One shot story
30th of april 2014 | vanillaseeker
-
"Patch ang bola!" Sigaw ng isa kong teammate dahil hindi ko agad napansin ang bola na papunta sa direksyon ko. Pero bago pa naman ito tumama sakin ay may nakasalo na.
"Mine!" At siya ang sumapo sa bola na dapat ay sa akin matatama.
Si marc.
Marc Adrian Miguel.
Isa siya sa varsity ng volleyball dito sa school namin. Sikat siya sa mga studyante dito sa campus at maging sa ibang campus dahil na din sa galing niya sa sports na volleyball, galing sa pagtugtog at pagkanta maging sa kanyang academic skills at syempre lalo na sa looks niya.
He has those beautiful eyes na talaga namang maaakit ka, perfect fit body kahit na hindi naman siya nag gy-gym, kissable red lips at ang sakto lang na kulay ng balat niya. Hindi ganun kaputi at hindi rin ganun kaitim. He is beyond perfect na para sa akin. Siya din ang dahilan kung bakit ako sumali ng volleybal samantalang takot naman akong matamaan ng bola.Minsan naman napalakas ng tira yung kalaban at papunta sa akin yung bola pero agad namang pumupunta si marc sa pwesto ko para harangin ito. Meron pa yung time na natamaan ng bola yung muka niya dahil sa pagsapo ng bola sa akin. I feel guilty for that at everytime na magsosorry sana ako ay parang iniiwasan niya ako. Siguro naiinis na sakin yun dahil hindi ko manlang masapo ang bola.
But everytime na sasabihin niyang Mine ay bumibilis ang tibok na puso ko na feeling ko may something sa pagsabi niya ng Mine. Pero feel ko lang siguro yun kasi may gusto ako sa kanya at umaasa ako na magustuhan niya rin ako. But I guess wala talaga akong pag-asa dahil kahit tignan man ako kahit saglit lang ay hindi niya magawa how much more na mahalin pa ako.
"Hey patch! Okay ka lang ba? Parang hindi maayos kanila yung pakiramdam mo?" Sabay lagay ng palad niya sa noo ko. It was warm enough na feeling ko nag aalala talaga siya sakin.
"Okay lang ako marc. Don't mind me." Then I smiled at him while looking at his eyes.
Dugdugdug
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya natignan ng ganito kalapit at matignan ng matagal ang mata niya. Kahit 3 mins lang ang tinagal ng usap namin, parang isang oras na ito para sakin.
"Marc tara na! May jamming pa tayo!"
Sigaw ng kaibigan niya na kabanda din niya."Sige pre! Susunod na ako! Hey Patch, next time mag-ingat kana ha? And don't worry kapag hindi mo matatamaan ang bola sasaluhin ko agad to." There was a sincerity while his saying those words. Nginitian ko nalang siya bilang sagot then he leave.
It was the first time na kausapin niya ako. I mean kinakausap niya naman ako during practices or kapag may kailangan lang siya. But this time ibang usap. Usap na sinasabi niyang mag ingat daw ako. Usap na nag-aalala siya sakin. Usap na natignan ko siya sa mata and he was also looking back in my eyes. It was the happiest day ever for me na sa kabila ng 2 years na paghanga ko sa kanya ay nakausap ko siya ng ganito. I never thought this day would come. Malapit na ang birthday niya. Its next week at gusto ko sana siyang bigyan ng gift for the first time.
Last 2 years kasi I never talk to him. I never had a chance and the guts. Kahit nga pagbati lang ng Happy Birthday di ko magawa kasi hindi naman niya ako kilala. But this time I will have the guts. Naglakas loob nga akong sumali ng volleyball eh para sa kanya. Para mapansin niya ako this time and it worked naman. But now, i will have the guts to tell him the truth on what I really feel. 2 years is enough para mag-ipon ng lakas ng loob. I don't care if I will get rejected kasi hindi naman ako umaasa. Gusto ko lang malaman niya ang nararamdaman ko. At sa birthday niya, dun ako sasabihin. But first kailangan kong pumunta ng mall para bumili ng gift sa kanya.