BUHAY APPLY

6 0 0
                                    

Masayang lumabas ng bahay si Marikit .Ito kase ang araw ng kanyang paghahanap ng trabaho.Kaya naman todo pustura sya, wearing floral dress with 4 inches heels sandals ,at syempre putok na putok na make-up.

Marikit: "This is it! this is my day! god please guide me."(habang pababa ng hagdan ay nakasalubong niya ang pilyo niya kapatid na si Maginoo)

Maginoo:(labing pitong taong gulang,physical apperanceNO COMMENT kaya alam niyo na no need long explanation)"UH MY GOSH! marikit ...VULCAN ka ba?"

Marikit:*napangiti* Bakit ang hot ko ba?

Maginoo: Hindi! Mukha ka kaseng SABOG! yun oh Break the BUBUG!hahaah

Marikit :*napasimangot*hehehe ikaw utoy ,you look so pogi yata ngayon.(with matching mapanlokong ngiti)

Maginoo:*big smile* ano kaba marikit it's natural inborn

Marikit: oo nga inborn ang pagiging POGIta mo... kaya tumabi tabi ka nga sa dadaanan ko baka malasin lang ako sayo.hala chupeeeeh!

Habang naglalakad si marikit papuntang sakayan ng jeep ay biglang naputol ang takong ng kanyang sandals.

Marikit:(pilit parin pinagdidikit ang sandals sa heels) Syete beinte otso taya jueteng naman oh,bat ngayon kapa nagsurrender.aha alam ko na tama.(luminga linga)tama bibili ako ng shoe glue

kahit paika-ika ay matiyagang naghanap ng tindahan si marikit at ng may natagpuan na sya

Marikit:pabili po! Tao po

Tindera:(medyo maidad na) Anu yon?

Marikit:Ahmm excuse me, do you have shoe glue?

Tindera: anu solfor? wla kme nun

Marikit:(medyo nabwisit) manang shoe glue po pandikit ho un hindi sulfur!

Tindera:(nagtaas ng kilay) aba walang mudu etung batang eto eh sa wala kame nong benebele mu! umales kana dene ..huh

kaya kahit hirap maglakad ay pinilit nalang ni marikit maghanap ng ibang tindahan ang kaso narating na nalng niya ang sakayan ng jeep ay wala syang nabiling shoe glue.kaya para di malate sa pag aaplyan ay sumakay na sya ng jeep.

Marikit:(binuklat ang shoulder bag at kinuha ang pamasahe)"manong bayad po!(inabot niya sa konduktor)

Konduktor:"pasaan po kayo?

Marikit: (tiningnan ng masama ang konduktor) " mukha ba akong galling sa condo at may dalang foods ! sa kinis ng face ko pasaan ako.Hmmp(sabay irap sa konduktor)

Konduktor: (kumunot ang noo) "miss pasaan po kayo?

Marikit: Aba! Makulit ka rin ano ? (galit na boses) hindi nga ako pasaan!

Konduktor: (Naiirita na) "miss saan ho kayo tutungo?

Marikit: (nabwibwisit na) kanina pasaan ngayon kailangan ko naman tumungo, anlabo mo rin kausap noh!

Konduktor: (pikon na) " Ikaw ang magulo,saan ka ba bababa? Bwisit na babae toh(pabulong)

Marikit: " Ah you mean pasaan ako? Ah...hehe pasinsya.. Diyan lang ako sa kanto

Matapos makababa ng jeep ay hirap na hirap parin si Marikit dahil sa nasira niyang sapatos.Kaya paika-ika parin sya maglakad.Mula sa kinatatayuan niya ay nasa 20 metro pa ang kanyang lalakarin.

Marikit: "Nakaka asar naman maglalakad pa ako.Huh sana naman matanggap ako .(bulong sa sarili)

Dahil may tiyaga rin si marikit ay narating na rin niya ang kompanyang kanyang pag aapplyan.

Marikit: sa wakas nakating na rin *Huh*

May limang aplikante ang nauna kay Marikit.at nang sya na ang tinawag.

Marikit: (dahan-dahan binuksan ang pinto) Good morning po!

Interviewer:Good morning ,pwede kanang maupo.

Marikit: (umupo) (slang) Take you so much, hello po

Interviewer: Now introduce yourself.

Marikit: Aaah..Im Marikit D. Totoo,21 yrs of age,living in my hometown. I have two pets they are so cute.

Interviewer: ahh ok.Pwede ba ung mas maikli marami pang aplikante miss eh

Marikit: (Ngumiti) It's okay sir .Im pretty and flawless skin because only Bilo can touch my skin hu das is yours? Ah. By the way Im a high school graduate at my graduated school,

Interviewer: Miss lets proceeds to your special skills.

Marikit: special skills,special skill(pabulong)

Interviewer: yes.. miss you tell something?

Marikit: Ah I have my skills .Actually I love singing,dancing,painting,drawing,acting,hosting,jogging,kidding,cooking and laing

Interviewer: *nakasimangot*ah okay,,why you should think that we need to hire you as our service girl?

Marikit: *ngumiti* It is because im industrious,gorgeous,curious, and obvious

Interviewer: Okay you can go.

Marikit: tanggap po ba ako?

Interviewer: (kinawayan ang guard) Come here

Guard: yes boss?

Interviewer: You know what you need to do di ba?

Guard: Okay miss makakauwi kana

Marikit: hire na po ba ako?

Guard : We will call you don't call us ,Bye bye

Marikit : (malungkot na lumabas)

Mahirap ang buhay,ngunit kung minsan ang hirap ang nagiging sanhi ng ating kasiyahan.



THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUHAY APPLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon