Chapter 13 - First Kiss

39 6 19
                                    

[Amber's POV]

"The first rule is you should look into the eyes of your partner"

Hindi parin ako makatingin ng maayos sa kanya kaya ang ginawa ko, yung forehead na lang niya ang tinitigan ko kesa siya. Nakakailang eh. Ewan ko ba. Tinry ko na tumingin sa eyes niya pero parang matutunaw ako.

Waaaaaaaah! Bat ba ganito?! Naintindihan ko na yung sinasabi kanina ni Carlo habang nagliliwaliw ako. Tatlo palang sayaw ang sasayawin namin.

Chacha, swing and salsa. I-re-remix na lang daw yung song.

So first yung chacha at dahil nga parehong kaliwa yung paa ko, nalilito ako sa steps and napapatingin ako sa mga paa ko. Kada naman gagawin ko yun, sinasaway ako ni Cain.

"wag kang yumuko"

Siguro pang sampung beses nang sinabi ni Cain sakin yan.

"ano kasi Cain practice pa lang naman and talagang hindi ako marunong mag sayaw eh. Nalilito ako sa mga step kaya pwe--"

"just follow my lead. Pag lagi kang nakayuko, makakasanayan mo yan"

Tumingin ulit ako sa kanya sa forehead hindi sa mata then nagulat na lang ako na nagagawa ko na yung mga steps at hindi ko na siya naapakan. Siguro dahil nadadala niya ko. Aba magaling din pala to sa ballroom. Wala sa itsura niya ah. Pero paano kaya siya natuto?

"ARAY!"

Napatingin naman agad ako sa paa naman at baka naapakan ko na naman siya. Hindi naman. Sino yung umaray? Nakita ko nakatingin si Cain dun sa likuran niya kaya napatingin din ako. And ayun nakita kong nagtatalon si Ash habang hawak yung right foot niya!

"bat mo ko inapakan?!"

"eh kasi naman puro pagkain kaya nasa isip mo no! wala pang isang oras tayong nagpapractice eh gutom ka na agad!" galit na sagot ni Jade sa kanya.

"eh sadyang mabilis ang metabolism ng pagkain sa katawan ko eh!"

"YOU TWO! AYUSIN NIYO NGA YAN!" sigaw ni Carlo sa kanila

"sorry po" sabay na sabi ni Ash at Jade.

Hay pasaway talaga yung dalawang yun. Pero hindi sila nag-aaway ah? Sadyang ganyan lang sila sa isa't isa. Ganyan nila ipakita ang closeness nila. After ng mga ilang steps na naituro, pinag break narin kami. Medyo gutom na nga rin ako eh. Dumiretso naman ako kasama nung iba pang E6 papunta sa leisure room.

Nakita ko nga yung kikay version ng F4 na ang sama ng tingin sakin nung nakitang kasama ko ang E6. Hindi ko na lang sila pinansin. Umupo ako dun sa sofa ng leisure room then tumabi sakin si Cain pero wala naman siyang sinabi. Nakita ko na binasa niya yung buhok niya and mukha ding pagod siya.

Siguro napagod siya katuturo sakin. Nakakahiya tuloy, ang galing niya mag sayaw tapos ako napaka slow maka gets ng steps. Napansin ko na mas gwapo pala siya pag wet look. Nakababa lang lahat ng buhok niya. Meron din talagang mga pinagpala sa itsura at isa na siya dun. Siguro nung nagsaboy si God ng kagwapuhan si Cain na ata ang pinaka nabiyayaan.

Hindi ko napansin na napatititg na pala ko sa kanya. The worst part is he caught me staring at him.

"bakit?" tanong niya sakin.

"h-ha? Ano g-gusto m-m-mo--?"

itinaas ko yung bote ng mineral water na hawak ko.

"w-w-wa-wat-er?"

Biglang kinuha ni Ash ang water sa kamay ko.

"thanks! Nako uhaw na ko!" umupo si Ash sa gitna namin ni Cain.

"grabe nakakapagod! Magkaroon ka ba naman ng ka-partner na napaka taas ng energy! Ha! Kayo napagod ba kayo?"

