Ang Pag-ibig ng Isang Ina

27 0 0
                                    

Dumilat ako. Pag gising ko ay pinalilibutan ako ng mga naka berdeng uniporme at itinutulak nila ang hinihigaan ko. Nakita sa kaliwang banda ang aking inang umiiyak. Wala akong kamalay malay sa nangyayari at biglaan nalang may tinusok saaking braso na masakit at saka ako'y nakatulog.

Ako si Savannah, saka lamang ibinalita saakin ng doktor na may sakit akong Primary Heart Cancer. Hindi ko alam kung ilang oras, araw, linggo, buwan, o taon nalang ang nalalabi saakin, ngunit hindi ko alam kung bakit narito pa ang magulang ko sa gayong pinabayaan na nila ako. 

Nasa kanang banda ko si Peia, ang aking matalik na kaibigan. Niyakap ko ito mula saaking pagkakahiga sa hospital bed. siya lamang ang kailangan ko sa loob ng silid at hindi ang mga magulang ko.

"Peia, pakisuyo naman ng tubig. Nauuhaw ako" Sambit ko saaking kaibigan. 

Ngunit pinigilan siya ng aking ina, "sige ako na lamang ang magb-" 

"Sino ka?" dineretso ko agad ang pagsabi sa kanya. "sino kayo? bakit kayo nasa kwarto ko?" at sabay tingin sa tatay ko.

Sobrang sama ng loob ko sakanila sa mga araw na iyon. Anim na taon na ang magulang ko sa States at ngayon lang nila naisipang umuwi. Hindi ako sang-ayon sa pag migrate nila doon marahil ayaw kong maiwan magisa. Ako ay nagiisang anak lamang kaya wala akong kasama kundi ang katulong sa bahay. Nakasanayan ko na ang katulong na ang nag palaki saakin, ang tawag ko na lamang sa magulang ko ay banko, kailangan ko lamang kapag hinihingan ng pera. Nagtataka ako noon, bakit nila kailangan iwan ako, at ang sagot lamang ng magulang ko ay, "para din naman ito sa'yo, anak. Madadala ka rin namin dito at bubuhayin ng matiwasay" ngunit sa anim na taon na yon hindi manlang nila napag isipang umuwi o kuhanin ako dito. Kaya heto ako ngayon, isang pariwarang babae na hindi alam ang gagawin sa buhay.  

"Savannah, wag mong ganyanin ang nanay mo. Hindi kita madadala dito kung hindi nila nabayaran ito"

Nag-init ang dugo ni ko habang naririnig ko ito, "Oo, dyan lang naman sila magaling! Sa pagbigay ng pera saakin pero ang mga pangako nila hindi nila magawa gawa!" 

Paiyak na ang aking nanay sabay niyakap ako ngunit kumawala ako dito, "Wag na wag mo akong hahawakan, umalis kayo!" 

"Sige na, Tita. Ako na ho ang bahala kay Sav, pagpasensiyahan niyo na po at sana maintindihan niyo." Sabi ni Peia sa nanay ni ko at agad na lumabas ng umiiyak habang kasama ang tatay ko.

Bumukas muli ang pinto "Ms. Hernandez?" nakita namin ang doktor na pumasok.

"Ah, ako nalang po muna. Wala ho ang mga magulang niya dito." sambit ni Peia. 

"Paki-sabihan nalang ang mga magulang ni Savannah na kailangan niyang mag undergo sa chemo therapy for 1 month, hindi muna siya pwedeng pumasok sa school. At dito lang siya sa loob ng ospital" sabi ng doktor.

"Kelangan ko ba talaga nyan? Ayoko, paano si Caleb, Peia?" 

Si Caleb ang kasintahan ko. Sakaniya lang umiikot ang mundo ko. Kahit pa anong gawing mali nito, ay tanggap ko parin siya ng buong buo.

"Sasabihin ko na lamang sakaniya kung anong nangyay-"

"Huwag!" Agad na pinigilan ko si Peia marahil alam kong iiwanan lamang ako ni Caleb. 

"Pero paano, Savannah? mahirap kapag inilihim natin ito sakaniya. Panigurado akong magtataka iyon. Kailangan kong sabihin at baka iwanan ka niya" pagpumilit saakin ni Peia.

Ang Pagmamahal ng Isang InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon