Bakla! Bakla! Bakla! [ONE-SHOT]

1.2K 30 10
                                    

"HAHAHAHAH! Bakla! Bakla! Bakla! "

Siya si Alex Chen Santos.. Sa araw-araw na ginawa ng diyos wala siyang iba na ginawa kundi ang asarin ako.

"Kahit ano pang sabihin mo hindi kita hahalikan." Yun lang at tinalikuran ko na siya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang sama ng tingin niya. Napapailing na lang ako at pumasok ng classroom.

Babae nga naman .. Aasarin ka ng bakla para makakuha ng halik. Hindi na bago sa akin na hingian ng halik. Sa itsura ko ba naman na ito sinong hindi mabibighani. Pwera biro, kung titignan mo talaga ako sa itsura at pangangatawan siguro ay wala ka ng maiipintas sa akin. May maputi akong balat, matangos na ilong at chinitong mata na kinaaadikan ng mga babae. Matangkad din ako at may malaki na pangangatawan. Kaya siguro ganun na lang magpapansin ang isang Alex Chen Santos.

"Bro Axel." Tapik sakin ni Shan ang ka-room mate ko sa boarding house na tinutuluyan ko. Simula ng magcollege na ako ay nakahiwalay na ako sa mga magulang ko. Bukod daw kasi na sakit ako sa ulo.. malayo naman talaga ang napili kong unibersidad na pinasukan kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magboard. Sa ngayon ay third year college na ako at kumukuha ng kursong doktor. 

"Oh, anong ginagawa mo dito?"

Tumabi ito sa katabi kong upuan.

"Wala kaming klase wala ang prof... Hi Kristine.." Bati niya sa kasama ko na si Kristine. Nililigawan ko.. Second year at kumukuha ng kursong Education.

Tinanguhan lang siya nito.

" Ah,-Eh di wala ding klase si Alex?"

Lumingon ito sa akin na kanina lang ay na kay Kristine ang tingin. Ngumisi ito at pang-asar na tumawa tawa.

"Malamang! Magkaklase kami eh. "

Nagpatango-tango na lang ako.

"May kasama ngang ibang lalaki eh."

Nahampas ko ng malakas ang mesa. Nakuha niyon ang buong atensyon sa cafeteria.

" What the f-ck is that for Axel??!!!" Si Kristine na kanina lang ay abala sa cellphone na hawak nito. Si Shan naman ay tatawa tawa lang kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala, may ipis lang akong nakita." Yun lang at agad kong inayos ang nagkalat na gamit ko sa lamesa at nilisan ang cafeteria.

Maaga ang pasok ko kaya maaga akong gumising at nag-ayos. Masama ang lasa ko at mainit ang panahon kaya siguro pati ulo ko ay mainit. Kadalasan kapag wala ako sa wisyo ay tahimik lang ako. Naglalakad na ako sa groundfloor patungo sa building na papasukan ko ng matalisod ako. Sa sobrang pag-iisip siguro ay hindi ko na napansin ang malaking bato sa daan ko. Buti na lamang at maagap ako kaya hindi ako napasubsob sa semento.

"Kahit kailan talaga ! Bakla! Bakla! Bakla! " Sabay halakhak ng malakas.

Sino pa ba ang mang-aasar ng ganyan ? Matalim na tingin ang binaling ko sa kanya. Nasa magkabilang bulsa ko ang mga kamay. Nasa kaliwang balikat ko din ang bag na bitbit. Hindi siya nakatingin sakin dahil tawa ng tawa kaya siguro di niya napansin na nasa harap na niya ako. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa siya nakahandusay.

"Ahm.. Alex.. " Tawag sa kanya ng isa sa mga kasama niya. Tinapik naman siya ng isa. Halata sa kanila na natatakot sila sa akin. Bakit hindi sila matatakot? Hindi pa nga sila umabot sa balikat ko. Ang liliit nila.. Pero si Alex tawa pa din ng tawa.

"Ang lampa-lampa parang hindi lalaki! " Sabay hawak sa tiyan niya. Lalo naman ng lumo ang mga kasama niya. Lumabas na ata ang mga ugat ko sa noo at leeg. Konting konti na lang ibabalibag ko na ito.

"Bakla! Bakla! Bakla! " Paulit-ulit niyang sabi.

"Tch. May gusto ka lang sa akin. Hindi uubra yang pagpapapansin mo. Ang bansot mo hinding hindi kita hahalikan." Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Nawala naman ang natatawa-tawa niyang mukha at napalitan ng asar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakla! Bakla! Bakla! [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon