share ko lang

145 82 12
                                    

Share ko lang to HUEHUEHUE
Pwedeng isipin nyong karungtong into nung hanggang kailan na one shot.
PS: di nila real name ito
~~~~~~~~~~~~~
Foundation week namin, so may activities. Isa na ron ang booth day.

Ang booth day namin ng high school is halos lahat  puro panghuhuli. Jail booth, marriage booth, photobooth, horror booth, hugot booth, blind date booth, atbp.

Ang booth ng section namin is marriage booth, bibili ka ng ticket then isusulat mo ung name at grade level then ibabalik ang ticket tapos huhulihin. May certificate yun at kung anek anek. May tugtog opkurs

Pinablind date booth ko si gelo at iris (hanggang kailan cast) nung Friday.. Ang alam ko tatanggi ang isa sa kanila. Pwede namang magbayad ng 5 pesos each sakanila kung ayaw mo. Confident pa akong aayaw sila dahil si iris ayaw nga raw at ang usap usapan, may bago na raw gusto si gelo. So gumora ako. Nilagay ko talaga

Groom: Gelo Cruz
Bride: Iris dumaliang

Pagkatapos kasi ng marriage part, magdedate na sila.

Nung hinuli na sila, nagpahuli lang silang dalawa. Wala ni isa ang nagbayad. Parehong rich kid pero walang nagbayad? So ginusto nila?
Nakita kong lumabas sila sa tapat ng blind date booth. After an hour, nakikita ko parin na suot nila parehas padin ung pekeng singsing. Akala ko itatapon nila, baka pati ung pekeng certificate, ipaframe nila ah..

Tinanong ko si iris

"Nablind date na ba kayo ni gelo?"

Tumango siya

"Ok kalang? Yaan mo, wala namang picture yun diba?" Sabi ko

"Wala naman" sabi ni iris

"So anyare? Diba may certificate yun?" Sabi ko

Syempre kailangan updated ka diba?

"Ok naman, merong certificate yun, kagaya ng atin" sabi ni iris

"Saan ung certificate?" Tanong ko

Feeling ko nasa kanya yung cert---

"Nasaakin" sabi nya.

Tumango nalang ako tsaka nakipagusap sa iba ko pang kaibigan.

Gusto ko munang ilibang ung sarili ko para naman di ko maalala ung booth day.

kasi pakiramdam ko talaga may gusto si iris Kay gelo diba?
~~~~~~~~~~~

So ayun skl HAHAHAHA

WORDS OF LOVE(short Stories/ Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon