SweetyAnn's Note:
Mehehe, binago ko yung title, pero ganun pa rin naman ang story. Dedicated to sakanya kasi mahilig siya sa abs. Hahaha. XDD
Eto na yung chapter 10 :P
#♥#♥#♥#♥#
I'm Inlike With You
written by: SweetyAnn
Like No. 10
"Alice paki-kalabit nga yang katabi mo baka hindi na humihinga! Bwahahaha!" XD
"Siraulo ka Blue! Alak ang ininom ni Free, hindi lason! Hahahaha"
"And I was like..
Baby..baby..baby..ohh
Baby..baby..baby..No
Thought you'd always be mine..mine.."
Aish ingay ni Blue!! Nandito nga pala kami ngayon ng barkada sa bar ng daddy ni K-Ann.
What I mean with barkada is Ako, si Jane, si Blue, si KM, si K-Ann, si Knight at si Free.
Bang wi-weirdo ng pangalan ng mga kaibigan ko noh? =_= Actually weird din kung pano nabuo yung barkadahan namin. Nagkakilala lang kame nung grade 5 ako sa isang field trip, taga iba-ibang schools kami eh. Classmates kami ni Jane, tapos si Blue, Free at KM naman taga ibang school din. Tapos si Knight at K-Ann taga ibang school din. Pero sa barkada namin, si Jane talaga ang pinakabestfriend ko.
Ako, unang-una. Alice Genevieve Santillan. Isa'ng cosplayer, adik sa music na masyado daw nag-eenjoy sa buhay pero ayaw mag-boyfriend. Tss. =_=
Susunod, si Tiffany Jane De los Reyes. BFF ko. May pagka-hyper, pinaglihi ata sa asukal ng nanay niya, bukod diyan, napaka-straightforward kung magsalita.
Saksakan din ng manhid! Hindi niya napapansin na deds na deds sa kanya si Knight. Alam na sa buong barkada na may special something si Knight para sa kanya pero lagi namang dine-deny ni Jane. Haay. Ang sarap ngang iumpog sa pader yung ulo niyan eh, nang matauhan na. =_=
Next si K-Ann, Kimi Ann Lee. Sa daddy niya to'ng bar na to. Yeah. Siya ang pinakamayaman samin. May pagka-playgirl nga lang yan, saka may pagka-maarte at pagka-straightforward. Pero sa oras na kailangan mo ng masasabihan ng problema, nandiyan siya palagi. (•‿•)
Next, si Asul! Blue Santos. Ang cute ng pangalan niya swear! Adik kasi mommy niyan kay Doraemon, eh diba color blue si Doraemon? kaya 'Blue' ang ipinangalan sakanya ng mommy niya. Hahaha. Siya ang pinaka pilyo sa'min at pinakamakulit.
Next si Knight Flores. Wala ako'ng masyadong alam diyan kay Knight eh, hindi kami ganun ka-close. Pero I can say na may gusto talaga siya sa bestfriend ko. Tatahi-tahimik din yang tao'ng yan pero nakikiride naman siya kapag may joketime.
Next si Free, actually Priscilla Mae Cortez talaga ang pangalan niyan. Siya ang pinaka mahilig maggala sa'min. Minsan magugulat nalang kami nasa ibang bansa na pala siya. O kaya naman bigla nalang mamimigay yan ng mga souvenirs galing sa mga pinuntahan niya.
Next si Kyle Martin Soriano. Yan ang ka-vibes ni Blue sa mga kapilyuhan niya, since si Knight ay tatahi-tahimik. At close na close din sa akin yan Labs ko yang si KM eh. (^^,)
Nandito kami sa bar kasi may monthly get-together kami every 12th day of the month. Bawal umabsent kasi kapag absent ka, ikaw ang magsshoulder sa next get-together.
BINABASA MO ANG
I'm Inlike With You [Completed]
HumorCopyright © 2012 by SweetyAnn Isang magulong kwento ng in denial na si Alice at ang mayabang na si Paolo..