Inaya ko nang umuwi si Blake pagkatapos ng usap namin ni Luther. Pakiramdam ko ay lalong bumigat ang loob ko sa sinabi niya. How come na ako pa din ang gusto niya when he's already committed to someone else? Ang unfair niya eh!
"Sasha.." napalingon ako kay Kuya Eros habang pababa ng hagdan. Kumunot pa ang noo dahil sa laptop na dala niya.
"What?" tanong ko. Inupo ko si Bree sa high chair at simulan pakainin. Galing din ng bata na ito.. Nakuha niya ang hilig ni Luther sa meat. Mag-iisang taon palang si Bree pero mahilig siya kumain ng ham, hotdog, bacon at kung ano ano pang karne. Minsan nga ay natatakot akong pakainin siya at baka hindi matunawan.
Well sabi naman ng pedia niya ay ayos lang basta moderate lang ang kain niya.
"Toto,"natawa ako ng bahagya ng magsalita si Bree pag dating ni kuya sa harap namin. Hinubad ni kuya Eros ang salamin niya at kinarga si Bree na humahagikgik.
Ngumuso si kuya kay Bree. "I'm your dad.. Call me da一ddy.."turo ni kuya kay Bree. Humagikgik si Bree na tila ba naiintindihan ang sinasabi ni kuya.
"Toto," sagot ni Bree kaya napatawa ako ng malakas. Napanguso si kuya at binalik si Bree sa high chair. "Ang tagal ko na siyang tinuturuan to call me daddy.. But instead, toto?" naiiling na salita ni kuya habang nakasimangot.
Yes. Simula ng naka-make sounds na si Bree ay tinuturuan na siya ng kung ano anong salita ni kuya. But then, Bree never listen to him. Instead of calling him daddy.. "toto" ang sinasabi niya.
"Maybe she feels that you're not really her daddy.. Nililoko mo kasi ang anak ko." kunwari akong umirap sa kanya.
Umikot ang mata ni kuya at umupo sa tabi ko.. "You tell Luther about, Bree, then?" salita ni kuya pero nasa laptop ulit ang mga mata. Kumabog ulit ang dibdib ko. Imagining Luther and Bree together sent shiver down to my spine.
"You know he's back?" nanlaki ang mga mata ko.
"I know everything.. I even know that you already saw each other." sagot ni Kuya. Bakit paba ako nagtanong at nagtaka? Of course, lahat alam niya. Mayroon yatang black magic si Eros, e.
Napatingin ako sa kanya dahil kumunot ang noo niya. Ano ba ang ginagawa niya?
"Why are you so serious?" tanong ko. Seryosong seryoso kasi siya sa binabasa niya eh.
"You remember the missing stock holder of VC aircrafts?" tanong niya sa akin. Of course.. Matagal na namin hinahanap ang may-ari ng stock's because it's a huge amount of percentage ang shares niya. 25% ang shares niya sa company. 25% sa kapatid ni papa. 40% ay sa akin at kay Bree. 5% kay kuya Eros. And remaining stocks ay pag aari ng mga Ibañez... In short, kay Blake.
"Nahanap mo na?" hindi ko alam kung excited ba ako or kinakabahan. We want to buy the shares. Gusto kasi ni papa na makuha ng Vera Cruz ang malaking parte ng stocks.
Simula din ng nagkagulo.. Umalis na nang bansa ang ex daddy ni Luther and never came back. Ni hindi nga niya kami kinokontak.
"Holy hell..." lalo akong kinabahan ng nanghihinang napasandal si kuya sa sopa. Panay pa ang sigaw ni Bree kaya hindi ko malaman kung sino ang uunahin ko sa dalawa.
"Ano ba yan binabasa mo?" tanong ko.
"Last will," sagot niya at hinilot ang sentido. Last will? Nino?
"Kanino?" tanong ko.
"Nang mommy ni Luther.." seryosong sabi ni kuya.
Hindi ako makapagsalita. Napasandal din ako sa sopa at tumunganga ng ilang segundo. Kung hindi lang malikot si Bree ay hindi ako babalik sa katinuan ko.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..