Walang sumagot saming dalawa.

"gutom pa ko! Hay! Binbo tara kain tayo!"

"h-ha?"

"tara dali!"

Hinila ako ni Ash palabas ng room.

[Ash's POV]

Hila-hila ko ngayon si Amber papunta sa cafeteria. Ok, ano ba talaga nangyayari sakin? Bat ba ko nagkakaganito? Nakita ko kanina na nakatitig si Amber kay Cain. Unang pumasok sa isip ko kung nagkakagusto na ba siya sa kanya. And I was shocked because I felt hurt in that idea! Bat ba ganito? Sadya din yung paglapit ko sa kanila kanina and pagkuha nung mineral water sa kamay ni Amber pati ang paghila sa kanya.

Ok, I like Amber for a long time pero ayokong aminin sa kanya kasi baka hindi ganun ang nararamdaman niya sakin. Kuntento naman na ko na lagi siya nandiyan sa tabi ko. Tsaka never parin na may lumapit o nanligaw na guy kay Amber kaya kampante parin ako.

And besides, wala rin naman nasasabi si Amber sakin na may nagugustuhan siya. Pero bat ngayon? Tsaka bat kay Cain? Teka, bat ba ko na iinsecure ngayon? Hindi ko rin naman sure kung gusto ba talaga ni Amber lalo na kung gusto siya ni Cain.

Well, alam ko iba ang pinapakita ni Cain kay Amber at medyo nakakakutob ako pero siguro naman dahil sa lagi namin siyang kasama kaya ganun siya di ba? Ano ba to? bat ganito kagulo ang utak ko ngayon?

"ah radish"

Napatingin ako agad sa kanya.

"bakit?!"

"hey! Bat ganyan ang itsura mo? What's wrong?"

Bigla ko naman binago yung facial expression ko and tumawa ako ng malakas.

"HAHAHA! Got you! Niloloko lang kita!"

"eh?" hinampas niya ko sa braso "hay nako labanos!"

"bakit mo pala ko tinawag?"

"saan ba kasi tayo pupunta?"

"Sa cafeteria kakain"

"lagpas na kaya tayo"

"ha? Lagpas na ba?"

Boom!

"bat parang wala ka sa sarili?"

"ha? Ako? Ano pagod lang"

Tumingin lang siya sakin.

"hay nako! Kumain na nga tayo ng magka energy narin ako at matapatan ko yung energy ni Jade!"

[Amber's POV]

Katatapos lang ng break and nandito na ulit kami sa gym para mag practice. Ash is acting weird kanina pero siguro nga dahil pagod lang siya kasi ngayon balik ulit siya sa pakikipag asaran kay Jade.

Hindi parin namin tapos sayawin yung chacha ngayon. Para ma recap naminyung mga tinuro samin na steps, pinaulit samin mula sa umpisa. Yung dalawa naman sa tabi namin patuloy parin ang pag-aapakan sa paa ng isa't-isa!

"JADE! ASH! STOP FOOLING AROUND!" saway ni Carlo sa kanila
Napatigil yung dalawa sa paghaharutan.

"to naman si Carlo! Pinapasaya lang namin yung practice!"

"kaya nga naman. Wag kang high-blood"

"puputi agad ang buhok ko sa inyong dalawa eh! Please be serious!"

"yes sir!" they both said in chorus

Inulit uli namin yung mga steps. Natawa naman ako kasi nagkaapakan na naman si Jade at Ash then nauna pa sila sa pag change ng position. Bale makatalikuran ngayon si Ash and Cain. Dahil sa taranta nila na bumalik sa dating position, napalakas ang ikot ng dalawa and naitulak ni Ash si Cain sakin which leads to.

Oh no!

"uy sorry Cain ok lang ba kayo--?"

Nabigla ako sa nangyari.

Accidentally our lips met.

Natulala ako.

Natulala din si Cain.

Th...that's m..my..my..fi..first...my fi..rst...

KISS.

--------------------

Itutuloy.

Fall for You [On-Going/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon