" The Girl With a Yellow Ribbon "

24 0 0
                                    

The Girl With a Yellow Ribbon-- Chapter 2

* Her Superman *

Lance's POV

" Amp*ta!! Ano ba ang kelangan mo ha!? Umalis ka nga!! "

Nandito ako sa bar ng kaibigan ko ngayon..umiinom! Wala akong magawa sa bahay eh at ang matandang hukluban kong ama ay wala ng ginawa kundi sermonan ako! Bukas na bukas magpapabili talaga ako ng sarili kong condo upang wala ng matandang hukluban ang mag-iingay!!

Tangina lang pre!! Walang kwentang buhay to oh! Nagpapakasaya nga lang ako may mga walang kwentang babae pa ang lapit ng lapit!

Amp*tek! hindi ako katulad ng ibang lalaki dyan na pumapatol sa kahit na sinong babae.

" Hey sweetie wanna dance with me?? "

Takte lang pre!! kabago-bago ko lang sabihin na ayaw ko sa mga babeng malalandi nandito na naman ang isa sa kanila. Ano bang magandang gawin para lubayan nila ako!?

Ang dapat sisihin dito ay ang matandang hukluban na yun at ang walangyang ina na nang-iwan sa akin!! Pinanganak akong gwapo kaya madaming babae ang nagkakandarapa upang mapansin ko.

Ng dahil sa matandang hukluban na yan ipapakasal ako sa babaeng di ko kilala! Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya! Pero hindi ako papayag sa gustong mangyari ng matandang yun..ayoko sa mga babae baka iwanan na naman nila ako katulad ng ginawa ng aking ina!!

Binalik ko ang tingin ko sa babaeng nagyaya sa akin ng sayaw at humarap..

" Wag mo nga akong hawakan!! wala kang karapatan na hawakan ako!!umalis ka na kung gusto mo pang mabuhay!! "

Pagbabanta ko sa kanya at uminom na naman. Nandito lang ako sa bar upang magpakasaya sa natitirang araw bago pa ang engagement party! Lulubos-lubusin ko na baka hindi ko na 'to magagawa sa mga susunod na araw dahil may babae ng nakabuntot!

" Isa pa nga!! "

Sigaw ko at patuloy pa rin na umiinom. Hindi ko pinapansin ang mga babaeng lumalapit sa akin.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom when someone caught my attention. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko nakita ang mukha niya pero parang pamilyar talaga ang boses niya..

" Wag mo nga akong pakealaman. Lemme enjoy my own life..mind your own business..okay!? "

" Pero maam inutusan po ako ng parents mo na bantayan ka. Baka po mapahamak ka!! "

Sa tingin ko, lasing na lasing na siguro yung babae. Ayaw magpa-awat eh galit na galit pa nga siya!! ano kayang problema neto!?

Uminom nalang ako at pinabayaan sila. Natatawa ako sa kanya ayaw talaga paawat!

" Ano ba!? Lubayan mo nga ako!! Malapit na ang engagement ko kaya pabayaan mo akong magsaya!! Dapat masaya ang birthday ko eh kaso hindi na siguro mangyayari yun!! "

Halos maibuga ko ang iniinom ko..what the heck!! pareho pala kami ng babaeng yun. Naiintindihan ko rin ang nararamdaman niya..may karamay pala ako.

Tiningnan ko lang yung babae at pilit niyang pinapalayo yung nagbabantay sa kanya hanggang sa sumuko na nga ito at lumabas na ng bar.

" Hey..wanna spend your night with me!? "

Nakita kong may lumapit sa kanyang lalaki at hindi niya lang ito pinansin. Patuloy lang siya sa pag-inom..kawawang babae pareho pala tayo ng pinagdadaanan.

Patuloy pa rin ang lalaki sa pangungulit sa kanya at tila hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumapit dun sa lalaki at...

BBOOOGGGSSSHH

" The Girl With a Yellow Ribbon "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon