PALINGA-LINGA si Nathan ng hapong yoon, kung makikita siya ng kanyang mga kaibigan ay tiyak na pagtatawanan siya, alas-dos ang klase niya at late na siya ng sampung minuto pero nagagawa pa din niyang magmasid sa paligid na para siyang takas na preso dahil lang sa pag-iwas sa isang babae. Si Maria Antonio o Maya sa mga kaibigan nito ay parang kabute na basta na lang sumusulpot sa harapan niya. He did not know why the woman suddenly become interested in him or thought that he's interested at her gayong pinulot lang naman niya ang ballpen na nahulog nito, if he only knew that it will lead him from being stalked ay nunca na pinulot niya ang naturang ballpen. Iisa ang building nila dahil parehas na Engineering ang kanilang kurso, mabuti na lamang at magkaiba sila ng major. Electrical Engineering siya samantalang Industrial Engineering naman ang kinukuha nito.
Graduating na siya sa taong yoon at sinabi niya sa sariling magiging memorable ang huling taon na yun sa pagpasok niya Saint Raphael University pero mukhang hindi iyon matutupad dahil nga nagsimulang maging kalbaryo niya ang babae. He did not know if the woman is obsessed with him or just plain crazy. She's been stalking him for months now kahit na diniretsa na niyang hindi niya ito gusto. Binibigyan siya nito ng kung ano-anong luto nitong pagkain na kahit minsan ay hindi niya tinikman sa takot na magayuma, maya't maya ang padala nito ng quotation sa text na sa tingin niya ay kinukuha sa makapal na libro dahil mukhang unlimited iyon, at hindi uso sa network nito ang check operator service. The worst part of all ay nagpakilala pa ito sa kapatid niya na girlfriend niya na mabilis niyang itinanggi.
Paakyat na siya ng hagdan ng biglang may umakbay sa kanya, marahas siyang lumingon at nakahinga ng maluwag ng makitang ang kaibigang si Peter ang nasa likod niya.
"Pare, nagiging magugulatin ka yata ngayon?" nakakalokong tanong nito. Alam nito ang kalbaryo niya pero mukhang naaliw pa ito sa mga nangyayari sa halip na tulungan siya.
Napailing na lang siya at nagsimula ng umakyat ng hagdan. "Bakit nandito ka pa sa labas?" Lumingon siya ng mapansing hindi ito sumusunod sa kanya. Tiningnan niya ito sa nagtatanong na mata.
"Wala tayong klase ngayon kay Sir Abuel, tara tambay muna tayo sa office ninyo. Don't worry, balita ko ay may meeting ang mga Industrial Engineering students kaya wala si MC." nakangising balita nito. 'MC' ang taguri nito kay Maria, short for Maria Clara dahil kapangalan ito niyon ngunit kabaligtaran nito si Maya.
Muli siyang bumaba at sumunod na dito, ang office na sinasabi nito ay ang Engineering student council office. Siya ang nanalong presidente para sa taong yoon kaya may hawak siyang susi niyon at madalas ngang ginagawa nilang tambayan. Nang makapasok sila ay ini-lock agad niya agad ang pinto, maigi ng sigurado. Napailing na lang siya sa naisip at padaskol na umupo sa upuang nakalaan talaga para sa kanya.
"Pare, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa babaeng yon. Look at me, I can't even do things that I'm doing before, mas nauuna ko pang isipin kung paano ko siya iiwasan sa araw-araw kaysa mag-aral tuwing may quiz tayo." helpless na kuwento niya dito.
Tumawa ito ng malakas pero bigla ding tumigil ng tingnan niya ito ng masama.
"Relax dude, may suggestion na ako para sa dilemma mo." kinuha nito ang stress ball na nasa lamesa niya at inihagis papunta sa kanya, sinambot niya iyon at pinisil-pisil. "Bakit hindi ka kumuha ng magpapanggap na girlfriend mo?"
"Sa tingin mo effective yun?"
"Ayon sa source ko, hundred percent sure yun." sabi nito na tumataas baba pa ang kilay.
"Paano ka naman nakasigurado?" diskumpiyado pa din niyang tanong.
"Ang dati lang namang ini-stalk ni Maya ang nakausap ko, si Joel na taga- Business Administration. Mas worst pa nga yung case niya dahil halos isang taon daw na sinusundan sundan siya ng haliparot – este ni MC pala. Nagka girlfriend na siya pero hindi sumuko si MC kaya nagkahiwalay din sila nung girl. Then–"
BINABASA MO ANG
Love And Lies (Published Under PHR)
RomanceHelloooo~ It's G and I'm using this account. R and N are still busy kaya hindi pa matapos ang story ni Red. So, for the mean time, I'll post here yung mga unedited manuscripts ko. 'Yun lang, bow. Hindi lang ang pagiging vocalist ni Jessie sa bandan...