II: Do You Remember

31 2 0
                                    

"Ashee, wake up. You need to go with us. We'll enroll you in your new university." mala-awtoridad na sabi ng isang babae. Hindi ko siya makilala. Sobrang inaantok talaga ako mula sa mahabang flight at sa pagtulong kila yaya na mag ayos ng mga gamit.

"5 minuteszxz.." ani ko.

Mukhang nagalit ang babae dahil natahimik ito. Ngunit nagulat ako ng dire-diretso nitong sinabi na, "Ashee na bulol!! Gumising ka na sige papagapangin ko sa kama mo lahat ng ipis sa buong mundo!"

"Eto na nga babangon na nga oh eto na kalma lang."

Jusko! Napaka sadista naman nun. Napabangon ako agad. Takot kasi ako sa mga ipis. Ngek. Mommy ko pala ang nagsasalita. Bukod kasi sa ate ko, siya lang ang tumatawag sakin ng bulol. Pumikit-pikit ako sandali. "Be ready in 45 minutes. You'll have your entrance exam. Had a good sleep?"

"Opo 'ma. I slept well, but I didn't wake up nicely." Natawa naman ako sa sarili ko. Pero natawa din ako sa reaksyon ni mommy.

"Ikaw talaga! Maligo ka na, kung hindi papaluin kita sa pwet!"

Aish, naalala ko nanaman yung lalaking masungit! Ay nako pag nakita ko yun ulit kukutusan ko yun kahit di kami close, eh tinawag nya akong tanga eh! Lagot ka talaga saking lalaki ka pag nakita kita bwahahahaha matitikman mo ang sweet revenge ko! Pero teka.. hindi naman siguro sya yung bestfriend ko no? Kasi kung magkakabestfriend ako, dapat mabait eh mabait ba yon? Saksakan nga ng sungit eh. Ang sarap nyang saksakin nakakapang-gigil!!

--

Napakaganda dito. Malawak ang lugar.. Napaka lamig ng hangin.. Walang mga patay na puno, lahat ng puno matatangkad at matatayog. Kung hindi 'to school, aakalain mo talagang probinsya to. Ayon sa nakita ko sa entrance, Jungdok University ang pangalan nitong university na 'to. Koreano daw ang founder nito. Gusto kong umupo dito ng matagal. Hindi masyadong nakakapasok ang matinding sikat ng araw. Teka, paano nga ba 'ko ulit napunta dito?  Nakaramdam ako ng bahagyang pagod, kaya't naisipan kong magpahinga ng panandalian. Nakakita ako ng bench na parang yung sa mga parke, at biglang sumakit ng bahagya ang ulo ko..

--

"Kaaaaat!" nakarinig ako ng cute na boses galing sa isang lalaki.

"Ken?" napalingon naman ako at nakita ko siya. Napangiti ako nang makita kong siya nga yung lalaking inaantay ko.

"Tara upo tayo dun!" itinuro niya ang isang bench. Tingin ko pagod 'to. Hingal eh. Umupo kami doon at uminom agad siya ntubig.

"Namith kamo kita. Haloth ithang linggo rin tayo 'di nagkita."

Tinignan niya ako gamit ang maganda niyang mata. "Ako din."  at nginitian nya 'ko.

--

Ano 'to? Alaala na ba 'to ng nakaraan ko? Ang sakit ng ulo ko..

"Kat, ansaya mo talagang kasama. Karamihan sa mga babaeng nakikilala ko hawak ng hawak sa braso ko, anlalagkit naman ng mga balat! Parang pancake syrup!"

Sabay kaming tumawa sa biro niya. "Grabe naman yun! Hahaha!"

--

"Kat? Sinong Kat? Sino yung dalawang batang naaalala ko?"

"Sino si Ken? Sumasakit na talaga yung ulo ko!"

Yan ang mga naiisip ko habang hinahawakan ko yung ulo ko at minamasahe. Nahihilo na rin ako.

"Ashee? Are you okay? What's happening?" narinig ko ang boses na nag-aalala ng nanay 'ko. Wala akong makita, kaya nanatili nalang akong nakayuko hanggang sa maging maayos na 'ko.

"Mom, sino si Ken?" tinignan ko si mommy ng mata sa mata. Gusto ko talaga malaman kung sino si ken at kat.

Nagulat siya sa tanong ko. "Ashee.."

"Yes?" ani ko. Kinakabahan talaga ako. Pero gusto ko na rin makilala kung sino si Ken. Gusto ko malaman kung bakit ko siya naalala. Gusto ko malaman kung anong mayroon kami sa nakaraan ko. Gusto ko malaman kung siya na ba yung best friend ko. Kung sino ba sya sa buhay ko.

"Diba yun ung sa dalandan?" at napakanta naman siya ng Nesfruita Dalandan song. Saksakan talaga ng corny si mommy pang-asar eh. Panira ng moment.

"Ma naman! Hindi yun yon. Si Kendra yun eh!" medyo naasar ako kasi ang corny talaga.

Tumawa siya sandali pero biglang nagbago ang expression niya. Naging seryoso ito. "Ipapacheck up kita. After 1 week, we'll be back for your interview and for the results of your entrance exam. Let's go."

--

Habang nasa kotse kami ay hindi 'ko maalis sa isip ko ang naalala ko kanina. Pakiramdam ko ay napaka-importante ng alaalang bumalik sa akin kanina. Pakiramdam ko ay alaala namin ito ng best friend ko. Pero paano ko siya mahahanap uli? Ni hindi nga ako sigurado kung siya nga ang taong nasa alaala ko eh. 

Sana, mahanap ko na sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carved Inside Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon