Chapter 10- Meet the Family

6.8K 188 0
                                    

Pumayag ako na maging girlfriend ni Alex sa isang kondisyon at iyon ay ang layuan niya ako at hinding-hindi na siya magpapakita sa akin kahit na kailan kapag siya ang pipiliin at mamahalin ni Jessica. Masaya ito nang malamang pumayag na ako sa gusto niya at kaya ko hiningi ang kondisyon na iyon ay para tigilan na niya ako because I don't like his presence when his near with me. Natakot rin ako na baka kapag hindi siya lumayo sa akin ay magiging komplikado pa ang lahat. Ayoko muna kasi sanang magka-boyfriend dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na babalik sa akin si Adrianne kahit na medyo malabo. Siya lang kasi ang minamahal ko pero may iba naman siyang priority sa buhay.Habang sa kasalukuyan ay ginagawa naman ni Alex ang pagiging boyfriend niya sa akin. Minsan hinahatid niya ako sa trabaho at wala itong mintis kung magsundo sa akin galing sa trabaho. We're doing fine.
"Bella, I want you to meet my brothers and sisters..Si Ate Alyssa, si bunso na si Alison, si Aleck na asawa ni Alison at ito naman ang asawa ni Ate Alyssa na si Kuya Cedrick..I want you to meet my girlfriend, Maribella Cynthia Catindig.." pagpapakilala ni Alex sa akin sa mga kapatid niya. Ayoko na sana dahil hindi naman kailangan pero nagpupumilit ito para raw maging makatotohanan ang lahat. Ngumiti ang mga kapatid nito sa akin at saka nakipag-beso silang lahat sa akin. Nakilala ako ni Kuya Cedrick na asawa ni Ate Alyssa.
"Nice meeting you Maribella..mabuti naman at sinagot mo tong kapatid namin..wala kasi yang sineryoso pagdating sa mga babae at wala talaga yang pinapakilala sa amin except lang dun kay Jessica." natatawang wika ng buntis na si Ate Alyssa. Ngumiti lang ako. Mahal talaga ni Alex si Jessica.
"Remembered her Love?Maribella is Adrianne's ex-girlfriend na kapatid ng kaibigan kong si Alejandro.." biglang wika ni Kuya Cedrick habang kandong ang anak nitong lalaki. Meron rin itong anak na babae na katabi ni Ate Alyssa. Medyo naubo pa ako sa pagbanggit nito sa ex-boyfriend ko. Maging si Alex ay napatingin sa akin at napakunot noo. Ngumiti lang ako.
"Oh yeah..I remembered you..ang tagal niyo rin ni Adrianne ano?sabagay hindi naman talaga nasusukat ang pagmamahal kung gaano kayo katagal nagkarelasyon..well, I'm happy for you to be my brother's girlfriend.." wika ni Ate Alyssa. Hindi lang nito alam kung gaano ko kamahal si Adrianne pero pinalaya ko lang dahil ayokong matrap ito sa isang relasyon na hindi naman ito naging masaya.
"Naalala rin kita Ate Alyssa..ang bata-bata ko pa kasi nun nang maging boyfriend ko si..si Adrianne..we're friends naman ngayon.." wika ko.
"Mabuti naman atleast may closure pa rin kayo.." wika nito. Tahimik lang si Alex na nakinig.
"Mabuti naman kuya Alex at may sineryoso ka na after that long years na nagkahiwalay kayo ni Ate Jessica..I like Maribella.." wika ng kapatid nitong si Alison while feeding her son..Ngumiti ang asawa nitong si Aleck habang karga naman nito ang cute na anak na babae.
"Matagal na kasing walang ipinakilala yan sa amin..masyado kasing naglalaro yan ng mga babae...I'm happy for you bro and so kailan ang kasal?" parinig ni Kuya Aleck. Umistraight ang mga kilay ni Alex. Nanlaki ang mga mata ko.
"K-Kasal?" ulit ko sa sinabi nito. Tumawa sila. Hinawakan ni Alex ang mga kamay ko.
"Bakit Maribella?normal lang naman yun sa magkasintahan na mag-uusap tungkol sa kasal..hindi niyo ba napag-usapan Alex?" wika ni Kuya Cedrick. Napahigpit ang hawak ni Alex sa akin.
