyaaa na mga prends! Wag niyo na intindihin yan.

Enjoyyyy!! Mwahhh! <3

________________

Kei's POV

Ang bilis ng araw. Friday na agad.
Parang kahapon lang kakaalis ko lang ng probinsya namen ah. Kahapon tinawagan ko sila Nanay at kinamusta sila.Namiss ko tuloy bigla sila.

Nandito ako ngayon sa room at pinaguusapan namen ni Precious kung anong gagawin namen para sa project namen.Hays. Bilis mag bigay ng sakit sa ulo ni Kalbo!

Sabi ni Prof. humanap daw kami ng isang partner namen kaya naisip ko agad si Precious.

Mabilis lang natapos yung klase namen. Wala naman akong dalawang subject ngayon kaya maaga kaming uuwi kaya napagdesisyunan ko munang maghanap ng bahay ngayon. Tutal may natira pa namang pera galing sa binigay ni Preston.

"Kei. Okay lang ba kung ngayon na natin gagawin yung project naten? Maaga rin naman kasi tayong uuwi."

"Ngayon na? Balak ko kasi sanang maghanap ng bahay ngayon eh." Sabi ko sa kaniya.

"Ah ganun ba? Gusto mo samahan nalang kita?" Tanong niya saken.

"Ay hindi na! Baka may gagawin ka pa. Kaya ko naman noh." Sabi ko sabay ngumiti sa kaniya.

"Hindi ano kaba. Tsaka wala naman akong gagawin ngayon kaya sasamahan kita." Pagpupumilit niya.

"Sige ikaw bahala."

Pumunta na kami sa parking lot at nakita ko yung sasakyan ni Precious.

Wow ang ganda. Parang bagong-bago palang ito ah. Manakaw nga. Chos!

Umalis na kami at naghanap na ng bahay. Hanggang sa nakakita kami ng apartment.

"Manong pahinto naman po." Sabi ni Precious at bumaba na kami.

Pumasok kami sa apartment at pinagmasdan ito.

Maganda naman. Sakto lang para saken at malapit sa University na pinapasukan ko.

Pag tapos kong ilibot yung mata ko.Tinanong namen yung may-ari ng apartment.

"Magkano po upa dito?" Tanong ko.

"3,000 a month. 1 month deposit at 1 month advance. Kapag kinuha niyo ito, 9,000 ang babayaran niyo." Nabigla naman ako. Hindi ko akalain na ganun pala kamahal. Hindi naman kalakihan yung bahay. Sakto lang.

"Ay hindi nalang po. Sa susunod nalang po."

"Bakit hindi mo kukunin? Maayos naman to ah?" Singit ni Precious.

"Sa susunod nalang. Hindi ko akalaing ganun kamahal. Hindi keri ng bulsa ko teh." Sagot ko pabalik.

"Ako nalang magbabayad." Sabi niya sabay kinuha yung wallet niya.

"Hala. Ano kaba hindi na. Nakakahiya na sayo." Tanggi ko sa kaniya habang iniiling pa yung ulo ko. Nakakahiya naman kung siya pa magbabayad,ako na nga nagpasama.

"Please. Kahit ito lang pag bigyan mo ako." Pilit niya. Mukhang di ko naman siya mapipigilan tsaka mapilit siya kaya go na!

"Oh sige mapilit ka eh. Pero utang to ah? Babayaran ko rin to pag nakaluwag-luwag na ako." Pagtapos kumuha na siya ng pera sa wallet niya at binayaran na niya yung upa.

"Kahit bukas pwede kana lumipat." Sabi nung may-ari.

"Salamat po." Sabi ko sa may-ari.

Pag tapos namin makipag-usap sa may-ari dumerecho kami sa bahay ni Tiya Margarette.

MY FAKE JEALOUS BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon