Dalawa: One Shot (You're Beautiful)

8 2 0
                                    




YOUR POV

Tinignan ko ang repleksyon ko sa aking mga luhang nasa sahig. Naiinis ako sa sarili ko. Lahat saakin, negatibo. Pati pagmumukha ko. Kailan ba ako aayos?

Ngayon. Kung pipilitin ko ang sarili kong paniwalain na maganda nga kasi ako, sabi nila. Sabi kasi nila, it's all in the mind. Sabi nila, just choose to accept our compliments na lang.

Sinusubukan ko nga. Sinusubukan ko talaga.

Nalipat ang atensyon ko sa pinto nang may kumatok dito mula sa labas. Agad naman akong tumayo at binuksan ito. Sa pagbukas, bumungad ang aking ina. Maganda siya. Napakaganda. Kumukha ko siya, pero bakit pagdating saakin hindi na maganda?

"Ma?"

"Aleia, magbihis ka na. Magaayos ka pa. Aalis na rin tayo patungo sa event maya-maya pagkatapos."

"Sige po."

"Sige. Nasa baba ako, baba ka kapag tapos mo nang suotin."

"Ok po." Ngumiti ako saka ngumiti rin siya bago nagsara ang pinto.

Bumuntong hininga na lang ako at tinignan ang hawak-hawak kong damit na ibinigay saakin ni mama.

Nang matapos kong isuot ito, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kulay asul ang gown at kumikinang-kinang ang mga detalye nito na gawa sa pilak. In-examine ko ang kagandahan nito at hinahawak-hawakan. It's indeed elegant, pero kapag ako ang nagsuot, nawawala ang ganda.

Sayang 'yong gown, it deserves more.

Pero bumaba pa rin ako katulad ng sabi ni mama. Nakakahiyang ma-late, dahil lang sa kaartehan ko.

"Oh, ang ganda! Buti nga talaga ito 'yong pinili natin hindi 'yong yellow. Bagay na bagay sa'yo! Tara na rito." Sabi niya saka ako minake-upan. "Tapos kukulutin natin ang buhok mo. Hindi ka ba natutuwa?"

"Siyempre po, natutuwa. Salamat." Tugon ko habang nakangiti. I can see how proud my mom is of me. And I appreciate that. Maybe I don't appreciate myself, but I do appreciate them.

"ANG GANDA naman nga anak ko." Sabi niya habang nakangiti. "Tignan mo na itsura mo sa salamin." Sabi niya kaya't tumalikod ako at hinarap ang malaking salamin. Kitang-kita ko ang sarili ko at siya sa likod ko mula rito.

Maganda ba? Oo, maganda 'yong pagka-make up, pero siyempre kahit anong mangyari at gawin sa mukha ko, pareho pa rin ang magiging kalabasan. Pangit pa rin.

"Look how beautiful you are, anak. Siyempre, ikaw pa." Muling pamumuri ng aking ina. "Maniwala ka saakin."

Maniwala ka saakin

Paulit-ulit na narinig ko 'yon sa utak ko na para bang nage-echo. Just believe.

I believe my mother. I believe in my mom. I should believe in everything she says, too.

Sumakay na rin kami sa kotse nang handa na ang lahat. Papunta kami sa event na kailangan namin attend-an dahil kay mama. Kung puwede nga lang talaga, hindi na ako sasama. Masisira ko lang ang event. Lahat ng andoon ay dapat maganda lang.

Inilagay ko ang earphones sa aking tainga upang makinig ng kanta. Nagplay doon ang Who Says ni Selena Gomez.

Ugh, ito 'yong nilagay sa pinakataas ng mga kaibigan ko sa playlist. Naka-repeat pa.

Pinakinggan ko na lang din. Sa bawat melodiyang lumabas, sa bawat tunog na nagparinig, napaisip ako.

Basta maniwala na lang ako na maganda ako. 'Wag ko na isipin ko ano ang mali sa katawan ko, basta maganda ako. 'Yon na 'yon. Ganoon na lang. Mataba ako, maganda pa rin ako. Hindi pantay ang cheeks ko, maganda pa rin ako. Hindi naman nakakapangit 'yon din. Pero kahit oo man, maganda pa rin ako kasi maganda ako. Tanggalin na ang lahat ng poblema o pinagkakaabalahan sa katawan, basta ako, maganda. It's all in the mind, bla bla o kung ano pa ang poblema ko sa sarili ko, tama na.

Ginawa ako ng Dyos, kaya maganda ako.

Maganda lahat ng tao, kaya pati ako maganda rin.

Sa pagdating namin, bumaba na kami ng kotse. At sa pagtapak ko sa entablado, nakataas ang noo ko at nakangiti kasi maganda ako at pinagmamalaki ko iyon.

Kulay ginto ang buong paligid, lahat stunning in their own way, in their own appearance. Ako, stunning din.

Pareho kaming lahat. We're all slaying, kasi maganda kami.

Para sa Labinglimang Kaarawan ni AleiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon