Chapter 5

5.8K 83 0
                                    

Sa panghapon na ako ng schedule ko ko pumasok dahil sa sobrang dami ng inasikaso ko kaninang umaga.

Sa sobrang kaba ko sa ngiting ginagawa ni Seven ay umalis na ako sa canteen,iniwan ko na si Ronneth dun.Bahala sila.

Kaklase ko nga pala sina Seven,Jumin at V pero di ko naisip na magiging katabi ko ng upuan si Seven.

At sa buong klase ay di ako maoakali dahil panay ang tingin sa akin ni Seven at ngingiti ngiting parang tanga kaya pagkalabas na pagkalabas ng teacher namin ay dali dali kong hinablot ang kamay ni Seven at hinila ito papunta sa likod ng building ng school namin.

"Anong problema mo?" Singal ko sa kanya sa mababang boses para walang makarinig.

"Woah!" Tumawa ito at itinaas ang mga kamay. "Diba dapat ako ang magtanong nyan?Ako ang hinila mo ng walang pasabi." Anito at ngumiti lang ulit sa akin ito. Di ko alam kung nang aasar ba sya or what.

"Buong klase kang natingin sa akin habang nakangiti,anong problema mo?"

Tumawa lang ulit ito bilang sagot. Hawak hawak pa nito ang tyan at umaktong hinahampas pa ang hangin.

"Di kaya,imagination mo lang din yun,Kierra?"

"Imagination?!Di ako tanga Seven----Kierra?" Nanlaki ang mata ko. Oo,alam kong alam niya na na ako ang author ng The Sex Web. Pero hindi ako handa.

"S-sinong Kierra?" Pag mamaang maangan ko.

"Sure ka bang yan na ang best option mo? Ang magtanga tangahan sa harap ko?LT talaga!" Tumawa na naman siya na tila naiiyak kulang nalang gumulong sya sa lupa.

"S-so? Eh alam mo na pala eh,mag enjoy kang tumawa. Mabulunan ka sana ng laway mo. Ipagkalat mo,for all I care." Sa totoo lang ayaw kong may makaalam pero ito na to. Pananagutan ko nalang.

"What? Ano kala mo sa akin ganyan kababa? Where's the fun kung ipagkakalat ko? Sure ka bang handa ka na sa consequences pag nalaman ng buong paaralan yun?" Bigla itong naging seryoso at onti onting lumapit sa akin na syang dahilan para mapaatras naman ako.

"Gusto mo bang ireenact natin dito ang imagination mo?" Napaigtad ako ng maramdaman ko ang likod ko sa semento,nakasandal na ako sa dingding.

Nakikipagtitigan ako sa kanya. Mata sa mata. Ayaw kong magpatalo. Ako ang president ng paaralang ito. Kung anuman ang sekreto ko,hindi ko ikakahina yun.

Onti onti niyang nilapit ang mukha niya sa akin,tila hahalikan ako. Nakatitig lang siya sa akin. Kubg kanina punong puno ng tuwa at pag kaaliw ang mga mata niya. Ngayon wala akong makitang katiting na emosyon sa mga mata niya. Wala itong emosyon at pakiramdam ko ay hinihigop nito ang buong pagkatao ko. Hinihimay pero hindi hinuhusgahan.

Isang inch nalang ang layo ng labi niya sa labi ko,halos magkadikit na ang ilong namin pero parehi lang din kaming nakatitig sa isa't isa.

"Anong kailangan mo kapalit ng sekreto ko?" Mahinahon kong sabi. Bigla namang umaliwalas ang mukha nito na tila nakahanap na naman ng interesanteng pangyayari sa buhay niya.

Ngumiti ito ng hilaw pero hindi pa rin lumalayo.

"At pwede ka ng lumayo sa mukha ko,di mo ako masisindak sa ganyan mo."

Mas lalo itong ngumiti.

"ARAY!" Napasinghal kaagad ako sa mukha niya ng bigla niyang pitikin ang noo ko. Lumayo na ito sa mukha ko at tawa na ng tawa habang hinahampas hampas pa ang balikat ko.

"You're interesting." Sabi nito matapos huminga ng malalim at nagpipigil ng tawa.

"I'm not."

"Be our muse."

"What?"

"Be our muse.Kapalit ng sekreto mo."

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon