PARA SA KANYA

10.9K 324 180
                                    

CLICK EXTERNAL LINK Para mabasa ang "PARA SAYO" 

Gagayahin kita ah...Bakit ganyan yung cover? E kasi nung unang beses kong nakita yung dedicated story mo... Parang nakakatakot eh. Hahaha!

Kahit sa ganitong paraan man lang, maipakita... maiparinig...maipabasa ko sayo kung gaano ako ka-thankful sa ginawa mo. Para naman sa mga nakakabasa...nakikibasa...at walang pake...


Gusto ko lang na malaman niyo na...


PARA SA KANYA ITO.


Hindi ako sweet. Hindi ako marunung magpakilig tulad niya. Huwag na kayong umasa. Mapapansin niyo na iba ako magsulat kapag sa mga ganitong bagay... at sa mga stories ko. Dahil ito ako... Ito ang point of view ko.


Kung hindi ako nagkakamali, isang linggo na ang nakalilipas mula nung lumabas ang special chapter teaser ng UTOS NIYA. Maraming nangyari nung lumabas yun... Pero siyempre dahil marami nga...di ko na iisa-isahin. Haha. Isa lang naman siya sa mga readers ng UN na nagulat akong sunod sunod ang pagvote sa mga chapters. Nahiya naman ako sa kanya kasi naisip ko.


Hala? Hindi kaya napipilitan siya? Baka di niya binasa yung note?   Kaya nag message ako sa kanya at ang ikinatuwa ko sa lahat... Sumagot siya sakin...

 "Gusto ko lang makabawi..."


Para sa isang writer na tulad ko na ang tanging hiling at kasiyahan ay ang magcomment ang mga readers at iboto ang chapter KAPAG NAGUSTUHAN. Malaking bagay ito sa akin. Naramdaman ko kung gaano niya kamahal ang story dahil sa ginawa niya... at ikinagalak ko yun ng sobra. Mula nun nagkaroon na kami ng conversations sa aming mga inbox.

At isa lang masasabi ko... Naiiba siya sa lahat.

Walang halong biro.

Paano ba naman...

Ang corny niya.

HAHA! Hindi joke lang. Pero tingnan mo naman ito diba?


"Sorry kung medyo korny ko ah pero.. Ikaw ba ang auntie ko? Ikaw kasi AUNTIE-nitibok ng puso ko hahaha :))))"

Isa siya sa mga taong sinabihan akong mag-ingat sa biyahe pauwing Manila...

"Airport ka ba? Kasi AIRPORtante ka samin eh xD"


Nung tinanong ko kung anong pangalan niya? Ang sinagot niya sakin

"JK po ang pangalan ko. ^__^"


Dalawang letra na tumatak sakin.  Sa totoo lang, natawa ako. Mababaw ba? Para sakin kasi hindi. Paano ba naman... JOKE yung unang pumasok sa isip ko. Isa kasi siyang MALAKING BIRO.  I mean... puro siya biro... puro siya banat. Ang sarap niyang banatan... minsan. HAHA.

Hindi pa siya nakuntento sunod sunod na banat pa ang inabot ko sa kanya...

"Yung totoo miss Humi.. Pinaglihi ka sa FROG at SHEEP noh? Kase.. . . . . FROG-i kitang inii-SHEEP ehh! HAHAHA!   LOVEYOU PO <3"

PARA SA KANYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon