The Last Teardrop

91 3 0
                                    

“hindi ko kayang mawala siya, Di. Ikamamatay ko kapag nangyari yun,”

‘Hindi ko din kayang Makita kang umiiyak ng dahil sa kanya,’ ganting – balik ng isip ko ngunit hindi ko man lang maisatinig. Ayokong isatinig dahil alam kong mas masasaktan ako sa sagot niya.

“Mahal na mahal ko siya Di. Kahit buhay ko handa kong ibigay para lang bumalik siya,”

Sa bawat paghikbi niya siya naman ang pagpigil ko sa aking mga luha. Ayoko nang umiyak. Pagod na pagod na ako.

‘Mahal din naman kita aah! Bakit hindi mo makita?’ Gusto ko sanag isigaw ito sa pagmumukha niya pero hindi ko naman siya masisi. Puso ang nakakakita pagdating sa pagmamahal. Paano mo nga naman makikita kung ang puso mo ay nakatingin na sa iba? Tanga ka talaga kahit kailan, Dione!

Ang sakit alam mo ba yun? Ang sakit ng pakiramdam na Makita ang taong pinakamamahal mo na umiiyak at wala ka man lang magawa. Kahit ilang haplos at pahid pa ang aking gawin patuloy pa ding aagos ang kanyang luha dahil ako mismo ay hindi sapat. Hindi ako ang kailangan niya kundi siya. Siya na minahal niya at umagaw sa lalaking pinakamamahal ko – ang aking asawa.

‘Kean, kung sa bawat pagngiti mo ay kapalit ng pagpatak ng mga luha ko, handa akong tanggapin iyon basta sumaya ka,’

“Dione! Saan ka pupunta? Di!” hindi ko pinansin ang mga pagtawag niya sa akin at dere – deretso akong lumabas ng kuwarto naming mag – asawa. Hindi ko kayang magsalita dahil baka masabi ko pa sayong mahal kita.

Mag – asawa. What a bizarre term to explain our situation.

 Tanga, Booba, Istupida. Itawag niyo na ang gusto niyong  itawag sa akin, wala akong pakialam dahil ang alam ko lang, walang matalino at bobo kapag tinamaan ka ni Kupido. Pero letseng kupido naman to oh! Hindi ba nito makilala ang pinagkaiba ng dalawa sa tatlo? Bakit tatlo ata kaming sabay – sabay pinana? Nakikitambay lang dapat ako dun eh, pero bakit pati ako tinamaan?

Papunta ngayon ako sa bahay nila. Anong gagawin ko dun? Hindi ko din alam. Manggugulo siguro ng sa gayon ay matauhan siya sa katangahan niya.

2 years ago, hindi ko ineexpect na magiging magulo ang buhay ko. 18 years old pa lang ako noon at isang simpleng estudyante lang din naman ako. Nag – aaral, nabobored, nagiging stalker pagdating sa mga crushes ko, nagbabasa ng wattpad, at kung ano – ano pang ginagawa sa buhay ng isang teenager. Pero nagbago lahat ng iyon ng magkakilala kami ni Kean.

Si Kean ay business partners ng papa ko at alam niyo naman ang takbo ng isip ng mayayaman, gusto pa ding magpayaman. Kaya ng tumungtong ako ng 18 ay ipinakasal niya agad ako kay Kean. Aaminin ko noon, medyo may pagka hopeless romantic ako kaya sobrang na excite ako noong ipakasal kami ni Kean. Nabasa ko to sa mga stories sa wattpad eh. I - aaranged marriage si girl at si boy, sa una hindi sila magkakasundo pagkatapos ng ilang mga pagsubok at pagka jelly beans nila sa mga nagsusulputang characters na na lilink sa kanila, doon na nila malalaman na mahal pala nila ang isa’t – isa. Akala ko ganoon din ang kahahantungan ng istorya ko dahil akala ko ako ang bida but I have forgotten that every story there is an extra. Ang taong masasaktan at iiyak samantalang ang bida ay happily ever after. Pero kampante ako na magkakaroon kami ng happily ever after dahil ako ang bida dito pero akala lang pala iyon.

 May nakalimutang i- anticipate ang mga authors. Ang mahulog ang loob ng isang prinsipe sa isang katulad niya at iwanan na ng tuluyan ang bidang babae. Suddenly the one, who thought she is a princess, is no more than an extra.

Bumaba ako ng marating ko ang malaking mansion. Huminga ako ng malalim bago tuloy – tuloy na pumasok.

 ‘Pangako Kean, sasaya ka kahit ikamatay ko pa.’

The Last TeardropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon