Isa: One Shot (You're Beyond)

11 2 0
                                    




YOUR POV

Tumigil ang mundo ko nang tignan ko ang aking marka sa Araling Panlipunan. Walong pu't siyam. Ang nagiisa kong grado na nasa linyang walo. Ito rin ang pinakamababa.

Dad won't like this. Dad won't appreciate this. Dad won't be contented with this. This is a shame for my family.

Maisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya, kumikirot na ang puso ko, namumuo na ang mga luha ko. I will never be enough.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili ko para umuwi na ng bahay. Ayaw kong umuwi. Ayaw ko pang harapin ang magiging bulyaw nila. Ayaw ko pang harapin ang disappointed nilang mga mukha. Hindi pa ako handa.

Pero nagsiuwian na ang mga kaklase at kaibigan ko. Wala akong puwedeng maging kasama. Dumidilim na rin ang langit, akmang uulan.

Palabas na ako ng aking paaralan nang may tumawag sa pangalan ko mula sa aking likod. Nang ako'y lumingon, nakita ko ang adviser ng klaseng kinabibilangan ko.

"Congrats! Panguna ka na naman sa kaklase. Top 1, as always. Galing talaga!" Masiglang sabi niya.

"Salamat ho." Tugon ko.

"Sige, paalam. May gagawin pa ako. Binati lang talaga kita."

Tumungo na lang ako saka siya naglaho. Ipagpapatuloy ko sana ang paglalakad palabas ngunit may tumawag na naman saakin. Nilingon ko ang kaklase ko.

"Uy! Rinig ko top 1 ka raw! 96.5 daw ang average mo! Jusko! Ako nga, wala man lang line of 9."

"Salamat. Ayos lang 'yan, magaling ka pa rin naman." Sagot ko.

"Nyahaha! Sige na, una na ako! Bye!" Kumaway siya saka sumakay sa tricycle na kanyang sundo.

Sa kanilang mga mata, napakagaling ko, while all I feel is failure. Bakit hindi nila magawang makita kung gaano kababa ang mga nakuha kong marka? O bakit hindi ko magawang makita kung gaano ako kagaling?

Muli, bumuntong hininga ako at pumatungo na sa bahay at sa pagapak ko sa aming semento, napatingin saakin ang aking amang nagko-computer. Ngumiti siya kaya binalikan ko rin siya ng ngiti. Tatanggalin ko na rin ang ngiting iyan kapag pinakita ko ang aking report card na nasa loob ng bag.

Lumapit ako sakaniya at agad siyang niyakap. Mukhang nagulat siya sa aking kakaibang aksyon.

"Sorry." Bulong ko.

"Bakit ka naman nagso-sorry?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot. Ayaw ko pang sabihin. Mas lalo kong hinigpitan ang aming pagyayakapan. Tumawa naman ako nang may dumagdag na mga braso mula sa aking likod na sumama sa yakapan. Ang aking ina.

"Tara na at kumain ng hapunan. Kakaluto ko lang."

Dahil duon, natapos ang aming momento. Nang marating ko ang hapag-kainan, sinalubong ako ng presensya ni Dad. Binigyan niya ako ng malalim na tingin. Hindi ko iyong pinansin at umupo na lang.

Sinimulan at tinapos namin ang hapunan ng masaya at puno ng pasasalamat para sa Dyos sa kaniyang ibinigay na pagkain saamin.

Ayaw kong sirain ang makulay na atmospera. Ayaw kong palitan ang kanilang mga masasayang mga mukha ng disappointment. Kaya lumipas na ang oras, hindi ko pa rin sakanila naipapakita ang aking mga grado. Hindi naman nila alam na nakuha ko na ang aking card.

Bago matulog at dumiretso sa aming mga kwarto, hinalikan ako ni mama sa pisngi sabay bumulong, "I love you, baby. No matter what."

Sinagot ko siya ng "I love you rin po."

Tumango siya saka pumasok na sa kanilang kwarto ni itay. Didiresto na sana ako sa aking kwarto nang makita ko si Dad sa corner ng hallway. Ngumiti siya saakin.

Ngumiti ako pabalik. I'm not sure about what will be his thoughts towards my grades, but I'm sure about one thing. He loves me too, no matter what.

Kinabukasan, natapos ang aking klase ng maayos. Ang iba sa mga kaklase ko ay nakikiramay sa kanilang mga patay na nahulog na mga grado, ang iba ay nagdidiwang, ang iba ay ayos at kalma lang, 'yong iba walang pake. Pero lahat, mukha pa ring masaya. Lahat sila, matamis pa rin ang mga ngiti.

Sabi nila ako nga dapat pinakamasaya, hindi 'yong umuuwing luhaan.

Habang nilalagay ko ang mga libro sa aking locker, may nagsalita mula sa aking gilid.

"So what kung 'yan 'lang' ang grades mo? Hindi ka naman kasi perpekto. Nagkukulang ka. Nahihirapan ka rin. Siguro hindi 'yan pasado sa mga mata mo, pero appreciate your hardworks naman. 'Yong 11 na pagkukulang ang pinapansin mo, hindi 'yong 89 na ginawa mo. What you're doing is already beyond. More than enough. Before pleasing your family with your grades, please yourself first. This one shot isn't about your family's view of you, it's about yours. About what you think of yourself. Your grades won't kill you, you will. You're great, trust me. Believe me until you can believe in yourself." Pananalita ng taong lumikha nito para sa ikalabing-limang kaarawan ko.

Para sa Labinglimang Kaarawan ni AleiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon