Sa bawat araw at oras madami kwento o boses na madidinig, mura, kalokohan at kung ano pa ganyan ang buhay ng call center agent.
Pero hindi ang tawag na ito, sabado, pagpatak ng 3am, 2 ahente ng isang team ang nag rdot, nagtataka sila bakit sabay na nagstatic ang line, nawala sa line ang mga kausap nila customer at isang boses ng matandang lalaki ang umiiyak na tila may tinatawag, sa takot halos sabay nila tinanggal ang headset at tumigil sa muna sa kanilang ginagawa.
Dahil queing, kinailangan nila bumalik sa calls, naiforward nila sa email ng team leader nila ang information.
Sinabi nila ito sa team leader nila at sabi hayaan na lang at baka nagkataon lang. Lumipas muli ang isang linggo rdot ulit pero ibang ahente naman.
Muli, sabado 3am, parehas na pangyayari, static ang line, nawawala ang customer sa linya at sabay na nadidinig ang boses ng umiiyak na matandang lalaki.
Nagtataka na ang team leader at bakit sa kanila lang ito nangyayari, sa dinami-dami ng ahente at team bakit sila pa.
Halos wala na gusto magrdot dahil dito. Malibang lang sa isa
Kababalik lamang nito mula sa mahabang bakasyon at dahil kailangan magbawi tinanggap na nito ang rdot
Sabado, queing at talaga nakakatuyot sa dami ng calls, iniisip na lamang ng ahente madami ito dapat bayaran at sige lang.
3am, bigla nagstatic ang linya, nawala sa line ang customer at muli pumasok ang boses ng matandang lalaki na umiiyak.
"Ate, huwag mo na ako alalahanin, maayos ako dito, kailangan ko na umalis tandaan ninyo Mahal na Mahal ko kayo"
Nabosesan ng ahente ang boses nito, ang tawag sa kania at pati ang paghinga nito. Naiyak na lamang ito at napangiti.
Matagal nawala ang ahente dahil pumanaw ang ama nito, dahil sa lungkot at depresyon nahirapan ito magsimula muli.
"Kay tagal ko na gusto madinig ang boses mo, hayaan mo dad, kakayanin ko ito, huwag mo lang kami kalimutan ibulong sa kaniya na para gabayan kami dito, magpahinga ka na, maraming salamat"