Chapter 22

45.1K 1.2K 323
                                    

Matapos ang usapang iyon ay itinuon ko na lang ang aking atensiyon sa stage. The man speaking in front is the owner of this newly built five star hotel, Marco Cielo.



"He's one of your Godfather, a close friend of mine." bulong sa akin ni daddy na tipid kong tinanguan.



Maraming photographers at reporters ang lumapit sa amin upang kuhanan ng kaunting pahayag si daddy tungkol sa susunod na eleksiyon. Marami ang umaasa na tumakbo siya bilang mayor ng Cebu pero hindi niya iyon pinauunlakan dahil wala siyang interes at busy siya sa kompanya namin.



May ilang nagpaalam na kuhanan ako ng litrato at nag alok na mai-feature ako sa magazine nila bilang tagapag mana ng pinakamalaking shares sa LCGC. If that happens, I will automatically be appointed as the chairwoman of the board of directors. Marahan akong ngumiti at sumagot.



"Well, actually I'm not eyeing for the highest position yet. As much as I can, I'd like to start from the bottom and buy shares along the way. My dad can still manage the company naman while I'm learning." Sagot ko na ikinatango nila.



I heard murmurs that aren't vivid to my ears. Flashes of camera were in every corner of my eyes. Aries was just watching me talk the whole time.



Marami pa silang tanong at isa-isa ko iyong sinagot. Nang makahanap ako ng tiyempo para iwanan sila ay lumingon ako kay dad para magpaalam.



"Dad, rest room lang ako." bulong ko at tumango siya. Hindi ko na nilingon si Aries at diretso nang tumayo at naglakad palayo roon.



Nagtanong ako sa waiter kung saan ang cr at itinuro niya naman agad iyon.



"Thanks," sabi ko at pumunta na roon. Walang tao at tahimik kaya inilabas ko na ang pouch ko at nag retouch ng kaunti. Nang makuntento ako sa mukha ko ay lumabas na ako.



"Shit!" Halos mabitawan ko ang pouch ko sa gulat nang makita si Wyatt na nakasandal sa pader.



Nakahalukipkip siya at madilim ang tingin sa akin. Kagaya ni Aries ay nakasuot rin siya ng tuxedo at nag-uumapaw ang kaguwapuhan niya.



Napahawak ako sa aking dibdib nang mag hurumintado na naman ang puso ko. Kung isa itong normal na araw noon ay yayakapin ko na siya. Ngunit dahil sa nangyare ay mariin akong pumikit at mabilis na naglakad.



Why didn't I expect that he would be here? He's an Eleanor and a famous rookie engineer after all!



Napahinto ako nang hawakan niya ang aking kamay at pinigilan ako, "We'll talk." sabi niya pero binawi ko ang aking kamay at lumayo.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon