hay buhay!

12 0 0
                                    

Ano ba yan! Tanghali na ako. Bakit naman kasi hindi agad nag alarm to. Hay naku! Buhay nga naman.

Kelangan maligo na agad para mahabol ko pa dream guy ko... huhuhu.. kakainis talaga. After ko maligo, dali dali agad akong nagbihis na halos magkandarapa na ako sa pagmamadali...

"Inay..alis na po ako sa office na ko magbe breakfast.."

"Aba! Gael... magdahan dahan ka naman sa paglalakad mo.. ano bang ipinagmamadali mo? Maaga ka pa sa office ah."

"May kailangan lang po ako asikasuhin.. sige po inay go na ako ha....love u... kiss muna ako... muuaahh! pakisabi na din lang po sa itay una na ako sa kanya... importante lang po eh at tsaka nde ko na po siya iistorbohin sa pagligo niya ha..."

Walang anu ano'y lumabas ang itay sa banyo.. at inis na tinawag ako... nde kasi siya sanay na umaalis ako ng nde nagpapaalam... patay! May Sermon ako dito pag nagkataon.. lalo akong nde agad makakaalis..

"Hoy Gael... anong arte yan ha! Alam na alam mo na sa lahat ng ayoko eh yung basta na lang aalis ng nde ka nagpapaalam saken. Alalahanin mo nagiisang anak kitang babae.ihahatid na kita sa office kung talagang nagmamadali ka..."

"Itay naman eh... wag ninyo na ako sermunan... maligo na po kayo at ako na bahala sa sarili ko.. nagmamadali lang po talaga ako...may kelangan lang ako habulin...pakiss na lang po.. muaaaah. alis na po ako itay.. love you"

"Ay naku nde! Umupo ka muna diyan at mag almusal... baka kung mapano ka pa.. basta ihahatid kita. Tawagan mo boss mo at ako ang mag eexplain sa kanya..." ani ng itay...

Tapos ako nito... pano ko ba lulusutan ang itay..

Hay naku! Maabutan ko pa kaya siya.. kainis talaga. Ilang days ko na siyang nde nakikita eh.. anu na kaya nangyari sa kanya... Sana naman he's okay...

"Itay promise kakain ako agad pagdating ko sa office.. bibitbitin ko na lang itong pang almusal ko para siguradong kakain ako... please naman po..."

"Ewan ko sa yo Gael ha.. ingatan mo dapat ang sarili mo at napakahirap ng maysakit... kahit sino sa inyo sa pamilya ko ayaw ko na magkakasakit...."

"Asus... ang sweet naman ng father ko.. okay po.. love you tay.. bye po muna..."

Ganyan si tatay.. sobrang mahal kami at napakaasikaso... kahit pagod na pagod na yan sa trabaho at tambak ang ginagawa sinisigurado niya na kami pa din lagi nasa isip niya.

Nde siya kampante pag nde niya kami natsetsek araw araw... kaya kahit nasa 25 at 30 na mga kuya ko.... feeling niya mga bata pa din kami na kelangan niyang proktektahan.

Ako ang bunso sa magkakapatid at nag iisa niyang anak na babae kaya ganun na lang sya ka protective saken... nde lamang yun... masungit yan pagdating sa mga manliligaw ko... wala pang nanligaw saken na inaprubahan niya...

Nang magka bf ako halos himatayin siya  sa galit. .. kaya takot na takot sa kanya naging bf ko..kasi ayaw talaga sa kanya lalo na ng malaman na may bisyo ito...

Kaya ayun ang siste... nagbreak kami... pro ok lang naiintindihan ko naman siya eh...para na din sa kapakanan ko mga ginagawa niya.

Imagine pag may nagpapadala sa bahay na mga chocolates or any food na bigay saken coming from my suitors... siya muna ang unang kakain or titikim... baka daw kasi may gayuma.. mahirap na daw..

Kaya magugulat ka na lang yung tikim na sinasabi  niya... ubos na pala.. hahaha...
Kaya mahal na mahal ko ang itay eh...

Hener.... the first time i heard his name....grabe! Ibang saya kagad naramdaman ko.. ang gwapo niya..at may kakaibang dating siya ha... at para saken siya lang ang mayroon noon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sana Ay Ikaw Na Nga....Where stories live. Discover now