CHAPTER FIVE

6.9K 113 1
                                    

"NO, but don't do anything stupid Milo. Those rumors will eventually die if none of us confirm or deny." bilin niya at muling humiga.

"But, Jessie! Paano kung–"

"No buts Milo, I'm still months older than you, so do exactly what I say." pinal na desiyon niya. Kilala siya ng pinsan at alam nito kung kailan pwede itong makipagnegosasyon o hindi sa mga desisyon niya sa buhay.

"I think hindi agad mawawala ang chismis sa inyo Jessie, because Nathan Valdez is coming in our turf." maya-maya ay sabi ni Twinkle.

Bumalikwas siya ng upo para makita kung totoo ang sinasabi nito. She didn't know why she feels something strange in her chest when she saw the man approaching them. Diretso itong tumingin sa mga mata niya so she remained her famous "i-don't-care look" kahit pa iba ang nararamdaman niya ng mga sandaling yoon.

"So my boyfriend has finally arrived." bati niya dito ng tuluyang makalapit ito sa kanila. Himalang tahimik lang ang mga kasama niya na kanina ay pinag-uusapan ito.

Napansin niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito bago nagsalita.

"Can I talk to you, Jessie? I mean, in private if you don't mind." anito at tiningnan pa ang mga kabanda niya.

Nang tangkang magsasalita ang pinsan niya ay mabilis niya itong inunahan.

"Sige na Milo, mag-uusap lang kami." pagtataboy niya.

Wala na itong nagawa pero tiningnan muna nito ng masama si Nathan bago umalis kasama sina Twinkle at Colt. Nang makalayo ang mga ito ay muli niyang binalingan ang lalaking nasa harapan niya. Nakatayo ito kaya nakatingala siya at lalo siyang nahihirapan dahil matangkad ito.

"Gusto mo bang makipag-usap ng nakatayo? Ang naaalala ko ay hindi naman kita inimbitahang umupo noon pero umupo ka, so don't expect na may magbabago." aniya.

Mukhang naaasar na naman ito sa kanya pero pilit pa ding pinapakalma ang sarili kahit na nakalarawan na iyon sa mukha nito. She noticed that Nathan was a type of person that she can easily read of what he's feeling for it was always written in his face. Umupo na ito paharap sa kanya at nagsimulang magsalita.

"Alam mo na naman siguro na tayo ang laman ng chismisan sa buong campus. Hindi ko alam kung papaano kumalat ang mga iyon." panimula nito.

"So you'r e saying na ako ang walang magawang nilalang na nagpakalat na may relasyon tayo, tama ba?" tanong niya.

"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako."

She can't believe that he's using her reverse psychology. Akala ata nito ay hindi niya alam na kapatid nito ang nagkalat ng balita at sa takot na madamay ang kapatid ay siya ang palalabasin nitong may kasalanan. Nagpasalamat siya at iniwan ni Twinkle sa tabi niya ng papel na may impormasyon tungkol dito.

"Alam ko na hindi ikaw ang nagpakalat ng balita. In fact, kilala namin kung sino." aniya at ipinatong niya sa lamesa ang papel at kunwari ay binabasa niya ang nilalaman noon. "I think it is better if we directly ask a girl named Cinderella Valdez from Psychology department, why she started such rumors?" dagdag pa niya na ikinapanlaki ng mga mata nito.

Basta na lang nito inagaw sa kanya ang papel at mabilis na pinasadahan ang nilalaman noon. Kung kanina ay mukhang naaasar ito sa kanya, ngayon ay kakikitaan ng takot ang mukha nito. Pero kanino ito natatakot? Takot ba iyon para sa sarili o sa kapatid? O takot ba ito sa kanya? Sinabi lang naman niyang tatanungin nila ang kapatid nito pero mukhang iba na ang nasa isip nito.

"Bakit meron ka nito? May binabalak kayong masama sa akin noh?"

"Wala naman, si Twinkle ang nagresearch niyan, hindi ako." sabi niya na kahit na mukhang hindi ito maniniwala sa kahit na anong sabihin niya.

Love And Lies (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon