CHAPTER EIGHT

6.1K 112 1
                                    


HINDI mapakali si Nathan. It was his debut party, his supposed to be big night and yet the woman he loves wasn't even invited. Napakarami niyang mga kaklase at mga kamag-anak na dumalo ngunit wala doon ang taong gusto niyang makita. Ang isa pa sa pagkabalisa niya ay ang plano niyang pagtatapat sa dalaga mamayang alas onse ng gabi. Balak niyang tumakas sa party niya upang magtungo sa tahanan ni Jessie. Kinakabahan siya dahil parang may nag-iba sa dalaga sa mga nakalipas na araw. Naging tahimik na naman ito na mukhang may itinatago sa kanya. Hindi kaya nahahalata na nito ang nararamdaman niya? Sa naisip ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nagtungo sa labas ng kanilang tahanan kung saan malayo sa mga bisita. He dialled Jessie's number.

"Bakit?" sagot nito sa tawag niya.

Napakunot ang noo niya sa tono ng boses nito.

"Ahm, pwede ba akong pumunta diyan mamaya?"

"Bakit hindi na lang ngayon?"

"Hindi kasi ako pwede ngayon, may tinatapos pa kasi kami ni Peter sa thesis namin." pagsisinungaling niya.

"Nasaan ka ba?"

"Na kina Peter." pagsisinungaling niya ulit. He heard that someone talk in her background then came a long silence.

"Are you still there?"

"Yes."

"Listen, Jessie, we need to–" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil pinutol na nito ang tawag. Napabuntong hiningang itinago niyang muli ang cellphone sa bulsa.

Pumasok siyang muli sa loob ng bahay nila kung saan kasalukuyang nagaganap ang party na ibinigay ng Mama niya. Hinahanap niya si Cindy sa mga bisita ng maagaw ng atensyon niya ang grupong umakyat sa stage upang tumugtog. It was Picayz!

"Oh, oh, oh, oh..So much for my happy ending..Oh, oh, oh, oh...Lets talk this over. It's not like we're dead, was it something I did? Was it something you said?"

Shit! Hindi niya alam kung paanong nalaman ng mga ito ang tungkol sa party niya.

"You were everything, everything that I wanted ...We were meant to be, supposed to be, but we lost it ... All of our memories so close to me just fade away... All this time you were pretending, so much for my happy ending... Oh, oh, oh, oh...

Mukhang alam na niya kung sino ang salarin, nakita niya si Cindy na animo ay tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Muli niyang ibinaling ang pansin sa dalagang kumakanta sa stage, she performed good as always pero alam niyang galit ito sa kanya. Nagsinungaling siya dito. Hindi na niya gaanong inintindi pa ang inaawit nito dahil mukhang patama iyon sa kanya kaya hindi niya namalayang tapos na iyon. Nang makitang bumaba na si Jessie ng stage at dire-diretsong naglakad palayo ay dali-dali niyang sinundan ito. Narinig pa niyang tinawag siya ng kapatid at ng kanyang mga magulang ngunit hindi na niya pinansin ang mga ito. Naabutan niya ang dalaga na pasakay na sa sasakyan ni Milo.

"Wait! Jessie!"

Huminto ito sa tangkang pagsakay at hinintay siya. Nasa isang metro ang layo niya dito ng huminto siya sa paglapit. Walang emosyon na tiningnan siya nito.

"I'm sorry kung nagsinungaling ako." panimula niya. "Hindi kita inimbita sa party na ito dahil ayokong matakot ka sa Mama ko at maging dahilan para ayawan mo ako. Gusto kasi niya na mayaman din ang magiging girlfriend ko. You see, I'm trying to build a good start with you so you can see that I can be your man. Balak kong tumakas dito mamaya at pumunta sa bahay niyo para magtapat sayong totoong gusto kita." he stopped for a while to catched his breath and read her reactions. Nagpatuloy siya kahit na wala pa din siyang mabasang kahit na ano sa dalaga. "Gusto na kita noong una pa lang kitang nakita two years ago, sa kasinungalingan man nagsimula ang pagkakalapit natin ngayon. Yoon ang kasalanang hinding-hindi ko pagsisihan, dahil mas nakilala kita at palagi pa kitang nakakasama. Nagseselos ako tuwing kasama mo si Milo, for the first time in my life, I wished to be someone else. Guto kong maging siya dahil sa tagal ninyong magkasama, parang nawawalan na ako ng pag-asa sa iyo. So please, believe me now when I say that I love you, Jessie." madamdaming pagtatapat niya dito.

Love And Lies (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon