REVISED!
Reina – 18 y/o Aki – 18 y/o
Raymond – 19 y/o Jamaica – 19 y/o
REINA’s POV
Nasa park ako ngayon, kumukuha ng litrato ng kung ano ano sa paligid. Yung mga kasama ko, andun lang sa cabanna, kumakain, nainip ako kaya naisip ko mag picture picture na lang. Pinipicturan ko ngayon yung fountain, nakaka-ilang kuha na din ako, pero parang hindi ko pa din makuha yung perfect angle. CLICK... CLICK... CLICK... “Reina, tara na! Aalis na daw tayo!” sigaw ng pinsan ko na si Jamaica, sabay takbo papunta sa parking lot. “Ha, sige, wait lang, hintayin mo naman ako!”
Habang nakaupo ako sa sasakyan, naisipan kong tignan yung mga pictures na nakuhanan ko, sinimulan ko sa unang shot, tas sa last shot ko, may napansin akong lalaki sa likod ng fountain, parang ang lungkot lungkot niya. Di ko naman siya napansin nung kinukuhanan ko yung fountain kanina eh. Pero infairness, ang gwapo niya ah. Ang galing naman kumuha ng camera ko, may nasama pang gwapong nilalang. Haayy, ano kayang pangalan niya?
After 3 years...
Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi ko pa rin makalimutan yung lalaking nasa picture. Lagi ko nga siyang napapanaginipan eh, medyo blurred nga lang yung mukha niya. pero alam kong siya yun. Nasa park kami palagi, ang saya saya namin dun sa panaginip ko, ang sweet nga eh.
-------------
June 03, 2012.
Nasa debut party ako ngayon ng isa sa mga barkada ko na si Aryana, at masquerade ang theme niya. And im with Jamaica, naging close na rin kasi siya sa mga barkada ko, para ngang part na rin siya ng barkada namin ehh.
At dahil nga masquerade ang theme niya, lahat ng tao na dito ay naka mask, except na lang sa mga waiters. Grabe, ang ggwapo tignan ng mga lalaki kahit na nakamask sila, parang ang lakas ng appeal. Lalo na yung isang lalaki. Naka-white suit siya, at naka black na mask. Naka-upo siya sa table sa tapat namin sa kabilang side.
“Heeey, Reina! Is that you?” narinig kong sabi ni aryana na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.
“uyy! Aryana! Grabe ang ganda mo tonight!” sabi ko naman sa kanya habang tinatanggal niya ang mask niya. grabe, mas lalo pa siyang gumanda nung tinanggal niya yung mask niya. Kainggit nga eh. Haay, ang swerte swerte ng boyfriend niya sa kanya, bukod sa maganda na, matalino pa. At mayaman pa! Oh di ba, san ka pa?
“Ano ka ba! Kayo din kaya ni Jamaica, ang ganda niyo. Nako, baka talbugan niyo pa ko ahh.” Biro niya samin ni Jamaica
“Asus! Pa-humble pa toh. Di nga, promise ang ganda mo ngayon Aryana” sabi naman ni Jamaica
“hmp! Oo na nga sige na. Naniniwala na ko sa inyo. Haha”
BINABASA MO ANG
Captured
Teen FictionDo you think its possible to fall in love with a guy that you've just seen in a picture. Well for Reina, it is. This story was about a girl who fell in love with a picture. Not literally a picture, but with someone who was in the picture that she ac...