CHAPTER ONE: IPad
SI DAD?! Gay?Kahit na kelan ay hindi ko ito sinasabi sa mga ka-tropa ko dahil walang dahilan para sabihin ito. Kahit na obvious naman na minsan ay napapansin kong malambot si Dad at siguro pinag-uusapan siya hindi lang ng mga kaibigan ko kundi pati na rin kamag-anak ko, pati kasamahan niya sa trabaho, pati mga dati niyang kaklase, o kahit na ng driver namin o ng mga kasambahay namin, dedma—hindi ko na lang pinapatagal sa utak ko na isiping oo, my Dad is probably gay. Para sa ‘kin obvious naman pero kung ano man ang totoo, iniisip ko, hindi naman ‘yon importante.
Papaano ko ba sisimulan ang pagkukuwento ko? Saan? Kailan?Totoo nga bang gay ang daddy? At kung totoo man—how would I handle this? Mula nang mamulat ako nakagisnan kona ang daddy—ang Daddy ko—na siya ang nakamulatan ko, nakilalang tatay ko. Pero wala akong clue noon kung gay ba siya o talagang lalaki. Basta ang nalalaman ko, okay naman siyang dad. Mabait, maalalahanin at mapagbigay na dad. At sila naman nina Mommy, okay naman sila, though gaya ng ibang parents minsan ay nagkakaroon ng trouble—sila, madalang ko lang silang makitang nagkakatampuhan.
Okay kami bilang isang pamilya. Si Mom, okay rin naman. Wala akong complaints sa kanya. Kahit iyakin (Magkaroon lang ng simpleng sakit si George, ang aso namin, umaatungal na siya ng iyak) kaya niya kaming alagaang magkakapatid.Para sa akin, so far, okay lahat, pati ang dalawa kong kapatid na sina Karla at Andie. Sixteen years old na ‘ko. Karla is fifteen years old. Si Andie ang makulit kong kapatid e ten years old pa lang. Kaibigan niya ang IPad na bigay sa ‘kin ni Dad na ibinigay ko na sa kanya—sa sobrang kulit niya—pasok nang pasok sa kuwarto ko para hiramin kaya hayun binigay ko na lang sa kanya; na hindi ko makalimutan ang umagang iyon. As usual, sunod-sunod ang katok niya—
“Puwede ba Andie, magpatulog ka naman…”
Hindi ko na halos makita ang hitsura niya kasi inaantok-antok pa ‘ko habang hawak ang knob ng pinto.
“Kuya, it’s already ten in the morning, ano ba? Magagalit ang Mommy sa ‘yo…!”
“Andie… “ Nakapikit pa rin akong kausap ang super kulit kong kapatid. “Please… Wala akong pasok kaya hindi ma-magagalit ang Mom, okay?”
“Pero Kuya, you’re grown-up na. Sixteen ka na, dapat you know how to cook na. Breakfast man lang. C’mon, be responsible. Yun ang sabi sa ‘yo lagi ni Mom at ni Dad.”
Bahagya kong binuksan nang kaunti ang isa kong mata at sinipat ang akala mo napakatanda kung magsalita. Nakita ko si Andie nakaturo sa akin at nagpamaywang pa. Feeling ko, para akong nakikipag-usap sa isang lola nafourfooter ang taas.
Andie, kundi lang kita kapatid, naku… Kung hindi ka lang babae… at hindi cute…
“Waaiiit…” Tinatamad pa rin akong magsalita. “Bakit ka ba katok nang katok?”
“Alangan naman pumasok ako rito nang ganon-ganon na lang. Kahit hindi naka-lock ang door mo, ‘di puwede ‘yon ‘di ba? Bad manners. This is your sanctuary. Your private room. And respeto ko na lang sa ‘yo ‘no!”“Okay, okay Andie, ano ba’ng gusto mo?” Ipinakita ko na ang inis ko sa kanya.
“Nakalimutan mo ba Kuya Franco. Nakalimtan mo ba, it’s my birthday!”
Napamulagat ako.
“It’s my birthday lang naman kaya ginigising na kita. Okay?!”
BINABASA MO ANG
PINK DAD
Teen FictionSi Dad, gay? Paano na ‘yon? Paano kung totoo nga? Paano kung malaman ng mga kaklase ko’t mga kaibigan ko? Responsible dad si Dad. At sigurado ako, napapasaya naman niya si Mommy. Good provider siya at siya aming magkakapatid. Hindi puwede? My dad is...