Kei's POVNagising ako dahil sa init na naramdaman ko. Tumayo na ako at naghilamos. Mga prend nagpapaypay lang ako! Wala pa akong gamit mga prend. Mamaya palang ako bibili.
Umupo ako sa sahig at kumuha ng papel at ballpen sa bag ko. Nilista ko yung mga kailangan kong bilhin at nilagay ito sa wallet ko.
Hindi pa ako nakakakain,hindi naman ako makapagluto dahil wala akong gamit. Kailangan ko na talaga mamili ng mga gamit ko mamaya.
Maya-maya naisipan ko na ring maligo para makapaghanda na. Aalis nga DAW kasi kami ni Preston. Bahala siya,sigurado akong maiinip yun kakahintay saken sa pamimili.
Pagtapos ko maligo nagbihis na ako. Syempre alangan naman hindi diba?
Nagsuot lang ako ng tokong at white tshirt. Nagsuklay lang ako at kinuha na yung wallet ko. Ang tagal ni Preston lechugas siya. Maya maya nag ring yung cellphone ko,agad ko namang sinagot ito.
"Hello? Nasan kana?" Bungad ko.
["Tss. Nandito ako sa labas. Bilisan mo,ayokong maghintay dito."]
"Arte mo-" hindi ko nanaman natuloy yung sasabihin ko dahil pinatayan nanaman ako ng hinayupak!
Ang hilig niya talaga putulin yung mga sinasabi ko! Lumabas na ako at nilock na yung pinto. Nilapitan ko yung kotse niya at binuksan ito.
"Where do you want to go?" Tanong niya.
"Mamimili ako ng mga gamit sa bahay. Samahan mo na muna ako." Hindi na siya sumagot at nagdrive na paalis.
Habang nagdadrive siya napansin ko yung keychain na mickey mouse na nakapatong sa tabi ng salamin ng kotse niya.
"Wow. Ang cute naman nito." Sabi ko sabay kinuha ito.
"Hoy kanino to? Ang cute." Tanong ko. Nilingon naman niya ako at hininto yung sasakyan.
"Hoy muntik na ako dun ah! Bat mo ba hininto?!" Inis na tanong ko sa kaniya.
"Wag mo ngang pakielaman yan!" Sigaw niya sabay kuha saken nung keychain.
"Che! Tinitignan ko lang naman ah?Ang arte nitong lalaking to." Sigaw ko sa kaniya sabay inirapan siya.
"Tss."
"Preston? Nagka girlfriend kana ba?" Tanong ko sa kaniya. Nakita kong lalong sumeryoso yung mukha niya habang nagddrive.
Hindi niya ako pinansin na parang hindi niya ako narinig.
"Hoy tinatanong kita!" Sigaw ko.
"Don't talk to me." Cold na sabi niya.
"Don't talk to me daw? Utut mo bilog!"
"What?! Meron bang bilog na utot?" Tanong niya habang naka kunot pa yung noo. Napatawa naman ako bigla.
"Hahahahaha! Gaga wala! Naniwala ka naman bigla? Tsk tsk tsk." Sabi ko habang tumatawa-tawa pa.
Hahahaha seryoso pa siya eh.
"Tss." Sagot lang niya saken.
BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
Teen FictionMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3