Chapter 10: Like Brothers

700 22 1
                                    

"You did it again! This is such a beautiful piece of art! I am so proud of you!" masayang masaya na sabi ng lolo ni Daniel.
Tinignan ni Daniel ang ginawa niyang drawing na hawak hawak.
Ang sarap sanang pakinggan ng mga sinasabi ng lolo niya kung para sa kanya iyon.
Nilingon niya ang pinsan na abot hanggang tenga ang ngiti.
Si Jadiel. Ito ang pinsan niya na galing ng Australia.
Anak ito ng uncle niya na kapatid ng mama niya at kalahating banyaga ang dugo dahil Australian ang nanay nito.
Tila may sumpa ang angkan nila dahil puro sila pang dalawang magkapatid.
Ang magulang ng lolo niya ay may dalawang anak at iyon ang lolo Ben nila at ang Lola Benita nila na kapatid nito na yumao na.
Ang mama naman niya ay may kuya at iyon ang Uncle niya na nag asawa ng banyaga.
Ganun din naman silang magkapatid.
Siya ang panganay at si Clarise ang bunso.
Sa pinsan niyang ito naman ay panganay ang babae at bunso si Jadiel.
Pawang mga pamilya din sila ng mga magagaling sa art.
Hindi alam ni Daniel kung bakit pero nakakaramdam siya ng kirot kapag pinupuri ng lolo nila si Jadiel.
Benjamin C. Rosario.
Ang lolo nila na isang sikat na sketch artist at pintor sa bansa.
Lapis, ballpen, pinta o uling.
Kahit ano atang mahawakan ng lolo niya na maaaring makalikha ng kulay ay kaya nitong makagawa ng isang magandang obra.
Mayroon itong sikat na Art Museum sa Manila at doon idinidisplay ang mga magagandang gawa nito.
Dati-rati ay siya lamang ang pinupuri ng lolo niya dahil ginagawa niya lahat upang makalikha ng magandang sketch na maipapakita rito.
Mayroon nga siyang special place sa museum nito na pinapalitan kada may maganda siyang magagawa.
Laging ipinagmamalaki ng lolo niya ang mga magagandang drawing na nagagawa niya.
Dahil sa pagmamahal ng lolo niya sa art ay parang mas nauna pang natutong magdrawing si Daniel kaysa ang magsulat.
Masaya man siya o malungkot ay pag-isketch ang ginagawa niya.
He has always been the "favorite apo".
Yun ang akala niya.
Magmula ng dumating ang pinsan na banyaga sa Manila ay halos hindi na siya pinapansin ng lolo niya.
Ano nga bang magagawa niya.
Sa murang edad nila ay nakaya na ng pinsan niya ang mag charcoal painting at sobrang gaganda din ng mga sketch nito.
Hindi siya makapaniwala noong una pero nalungkot na lamang siya ng malaman na nagkaroon din ito ng lugar sa museum ng lolo nila at nakatabi ito sa mga magagandang gawa ng lolo nila hindi katulad ng gawa niya na nasa dulo lamang ng museum.

Tanda pa ni Daniel nang unang umuwi ang mga ito sa bansa at dumiretso sa family house nila sa Maynila.
Napauwi ang mga ito sa bansa dahil namatay ang lola Rosita nila na asawa ng lolo Ben nila.
Nagkaroon ito ng malubhang sakit na siyang ikinamatay nito.
"Hi Jadiel! I'm Daniel! I'm your cousin. Nice to finally meet you."
Masayang bati ng limang taong gulang na si Daniel sa bagong dating na pinsan habang nakaabot ang kamay.
Tinignan lang siya nito pataas pababa at saka tinalikuran.
Naging sobrang malungkot ang lolo nila sa pagkawala ng lola nila.
Halos lagi itong galit at hindi mo makikitang ngumiti.
Walang ginawa ang batang si Daniel kundi gumuhit ng kung anu-ano upang ipakita sa lolo para lang sumaya ito ngunit tila walang kwenta lamang sa lolo niya.
Hanggang isang araw ng papasok sana ito sa studio kung saan nagpipinta ang lolo niya ay natigilan siya sa masayang halakhak na naririnig.
Mula ito sa Lolo Ben niya.
Pagsilip niya sa pinto ay kitang kita niya ang nakakandong na pinsan sa lolo habang tinitignan ng mga ito ang isang drawing sa sketch pad.
Mukha ng Lola Rosita nila ang nandun.
Hindi siya makapaniwala na gawa ito ng pinsan niyang banyaga.
They are only 5 years old pero kahit na  hindi masyadong gaya ang mukha ng lola nila ay masasabi mong magaling talaga itong magsketch.
Imbes na sumama ang loob ay masaya si Daniel dahil kahit papaano ay napasaya ni Jadiel ang lolo nila.
Lagi niyang sinusubukang lapitan ang pinsan ngunit lagi naman itong umiiwas at hindi siya pinapansin.
Lalapitan niya ito upang makipaglaro o di kaya ay aabutan ng pagkain pero bago palang siya makalapit ay umaalis na ito o di kaya ay tinatapon ang mga inaabot niyang pagkain.
Muling nalungkot ang lolo niya nung umalis ang mga ito at bumalik ng Australia.
Ginawan niya ng paraan na pasayahin ang lolo niya ngunit lagi naman nitong kausap sa telepono ang pinsan.
Hanggang sa dumating ang panahon na halos taon-taon ng umuuwi ang mga ito sa Pilipinas upang bisitahin ang lolo nila.
Kahit na ilag at laging masungit sa kanya si Jadiel ay pinipilit niya paring lapitan ang pinsan.
Madami kasi silang pagkakaparehas ng pinsan.
Parehas silang mahilig sa musika at magaling kumanta at tumugtog ng mga musical instruments.
Katulad niya ay lumaki din itong mahilig sa sports lalo na sa basketball.
Kaibahan lang ay sobrang matalino nito at siya ay laging nasa average lang kaya din siguro mas pinupuri ito ng lolo nila.
Pakiramdam ni Daniel ay mas magkakasundo siguro sila dahil parehas sila ng mga hilig at gusto.
Napapansin niya na parang sa kanya lang ito ilap.
Mabait naman ito sa mga ibang bata kahit na minsan ay may pagkamayabang ito at mataas ang tingin sa sarili ay alam niyang may puso din ito at inaalagaan nito ang kapatid niyang si Clarise pero pagdating sa kanya ay hindi ito namamansin.
Kung hindi lang sana ito masyadong masungit sa kanya ay magiging parang magkapatid silang dalawa.
Minsan ay pagtitripan ito ni Daniel na aasarin o di kaya ay aabutan ng pagkain saka siya ngingiti na labas ang ngipin ngunit lagi lang nitong sasabihin:
"Get out of my face!!"
Kapag sinasabi nito iyon ay napapakamot nalang ng ulo si Daniel.
Minsan nga ay nakakatuwaan na niya ding tawagin itong 'Get out of my face' dahil iyon nalang lagi ang sinasabi sa kanya.

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon