Chapter 14 - Ash

36 6 18
                                    

[Cain's POV]

"that's her first kiss! Bat mo ginawa yun? First niya yun! Alam mo ba? First niya yun!"

Ok. Siguro pang isang daang beses na sinabi sakin ni Ash na first kiss ni Amber yung nangyari kahapon.

"enough Ash! Bat ganyan ka ba makapag react? Hindi naman ikaw ang nahalikan ko ah? Hindi naman ikaw ang nawalan ng first kiss"

"pero kahit na bestfriend ko yang si Amber! Bat mo ba siya hinalikan kahapon?!"

Honestly! He doesn't have any idea?! Hinarap ko siya "dahil sayo"

"d-dahil sakin? B-bakit? Pinag seselos mo ko no?! nako hindi tatalab yan! Hindi ko naman gusto si Amber!"

That's what you called defensive para naman tong babae!

"ikaw kaya ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi dahil sa kaharutan niyo ni Jade, hindi mo ko mababangga. At kung hindi mo ko nabangga, hindi ako matutumba kay Amber at hindi ko siya mahahalikan"

Natulala siya dun sa explanation ko.

"nabangga? Ako? May kasalanan?" napatakip siya ng bibig

"kasalanan ko!"

"right!"

Hay nako naman. Ngayon niya lang naintindihan ang mga nangyari. Tsaka totoo naman. Kung hindi nabangga ng pwet niya ang pwet ko hindi sana ako matutumba kay Amber. Err. what a word.

Tulala parin ang expression ni Ash.

"hey! Wag mong masyadong isipin. Hindi naman talaga yun ang first real kiss niya. It's just an accident"

"kasalanan ko...ka..sa..la..nan k..k..ko"

Oh God!

Iniwan ko si Ash. Mukhang hindi ko to makakausap ng matino ngayon eh.

[Jade's POV]

||Lunch Break||

Andito kami ngayon ng baby King ko sa lamesa nakain. Haha grabeng pagkukumbinsi ko sa kanya na dito kami mag lunch ngayon. Paano ba naman sawang sawa na ko sa mga foods sa cafeteria no.

"hay nako Jade! Dahil dinala mo ko dito ilibre mo ko!"

"eh? Dapat kaya ikaw ang nanlilibre no! pero dahil sa mabait at maganda ako sige na nga ililibre na kita!"

Umupo na kami then nag order. Nakakatuwa naman solo ko ang baby King ko!

"ano tinitingin-tingin mo sakin? Masyado ka na bang naga-gwapuhan sakin?"

"hindi naman, iniisip ko lang kung kelan mo ko sasagutin"

Haha! At talagang ako pa ang bumanat ng ganun no?

"teka, at bat ikaw ang nagsasabi ng ganyan? Tsaka babae na ba ngayon ang nanliligaw?"

"ako na ang magpapauso na babae ang nanliligaw ngayon tutal naman napakabagal mo at hindi mo pa ko nililigawan"

"at bat naman kita liligawan?"

"aminin mo na kasi na matagal mo na kong gusto!"

"paano kung nagkakamali ka?"

"ha! Alam kong hindi ako nagkakamali no! sus sa ganda kong to imposibleng hindi ka nahuhumaling sakin!"

"bahala ka nga isipin ang gusto mong isipin"

We both laugh.

"hey" he leaned closer to me "what do you think dun sa girl na malapit sa counter?"

Lumingon ako dun sa girl na tinuro niya. Halatang nakatingin siya samin kaya lang lumingon bigla sa iba nung tumingin ako.

"normal girl bakit?"

"wala lang. she keeps on staring at me"

Hmp! Natuwa ka naman diyan? Eh hamak na man na mas maganda ko dun! Tinawag niya yung waitress.

"bakit po sir?"

halatang pati yung waitress nagpapacute dito!

"paki bigyan naman ng milkshake yung girl sa may counter"

"yes sir"

Lumingon ulit ako dun sa girl, nakatingin siya kay king then I look at him, nag wink siya dun sa girl!

What a cassanova!

"uhm, cr lang ako"

"sure go ahead" sabi niya habang busying busy na nakikipag ngitian dun sa girl.

Dumiretso ako sa CR. Grabeng lalaking yun oh! Ilang beses niya na ba ginawa na lumandi sa harap ko?! Hay nako! Nakakita lang ng babaeng nagkainterest sa kanya binigyan naman niya agad ng milkshake! Samantalang ako na apat na taon nang nagpapakita sa kanya ng interest never pa kong nilibre sa isang restaurant! Kahit na sa cafeteria ng school hindi pa! ako pa ang nanlilibre sa kanya! Hay nako naman!

Lumabas na ko ng CR and nakita ko si King na nakaupo na rin dun sa may counter kasama yung girl na trying hard kanina pa na magpa cute. Nakalabas yung mga cellphone nila and mukhang nagbibigayan na ng mga digits!

Nako naman!

I strode pass them pero syempre dahil sa may pagkadugong maldita ako, bago
ko sila malampasan hinila ko yung ilang strands ng hair nung girl.

"ouch!! What the--?!"

"Jade! What are you doing?! And where are you going?!"

"babalik ng school! ang panget ng view dito!"

"paano yung inorder natin and di ba ikaw ang magbabayad?"

Aba naman! Talagang concern siya dun sa pangbayad namin! Naglapag ako ng 2000 bill dun sa may counter.

"ayan pambayad mo kasama na yung milkshake na iniinom niya. Baka namumulubi ka na eh!" tinuro ko yung iniinom nung pacute na girl.

Nag walk-out na ko palabas pero before pa kong tuluyan makalabas narinig ko yung usapan nila.

"who is she?"

"a friend. Anyways, don't mind her. So are you free this Saturday night?"

NAKAKABADTRIP!

Hay naku naman! THAT GUY! Kelan kaya niya ko matututunan pahalagahan?

--------------

Itutuloy.

Fall for You [On-Going/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon