--------
Bigla naman akong binitawan ni Lei kaya nabagsak ako tas hahabulin at sisigawan pa sana niya yong lalaki pero pinigilan ko.
"Tama na.At bakit mo ba ako binitawan? masakit na ngang katawan ko eh"
Lumapit agad siya sa akin na may pagalala sa mukha.
"are you okay?" hay nako yan na naman yong are you okay na yan eh.
"Bakit mo binigay yong cellphone mo.Diba gift yung ng ate mo sayo?Hindi mo ba bibigyan ng sentimental value yong mga binibigay sayo?Wala ka namang ginawa doon.Siya ang may kasalanan sinad--"
bakit ba ganito ito?di naman siya marunong mag-alala bakit parang sobrang nag-aalala to?
"akong may kasalanan kaya wag kang maraming satsat diyan.Kainiis to oh,tulungan mo na nga akong tumayo nang makaalis na."
pero hindi na siya umimik at umupo lang siya patalikod sa akin.
"Sabi ko tulungan mo na akong tumayo"
=_______=
tiningnan lang niya ako ng blangkong expression
"Ano ba hindi ka ba kikibo?tutulungan mo ba ako o hindi?"
abnormal na lalake.Wala namang akong ginawang masama sa kanya,bigla nalang di namamansin.
"sakay"
"ah okay"
Bago pa ako makasakay,pinulot ko muna yung S5 nang lalake at itinago sa bag ko
.
.
.
Nakasakay lang ako sa likod niya na walang naimik sa amin.Nag iba bigla yung atmosphere,bat kasi ayaw niya akong kausapin?
"Babs mabigat ako?"
"............."
"Bakit ba bigla ka na lang di namamansin?Hoy!!"
Kaiinis naman oh.
"Sorry na kung yung kanina.Kasalanan ko naman talaga eh.Tsaka bakit ka ba kasi nangialam?kawawa tuloy yong lalake tapos ang bait kaya.Buti nalang di pinabayaran yung s5 niya."
wala parin siyang kibo.
"Babs naman eh sorry na talaga"
pinagpapalo palo ko pa nga siya dahil naiinis na naman ako.Tsaka di ba to nabibigatan sa akin?eh kanina pa to naglalakad na pasan ako.
"Ouch!" late reaction
pinagpapalo ko ulit.
"ouch.Krystel Stop!Ano ba tumigil ka nga.I'll throw you I swear.Ang sakit,you sadist,Para kang bata eh !"
"Oo na titigil na ako wag mo lang akong ihagis,hindi pa tapos ang misyon ko sa mundong ito at ayoko pang mamatay.Tsaka mo na lang ako patayin kong tapos ko na ang misyon ko at kapag nalinis ko na ang mga kasalanan ko.So, heaven's gate will volunteer to often for me at mapupunta ka sa impyerno wahaha.Unti unting masususnod ang kaluluwa mo doon.Bukod doon hindi na tayo magkikita pa sa pangalawang buhay.Isn't that happy.Oh shems ang daldal ko,kausapin mo na kasi ako"
OA ko no?
"Kinakausap na kita.Ang OA mo"
"Yong matinong usapan.Sorry na kasi."
hindi na naman siya naimik.
"SAGUTIN MO NA KASI AKO!"
napasigaw nalang ako dahil sa inis.
"Hindi ako easy to get,ligawan mo muna ako bago kita sagutin" patawa tawang sabi niya
"Tanga hindi naman yun ang ibig kong sabihin.Babs naman eh namimilosopo na naman."
Andito na pala kami sa harap ng motor niya.Ibinaba niya ako tas sumakay na siya at sumunod naman ako.
"humawak ka sakin ng mabuti,ihahatid na kita para gamutin yang paa mo,Magpahinga ka na din pagkatapos"
"Hindi pa ako na---"
"Tahimik"
sabi ko nga tatahimik na ako.
Humawak na ako sa baywang niya tas pinaharorot na niya yung motor
.
.
.
.
Pagdating namin sa bahay bumaba na agad ako at walang pasabi sabing binuhat niya ako papasok at paakyat sa kwarto ko.
Wala na akong parents at si ate nalang ang kasama ko sa buhay pero wala pa siya.Kaya walang eepal kung bakit ako buhat ng isang lalake sa loob ng pamamahay namin.
"Asan yung first aid kit mo?"
Lei habang binababa ako sa kama.
Sinabi ko naman sa kanya kung asan at tsaka ginamot na niya kaagad tong sugat ko.
"Tapos na,alis na ko"
tatalikod na siya ng pinigilan ko.
"Babs wala akong kasama pwedeng samahan mo muna ako?"
Bakas sa boses ko ang pagkalungkot sa pag-iisa pero hindi ko nalang pinapahalata sa mukha ko.
"Bababa muna ako,titingnan ko lang kung anong pwedeng makain.Hindi pa kasi tayo naglalunch kaya baka gutom ka na."
tumango na lang ako,at bago pa niya maisara ang pinto
"Wag mo kong iwan ha?Wala kasi akong kasama"
Humiga na ako sa kama at saglit na ipinikit ang mata ko.Pagod ako tapos masakit pa ang katawan ko kaya magpapahinga muna siguro ako.
Sa huli,si Lei parin ang andyan para sa akin.
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Novela JuvenilIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...