CHAPTER SIX

6.5K 120 0
                                    

DAHIL malayo ang canteen sa engineering building ay hindi na siya namili ng sandwich na bibilhin, kung ano ang una niyang nadampot ay yun na ang binayaran niya. Nang makabalik siya ay nagtaka pa siya ng may mangilan-ngilang estudyante na nadagdag roon. Napakunot noo siya ng marinig ang boses ni Jessie at musikang nangagaling sa... piano? It seems that everyone in the room was charmed by her soulful voice.

Two years ago, he forced himself not to go back in Milo's Bar for he knew that he cannot handle his heart to be broken by her. Sa ugaling ipinakita nito sa kanya mula ng maisauli niya ang cellphone nito ay inakala niyang hindi na muli pang babalik ang nararamdaman niya dito ilang taon na ang nakakaraan. Pero hayun at isang kanta lang nito ay nag-iiba na agad ang ritmo ng puso niya. Marahil ay dinadala siya ng pag-awit nito sa eksena noong una niya itong nakita.

Alam niyang wala itong nararamdamang kahit na ano para sa kanya, pero ang kaalamang napapanatili niya ito sa kanyang tabi ay nagbibigay sa kanya ng labis na kasiyahan. Maybe it was destiny that their path crossed again. And for that, he was thinking if he will let it slipped again in his hands. He liked her before, or maybe, he silently loves her all this time. He was not even surprised when the realization hit him.

He must think of something that will make her stay with him even without the damn contract. The first thing he must do is to make her depend on him and not to her friend Milo. Napangiti siya sa naisip at tuluyan ng lumapit dito ng mapansin niyang tapos na itong kumanta.

HINDI alam ni Jessie kung ano ang nangyari pero alam niyang may mali kay Nathan ng bumalik ito mula sa pagbili ng meryienda niya. Ang sabi nito ay walang public display of affection na magaganap sa durasyon ng pagpapanggap nila pero hayun at kulang na lang ay lingkisin nito ang bewang niya na para bang anumang oras ay may aagaw sa kanya mula rito.

"Jessie, babe, kumain ka na." anito at iniumang pa sa kanyang mukha ang sandwich matapos nitong ayusin ang balat na pinaglalagyan niyon.

Nalukot ang ilong niya ng maamoy ang palaman ng sandwich na binili nito. It was a tuna sandwich. Hindi niya pwedeng kainin iyon dahil allergic siya sa seafoods, nahihirapan siyang makahinga kapag aksidenteng nakakain siya niyon. Pero ng makita niya ang reaksyon nito na para bang proud pa ito na sinusubuan siya kahit na todong inaasar na ito ng mga kaibigan ay pikit mata niyang kinagat ang sandwich. Nang tangkain niyang kunin iyon mula sa kamay nito ay iniiwas nito ang sandwich at sinabing ito na lamang ang magpapakain sa kanya.

Shit!

"Wow, pare! Ang cheesy mo na! Sabagay, kung si Jessie rin lang naman ang magiging syota ko ay willing din akong magpaka keso." nakangising sabi pa ni Red. Nginitian na lamang niya ito ng tumingin ito sa kanya.

Hinagilap niya ang cellphone sa bulsa at nagtext kay Milo na ibili siya ng gamot sa allergy niya at magkita na lamang sila sa labas Engineering building.

Nang mukhang tapos na ang mga itong magkwentuhan ay isa-isa ng nagpaalam ang mga ito sa kanila ni Nathan. Nang makalabas na sila sa student center ay napabuntong hininga na lamang siya ng itapon nito sa basurahan ang balat ng sandwich. Naglalakad na sila palabas ng building ng tanungin siya nito kung saan na ang punta niya.

"I'm staying here, may aantayin pa ako." sagot niya. Umupo siya sa isa sa mga benches na nasa harapan ng Engineering building. Nagulat pa siya ng umupo din ito sa tabi niya.

"Aantayin ko ng dumating yung inaantay mo." anito.

"Huwag na, kaya ko na ang sarili ko. Pumunta ka na kung saan ka talaga pupunta." tanggi pa niya dito. Ayaw niyang makita nito na iinom siya ng gamot kaya pinapaalis na niya ito.

"Nah, it's just my way of saying thank you for what you've done for me and my friends. Alam kong wala sa usapan natin yung kanina pero ginawa mo pa din. Mukha ngang close na kayo ni Red, eh." she searched for his eyes when she sensed something in his voice.

Love And Lies (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon