September 7, 2017 11:03PM
"I hereby release you, Melvin John Fulgencio Escultos, from all responsibilities of being my boyfriend, Monique Anie Berces Daigo, effective today, September 8, 2017."
Ayan ang tinext ko sakanya.
Litong lito na 'ko.
Ang sakit na ng ulo 'ko. Di na ko makapagisip ng ayos.At sa sobrang sabaw ng isip ko, I thought today is September 8. Bukas pa pala yun.
I ended it. Once and for all. Tapos na ang lahat. I let go of him.
Well partly.
Dahil alam kong sa puso ko nandito pa sya, buhay pa sya, mahal ko pa sya.
At ang nakakagigil?
Kahit na ni-let go na sya, umaasa pa din ako na babalik sya.
Ang sakit. Sobra.
After I said those words, my tears started to dry down.
I've been crying and crying all day for more than a month already.
Ang nakakapagtaka lang, bat hindi pa din ubos yung fluid sa katawan ko?
Dapat by now ubos na sya eh.
Pero siguro kung gano kadami yung fluid sa katawan ko, ganun din kalaki yung pagmamahal ko sakanya.
Siguro kapag na ubos na yung fluid ko sa katawan, makakamove on na ko.
Siguro.
Ang salitang ginagamit ng karamihan kaya madaming asang-asado at hopiang-hopia.
At maaaring maging ka-isa na din nila ako.