"Oo nga Kuya Alex..ilang taon ka na ba?magti-thirty ka na tapos wala ka pang balak?" sabad naman ni Alison. Oh my God! how could I tell them that this is impossible?
"Ahh..w-wala..I mean..h-hindi naman kami umabot sa gan--.." putol na wika ko.
"Of course..we're getting married soon..hindi naman namin kailangang magmadali.." wika ni Alex. Nanlaki ang mga mata ko na tumingin dito. He just smiled at me kaya inapakan ko siya paa.
"Aray!" biglang sigaw nito kaya nagtataka ang mga kapatid nito.
"Huh?!bakit?may masakit ba sayo Alex?" takang tanong ni Ate Alyssa. Lihim akong napangiti dahil nakakatawa ang hitsura ni Alex.
"Hah?ah w-wala..naipit lang ang paa ko..but I'm okay.." wika nito. Napailing na lang ang mga kapatid nito. Nagpatuloy kami sa pagkain at nagkukwentuhan pa. I enjoyed a lot about Alex's family. Nakakatuwa dahil kahit na may mga asawa na sila at may kanya-kanyang pamilya na ay may bonding times pa rin sila. Naiisip ko tuloy kung kami kaya ni Marie ang magkakaroon ng kanya-kanyang pamilya, magiging katulad din kaya kami ng pamilya ni Alex?I wish that too..
"Dito na lang muna kayo matutulog ni Bella, Alex dahil gabi na.." wika ni Ate Alyssa. Umiling kaagad ako.
"Naku wag na po Ate..naghihintay kasi ang kapatid ko sa bahay eh..mag-aalala yun.." wika ko. Bigla kasi akong natakot. Hindi pa kasi ako nakatulog sa ibang bahay lalo na't hindi ko kadugo at mayaman pa. Masyado kasing sensitive and protective si Inang at Amang pagdating sa pakikitulog sa ibang bahay.
"Ah ganun ba..sayang naman kasi gusto kong makipagkwentuhan sayo..pero hindi naman kita pipilitin basta next time dito ka matulog ha?" wika ni Ate Alyssa. Ngumiti lang ako. Ayokong mangako dahil baka pagdating ng next time na yun ay magkabalikan na sina Alex at Jessica. Inakbayan ako ni Alex.
"Ihahatid ko na si Bella Ate..nakapagpaalam na kami kina Alison, Aleck at Kuya Cedrick." wika ni Alex. Ngumiti si Ate Alyssa at yumakap sa akin.
"Oh sige mag-ingat kayo..babalik ka dito Bella ha.." wika nito. Ngumiti na lang ako at saka tumango. Hinapit ni Alex ang baywang ko na ikinabigla ko.
"Tara hon..gabi na at may duty ka pa bukas.." wika ni Alex at nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at saka kumaway kay Ate Alyssa.
"Mauna na kami Ate Alyssa..thank you for that wonderful dinner.." wika ko. Nakangiti pa rin ito.
"Oh sige..you're always welcome Bella.." wika nito kaya sumakay na kami ng kotse ni Alex at saka maya-maya pa ay bumiyahe na kami. Tahimik lang ako na nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. Natanong ko sa sarili ko kung bakit ko ba to ginagawa?Inis na inis pa nga ako kay Alex dahil napaka-playboy niya, napakapresko at saka mayabang pero sa huli ay tinulungan ko pa rin siya..ang babaw naman kasi ng rason ko na tinulungan ko siya dahil gusto kong lumayo siya sa akin ng tuluyan. Kahit na iniligtas niya ako sa mga lalaki ay hindi naman sapat na rason yun para pumayag sa gusto niya.
"Is there any problem?" naputol ang pag-iisip ko sa tanong ni Alex. I looked at him. He's a rude man and a ruthless one pero kapag nakatingin ako sa mukha niya, he's like an angel. Maamo ang mukha niya at hindi mo akalain na sa likod ng maamong mukhang yun ay nakatago ang masama nitong side.
"W-wala..I'm just asking myself kung bakit ako pumayag na maging girlfriend mo for real.." wika ko. Kumunot noo ito pero hindi nakatingin sa akin.
"You have all the time to back out if you want.." walang emosyong wika nito. Napanganga ako. Ayaw niya sa akin?

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon