Nasa malayong parte na kami. Takbo parin ako ng takbo kahit alam kong wala na yung hinayupak na baklang yun. Tangina talaga pag nakita ko pa yun bubugbugin ko na yun, wala nang patawad, sagad hanggang sa bayag.
"Dude, stop! Please!"
Pagtingin ko sa likod ee halos mahimatay na sa pagod si Red. Takte, kanina pa pala kami takbo ng takbo.
"Oh, sorry, dude..."
Tumgil na ako sa kakatakbo at nilapitan yung inglisherong mokong na yun. Ang bilis naman hingalin nun? Tss. Sana lang di na kami mahanap nung baklang yun...
"Dude, what the fuck? Bakhit kha thuthakbho? (medyo slang na ee)"
"Dude... Yung bakla... Nakita mo ba?"
"Yhung gay na nakhita nhatin earlier?"
"Oo... Stalker ko yun... Sa kabilang school palang..."
"Stalker? Oh, I feel you, bro." (pats my back) "...Sasha, remember?"
"Yeah..."
"Wait, bhakit ngha bha thakot na thakot ka dun sa gay person?"
Napaisip ako. Kung hindi ko na ilalabas tong hinanaing na 'to mababaliw ako. Ayokong sumabog utak ko, puta.
"Kasi ganto yun pare."
*flashback*
First year yun. Unang araw ng pasukan.
Eto pa yung mga panahon na akala ko ay madali ang maging gwapo.
Wala akong makausap nung mga panahon na iyon, wala kasing lumalapit ee. 'Di ko nga alam kung bakit ee. Sa gwapo ko bang ito, walang lalapit? (well, aaminin ko, yung kagwapuhan ko minus 2% lang ngayon, pero ako parin pinaka-gwapings dun sa dati kong school ;) )
Ay, siguro nahihiya lang tong mga to.
"Okay lang! Wag na kayo mahiya! Lapit na kayo sakin!"
Ilang segundong katahimikan. Akala ko wala talagang nakarinig sa akin.
Puta, bakit parang lumilindol? Tangina yumayanig yung sahig dito ah!
TANGINA! NABIBINGI NA AKO! TILIAN NA SILANG LAHAT!
Punyeta, tumakbo nalang ako kung saan maluwag pa, kung saan hindi pa puno ng chikabeybs na nagtatakbuhan papunta saken.
Pagkatapos ng mahabang takbuhan, nakatakas na din ako sa mga babaeng uhaw sa kagwapuhan ko.
Nasa likod ako ng school nang bigla akong napaiktad sa gulat.
May umakbay kasi bigla sakin.
"Hi papab- ay, Kamusta pare?"
"Ay punyeta.. Ay. Sorry, pare. SIno ka?"
"Pollibells at your- ay, Apollo. Bernardo Apollo Padilla nga pala. Sinetch Itey naman kaak- ay, Ee ikaw, 'ngalan mo?"
Puta, 'di ko mawari kung anong meron, pero parang nakakamoy ako ng joklabells dito ah?
"Ah, e, Ian nga pala. Ian Paulo Roque."
Di ko na papahabain pa. Basta dun kami nagkakilala. Medyo kinakabahan ako sa kanya, yung tipong anglalim ng boses niya pero bakit andalas niya pumiyok? Ay hinde, nagbibinata lang ata to. (yun ang akala ko)
Naghiwalay na kami ng landas, papunta siya sa Library habang ako papunta sa Canteen. Nagugutom din naman ang mga gwapings na nilalang na katulad ko.
Makaraan ang ilang oras na paglamon habang pinagmamasdan yung mga nakatitig saken, umakyat na ako. Pakiramdam ko nga habang umaakyat ako may sumusunod parin sakin ee.
'Di bale, medyo sanay na ako. Sa itsura ko ba namang 'to, walang hahabol saken? Enchong Dee ata 'to!
Pagpasok ko sa room, nagulantang ako. Nandun din si Apollo, nakaupo pa dun sa teacher's table.Medyo siga dating! Pero ayos na rin yun, kesa naman bakla, 'di ba?. Ibig sabihin magkaklase kami. Yes! At least may ka-close na agad ako sa room.
Simula 'nun lagi na kaming magkasama; recess, lunch, uwian, at ang nakakatuwa pa 'dun, magkalapit lang kami ng bahay! Dun lang siya sa kabilang kanto, so kasabay ko na rin siyang pumasok at umuwi. Mag-bestfriends na kami!
*naputol yung flashback*
"And then.. What?"
Putangina kinikilabutan na ako. Tila may malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa likod ko, dumadaloy sa mga gulugod ko paakyat sa ulo. Argh! PUTANGINA!
"Red ayoko na sa ibang araw nalang!" Tumakbo nalang ako at dumerecho sa Napping Area (oo, may Napping Area kami dito) upang mapanatag naman kahit konti ang sikmura kong bumabaligtad na sa kahihiyan at pandidiri. Di ko na kayang magpatuloy pa sa pagsasalaysay ng aming kwento... ng Shoke sa Aking Nakaraan.
BINABASA MO ANG
Diary ng Gwapo
Teen FictionHindi mo mababatid kung kelan darating ang isang bagay. Hindi rin natin malalaman kung kelan ito mawawala.