Chapter 53

4.9K 105 25
                                    


yuki pov.


ugh sobrang sakit ng ulo ko ano bang nangyare kag--- wait sila kuya


"yuki nandito kame" bulong ni sky sakin


"teka anong ginagawa natin dito sa kwarto ni ate at bakit tayo mga nakaposas? hala hinuli ba tayo ng mga pulis? bakit wala naman ako ginagawang masama " tanong ko kaagad sakanila,



"shhhh may bantay sa labas ng pinto wag ka maingay at saka hindi pulis ang nag posas satin" bulong sakin ni kuya Jake,



ahhh akala ko pulis na eh hahahaha maya maya lang may nagbukas ng pinto,




"mga gising na pala kayo eh tawagin mo si boss" sigaw ng lalake sa kasamahan nya




"don't tell me royalties may gawa neto at nalaman na nila kung sino tayo" bulong ni ken kay cj



"anong royalties gang sinasabi mo dyan gusto mo tadyakan kita dyan" panakot na sabi ng lalake kay ken "ahh tumitingin ka pa ng masama ha, tingnan natin tapang mo" at pinagtatadyakan na nga ng lalake si ken, wala naman nagawa si ken dahil nakaposas kame kaya pinananoud na lang namin sya sipa sipain.



"mga gising na pala kayo" bungad samin ng babae, pero teka...



"yaya lyn ikaw ba yan? hala ang ganda mo na kasamahan mo ba yang mga yan sabihin mo pakawalan kame kas---" hindi ko na natapos yung pagsasalita ko dahil sinampal nya ako ng napakalas, ni minsan hindi ako sinampal nila mom, pero bakit ako naiiyak hindi ako weak pero naiiyak ako. bakit sya pa nakaunang nakasampal sakin. ang yaya ko pa, ang yaya ko na tinuring ko ding ate. malakas ako physically pero mahina ako emotionally ayan ang isa sa mga kahinaan ko.



"oh bakit ka umiiyak, nag uumpisa pa lang tayo" natatawang sabi ni yaya lyn





"ulitin mo pa ulit yun papatayin kita" nagwawalang sigaw ni blake





"makawala lang ako dito papatayin ko kayong lahat wala ako ititira sainyo" sabi naman ni jake habang nakatikom ang mga kamao na handa ng pumatay anytime






"hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha ako pa tinakot nyo eh doble doble yang nilagay ko sainyo, may kadena na nga kayo sa katawan nakaposas pa kayo sa bakal na upuan sa tingin nyo makakatakas pa kayo?" natatawang sabi naman ni yaya lyn samin,




naiiyak pa din ako wala naman kameng pinakitang masama sa kanila bakit ganon ginagawa nya sa amin


"kame lang tatlo kailangan mo diba? pakawalan mo na yung iba" seryoso kong sagot kay lyn



"sa totoo nyan ikaw lang talaga kailangan ko kase mahal na mahal ka ng pamilya mo sapat na para paghigantihan sila, pero dahil umuwe ang mga kapatid mo na may kasama pang mga kaibigan palpak plano namin kaya isinama ko na din sila para walang sagabal" nakangiting Sabi nya sakin




"ano ba kasalanan namin sayo?" seryosong tanong naman ni blake




"namatay lang naman ang nanay ko sapat na yun para kamuhian ko kayo, pinatay ng mga magulang mo ang nanay ko" nanggigil na sabi nya sa amin




"siguro masamang tao nanay kaya pinatay ng magulang ko" nang aasar ko pang sagot sa kanya at sinampal na naman nya ako pero this time hindi na ako naiyak, kase natatawa na ako



Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon