PART 2

841 41 4
                                    

       Walanghiya kang Mokong ka, eto sa'yo.

    " Good job Markiel! Magkakilala na pala kayo?" Kinamayan sya ng team commander nila.

     Pakiramdam ko naman umuusok ilong ko, nagngangalit ipin ko sa galit sa lalaking manyak na to.

       " Sir, kasama nyo ba 'to?" Taas kilay kong tanong.

        " Ah, oo isa sya sa team namin!"

        Tingin-tingin naman ang mokong na manyakis, na parang takang taka.

        " Pasalamat ka, nandito tayo pareho sa duty, kung nagkataon kanina ka pa bumaligtad dyan sa kinatatayuan mo!" Kung nakakalusaw lang tingin ko, malamang walang natira sa lalaking yan, ultimo anino nya.

       Letse!!

       " Bakit ano bang nangyare?" Takang tanong ng Team Commander nila.

        " Sir, pagsabihan nyo yang tao nyo!" Kulang nalang hubarin ko takong ko at ipukpok sa noo nya sa sobra inis.

        " Aba miss malay ko bang babae ka!" Pagtatanggol nya sa kanyang sarili.

        " Ang sabihin mo manyakis ka talaga!" Ayan nagsimula na armalite kong bibig.

         " Miss, magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi ka ba nanalamin, tingnan mo nga itsura mo?" Natatawa pa sya habang umiiling.

        Lalo nag-init ang dugo ko, naku konting konti nalang.

        " Hoy, kung marunong kang rumespeto kahit bakla pa o mukhang kabayo igagalang mo!" Ngitngit ko sa kanya.

         " Miss pareho tayo nasa duty, sabi mo nga, so I do anything to make my job well at lahat ng yun is part ng trabaho ko." Pagpapaliwanag nya na may halong, nakakalokong tawa.

           " Hahahaha.... part ng job? Eh kung nahubaran mo pala ko wala lang yun ganun ba?" Nang-gagalaiti kong sigaw sa kanya.

          " Miss, iba na yang pananalita mo ah? Anong malay kong....." Seryoso na din itsura nyang sabi sa kin.

         Tumayo ako ng matuwid at namaywang sa harapan nya.

         " Sir, kung gusto mo respetohin ka matutong kang rumespeto sa iba!" Duldol ko sa pagmumukha ng....ewan police ba sya o ano...malay ko...basta mokong sya di ko sya uurungan.

        Langya ka, di tulad mo mag-papatiklo sa'kin.

        " Miss, pumapatol ako sa babae!" Galit na din nyang sagot sakin.

       Palitan nalang ng tingin samin ang Team Commander nya, nalilito sino pakikinggan nya dahil di nya alam ang puno't dulo.

       " Wow sir, look ganito ba pinagmamalaki mong agent nyo, manyakis na, arogante pa! Pasensya ka na sir, maiwan ko na kayo!" Paalam ko nalang sa pinaka mataas nila dahil baka di na ako maka pagpigil, ano pa magawa ko.

        Gigil mo ko Mokong ka, wag na sana mag krus landas natin!

      Sa sobra inis ko, iniwan ko na sila! Yabang ng lalaking yon, agent pang naturingan..sunod nalang ng tingin sakin Team Commander nila n napapailing.

       Pagdating ko ng bahay di pa din maalis ang badtrip ko, napansin ni Basha na naloloka ako sa asar.

      " O bakla, mukhang windang ang mundo mo nyare? Byernesanto mukha mo ah!" Natatawang tanong nya sa'kin.

Akin Ka Lang (THE UNDERCOVER wattpad edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon