Beauty and The Pig (C-16)

30.8K 159 15
                                    

Chapter Sixteen

Araw ng Lunes, balik aral na ulit sila dahil susunod naman ang Final Examination nila, at last but not the least ang kanilang graduation. Isa lang naman ang gusto nya, gusto nya na sana sila pa rin ni Pola hanggang sa graduation nila, sana hindi ito makipaghiwalay sakanya. Maaga syang pumasok para kausapin si Pola, sya ang unang lalapit dito dahil alam nyang hindi sya nito lalapitan dahil nga sa nangyari.

“Lindon,” isang kilalang boses ang tumawag sakanya mula sa likod, “Pola?” nakatingin ito sakanya, dala ang bag na binigay nya dito nung Pasko, “Oh? Pola..”, “Lindon, sinasauli ko na ‘tong bag mo,”yun lang at natulala na sya. “Anong ibig sabihin nito? Makikipaghiwalay ka na ba sa akin, Pola?” isang kagimbal gimbal na tanong sa sarili nya. “Lindon, tapusin na natin ‘to ngayon pa lang,” sabi ni Pola, “Pero Pola, bakit? Pola, alam mo namang hindi ko ginusto yung nangyari nuung gabing yun di ba? Pola? Second chance, please?” pagmamakaawa nya dito, umiling ito. “Lindon, kahit bigyan kita ng second chance, wala na rin talaga, kaya please? Tama na. We’re through,” yun lang at umalis na ito sa harapan nya, “Pola?” yun lang at napakapit sya sa poste sa tabi nya, walang nakakita nung pag uusap nila ni Pola dahil masyado pang maaga at sa may bandang garden sila nag usap. “Minsan, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil pinagkakaguluhan ako ng mga babae dahil sa itsura ko at sa mga katangian ko na nagugustuhan nila,o dapat ba akong magdusa kasi isang sumpa na magkagusto sila sakin at masaktan si Pola?”

Nauna na syang umakyat ng classroom kaya naman nang makita sya ni Ralph, “Oh pare, ano yan? Pinalayas ka na ni Ate Shaniya?” biro nito, “Pre, nakipagbreak na si Pola sa akin.” “Ay, sorry pare, yan ba yung bag na kapareho ng sayo?” tanong nito, tumango lang sya, nasa loob ng bag ang stuffed toy, sneakers, kwintas, christmas card, hikaw, at maging ang kapares ng suot nyang sing-sing. “Sorry talaga pre, kala ko kasi gamit mo din yan eh,” sabi nito, “ok lang pre,” yun lang at hinubad nya ang suot na sing-sing at pinukol sa labas ng bintana.

Habang si Pola naman, habang naglalakad pauwi, “Ok lang walang girlfriend, sakit lang yun sa ulo natin eh,” narinig nyang sabi ng isang lalaki sa kaibigan nito, agad syang lumapit sa dalawa. “Hoy! Kayong mga lalaki ha, sino kaya mas sakit ng ulo sating dalawa, kayo ‘tong nanliligaw eh, wala naman kaming sinabing ligawan nyo kaming mga babae, tapos ang dami dami nyong pangako, ang dami nyong sinasabi. Sasabihin nyo, wag kaming magpupuyat? Sasabihin nyo ayaw nyong umiiyak at nasasaktan kami. Hindi nyo alam kapag matagal na tayong nagsasama, umiiyak kaming mga babae kapag gabi, dahil sinasaktan nyo kami, mga walang kwentang lalaki!” yun lang at iniwan nya na ang dalawang tulala dahil sa mga sinabi nya.

One month after the break up, practice na ng graduation nila, tapos na din ang final examination, dumaan din ang valentine’s day na hindi siya pinapansin ni Pola. Ganun ba talaga kalaki ang galit nito sakanya? Sana kahit sa graduation man lang pansinin na sya nito, balita nya kasing lilipat na ito ng bahay sa bakasyon, nalaman nya yun sa Ate nya, at sila pa rin ng Kuya ni Pola. Sana nagtagal din sila ng ganun, para naman masaya din sya. Sa twing nasa praktis sila, lagi lang syang nakatitig kay Pola, dahil nagpapraktis ito ng tutugtugin nito sa Graduation nila, ang “I Do” by Marie Digby, gamit ang piano ng school nila. “Pare, baka naman matunaw si Pola kakatitig mo?” puna sa kanya ni Ralph. “Pre, swerte na ko eh, alam mo yun? Nandyan na sya eh, nawala pa,” sabi nya dito, “Alam mo pare, mag move on ka na, kung kayo talaga para sa isa’t isa, magiging kayo pa rin kahit anong mangyari,” , “Pre, kaya ko rin yan sabihin sayo kung sakali man na maghiwalay din kayo ni Darlyn na sana wag naman, oo alam ko naman yun eh, pero ang hirap gawin nyang sinasabi mo kapag nasa gantong sitwasyon ka na, oo siguro kapag wala ka sa sitwasyon ko tawanan mo pa ko, pero pare, ang hirap talaga, alam mo Ralph, hindi ko talaga ginusto yung nangyari nung Prom, seryoso ako sakanya, seryoso kasi ako kay Pola,” paliwanag nya dito, “Alam ko yun, pero wala na eh, wala ka ng magagawa, nandun na yun eh, nakipaghiwalay na sya, alanganamang pilitin natin na maging kayo ulit diba?” wala na talagang paraan, dahil kahit anong lapit ang gawin nya dito, sya namang iwas nito.

Graduation day, tapos na ang opening remarks at ang speech ng validictorian nilang si Andrew, oras na para magpasalamat sa mga kaibigan at magulang na tumulong at gumabay sakanila upang marating ang parte ng buhay nilang iyon, at syempre ang Ate Shaniya nya ang kasama nya. Habang nasa stage silang lahat, nag umpisang tumugtog si Pola at kumanta...

            “When the music ends, when the lights go dim,when there’s no one else around, I will still be here. When the colours fade, when the darkness breaks the light,  and hope is out of sight, love will be our guide... cause love is strong, love is never wrong, love is where we belong.. I will make this clear, I will always be here.. I love you. I do, I do... so smile, you’ll have me for life, I love you, I do, I do, I... do..”

Yun lang at hindi na nya napigilang tumulo ang luha nya, lumapit sya dito matapos nitong kumanta, “Pola, I’m sorry.” Ngumiti ito sakanya, “Kalimutan na natin lahat, Lindon. Congratulations, enjoy,” kinamayan sya nito at niyakap, “ I love you, Pola,” sabi nya dito, pero hindi yata nito narinig dahil maingay ang paligid, “Sige, Lindon. Punta na ko kayla Mommy,” at umalis na ito sa harapan nya.

At yun na.... yun na siguro ang huli nilang pagkikita.


Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon