S O M E O N E T O H O L D O N
Loisa's POV
Nandito na naman ako...
Nandito na naman ako sa tabi mo...
Kailan mo ba kasi mapapansin ang feelings ko? Para sayo...
'Yan ang ilan sa mga linyang paulit-ulit sa utak ko. Bakit ba kasi hindi ako lubayan? Lubayan ng feelings ko para sa kaniya. Mahirap kasi siyang iwan.' Yon ang problema.
Yung tipong kahit gusto mo siyang iwan, hindi mo magawa. Kasi natatakot ka na makita yung magiging reaksyon niya sa gagawin mo. Natatakot na magiging masaya siya o natatakot na magiging malungkot siya?
Kasi mah---
"Loisa!! Ano na naman bang nasa isip mo ha? Kanina pa kita kinakausap pero lumilipad na naman 'yang isip mo. Hahaha" natatawang sabi niya... ni Andrew, Drew for short.
Katulad na lang ngayon. Kahit na lumilipad ang isip ko. Katabi ko na siya pero lumilipad pa rin ang isip ko... pero siya pa rin ang dahilan. Hayst.
"Ano ba kasing pag-uusapan na naman natin?!" I responded. Pero sa tingin ko, alam ko na ang magiging sagot niya.
"As usual, sino pa nga ba?" tila nakangiting sagot niya sa akin. My heart aches every time he answer that to me. Bakit ba kasi hindi na lang maging manhid ang puso ko? Gaya ng puso niya...
"Luisa" ang kaisa-isang pangalan na palagi kong binibigkas tuwing iyon ang magiging sagot niya sa akin.
Bakit ba kasi hindi na lang ako? Isang letter lang naman ang pinagkaiba ng pangalan ko sa pangalan niya. Ano bang meron siya na wala ako?
"Anong sabi mo?" Biglaang tanong niya sa akin.
"A-anong ibig m-mong sabihin?" Nauutal na tanong ang naibalik ko rin sa kanya. Baka naman narinig niya ang sinabi ko? Sana hindi...
"You're spacing out again Loisa! 'Yan ang hirap sayo! Kung ano-ano bigla ang sasabihin mo! At hindi ko na alam kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi mo!" H-he shouted at me? Oo, sinigawan ka niya! Wala ka man lang bang gagawin? Ngayon niya lang ako sinigawan. I mean, sinisigawan niya ako kapag tinatawag at kapag... nagbibiro siya. Pero sa oras na 'to, iba ang kahulugan ng sigaw niya.