Or... Maybe.. Blake is..
Lumabas sa likod ni Luther si Celine. She's all smiling at everyone.
"Why is she here?" iritadong bulong ni Maggie sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita. You tell me, Maggie! Dapat ako ang magtanong diba?
"Girlfriend, e." Hindi lang ako sigurado kung naitago ko ang tabang sa salita ko.
Kumunot lang ang noo ni Maggie at pekeng ngumiti kay Celine.
Hindi pa ako nakikita ni Luther. Bumati muna siya sa ibang nasa table.
"Surprise!!!" tili ni Draco at Darton na nasa likod din ni Luther. Napasinghap pa ako sa party popper na pinaputok nila. Mga gago! Nagkalat pa.
Nanlamig ang buong kalamnan ko. This is the most awkward thing that ever happened to me. Gusto kong sakalin si Maggie for not telling me na nandito din si Luther. Hindi ako prepared!
"Happy birhday, Mags." lumapit ang dalawa kong hitad na pinsan kay Maggie at nagbeso. I can't move. I'm watching Luther's every move.
Huli siyang bumati sa kambal na kapatid ni Maggie at sa parents niya.
"Cous--" napatigil si Draco at napakamot ng batok. "Sasha!!!" he shouted so loud. Pumikit ako ng bahagya dahil sa nakuhang atensyon ng pagtili ni Draco. Asshole!
"Tangina mo! We were with her last night. Kung makatili ka parang ngaun lang kayo nagkita." iritado si Darton at lumayo ng bahagya na tila ba nahihiya.
Umiling ako at nanatiling nakayuko. Nagtalo pa ang magkapatid sa ginawa ni Draco.
"Shall we start?" Maggie interrupted them.
"Simon! C'mon." tawag ni Maggie kay Simon. OMG! I almost forgot I'm with Blake. Hindi ako makatingin na sa kanila. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag nagtama ang mata namin ni Luther.
"Are you okay?" Halos mapatalon ako ng magsalita si Blake sa tabi ko.
Bahagya akong tumango pero nanatili ang tingin sa kanya. I don't want to look. Hindi ka titingin sa kanya Sasha.
Hindi.
Kinuha ko ang cellphone ko na biglang tumunog. Halos mahati ang dibdib ko sa kaba ng makita ko ang text ni papa. Jesus! Si Bree din pala!
-We're stuck in traffic. Medyo male-late kami.
Iniangat ko ang cellphone ko para matakpan ang mukha ko. Mabilis akong nagtipa ng text kay papa.
- Pa, I'm sorry..wag munang dalin si Bree. Can you just go back home? I'll call you later.
Huminga ako ng malalim. Hindi pa pwedeng magkita si Bree at Luther lalo na at nandito din ang girlfriend or whatever niya! I don't know if he knows about her. Knowing Draco, Darton and Simon? Team Luther kaya sila. But still, hindi pa ako handa.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya halos malaglag ito.
"Hey.. You look tense, okay ka lang?" salita ni Blake. Hindi ko alam kung halata ba sa mukha ko na tensyunado ako. Or literal na mukhang natatae ako.
Hinawakan niya pa ang noo ko. "Are you sick?"
"I-I'm fine.." halos hindi ako makapagsalita.
"You don't look fine, though.." he whispered on my ears.
Napaayos ako ng upo ng sunod sunod na may tumikhim. Unintentionally, nagtama ang mata namin ni Luther. Napauwang ng bahagya ang labi niya hanggang nag-igting ang kanyang panga.
Mabilis akong napalunok. He's looking at me shamelessly!
"Osang? Nandito ka din pala.." tumayo si Celine at bumeso sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya. Namataan ko pa si Luther na bahagyang kumunot ang noo habang umiinom ng tubig pero nasa akin pa din ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..