Pag-ibig sa Maling Panahaon

170 2 1
                                    

   Sa buhay ng tao may nilaan para sa isa’t isa at nakatadhanang magkahiwalay. Paano kung mahal mo siya, pero hindi tama. Handa ka bang maging mali? Isang kwento ng pag-ibig na nahanap ng dalawang tao ngunit sa maling pagkakataon.

Huwebes ng gabi ng una kong Makita si Izle. Pagkakataong hindi ko alam na magpapabago ng aking buhay. Nang mga pagkakataong iyon ay marami akong pinagdadaanan, mga problemang akala ko wala ng lunas.

“Pwede ka bang maging kaibigan?” ang linyang aking binitawan sa unang pagkakataon na tinext ko siya. “Oo, pwede. Wala naman sigurong mali kung makikipagkaibigan ka,” ang sagot naman niya. Isang simpleng text na nagpabago hindi lamang ng aking buhay kundi pati na rin sa kanya. Lumipas ang araw, ay mas lalo ko pa siyang nakilala, at lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Alam ko sa una pa lamang na hindi pwede maging kami sa kadahilanang may nobyo na siya. Ngunit masisisi mo ba ang isang taong hindi inaasahan na iibig siyang muli? Kahit alam ko ang katotohanan ay ipinagpatuloy ko ang pagkakaibigan namin na umusbong sa pagmamahalan. Nais umiwas ni Izle sa akin, gusto niyang putulin kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa. Maraming tumutol, marami ang nagtataka kung bakit ang bilis ng mga pangyayari. Ang akala ng mga kaibigan namin laro lang ang lahat sa aming dalawa. Kahit kami hindi namin alam kung bakit umabot sa ganitong sitwasyon. Ganun pa man, ipinagpatuloy namin ang aming relasyon.

Patago. Yan ang sitwasyon ng aming relasyon. Bawal. Ang sabi nila. Mahirap ngunit kinakaya. Alam naming pareho na darating ang araw na masasaktan namin ang isa’t isa. Masasaktan dahil umibig kami sa maling pagkakataon. Masakit man ang katotohanan ngunit mas pinili namin ang maging mali dahil ayaw naming magsisi sa huli na hindi namin pinagbigyan ang aming mga sarili na maging masaya, kasiyahan na matagal na naming hinahanap.

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

May mga pagkakataon sa buhay natin na sumusugal tayo lalo na sa pag-ibig. Isang sugal na maaaring magpasaya sa atin at maaring magpalungkot. Ngunit ganun pa man, nasa ating mga sarili pa rin kung paano natin ito kinakaya. Kung paano natin haharapin ang mga nakalaang kapalit sa pagpili natin na maging mali.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig sa Maling PanahaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon