Chapter 30 #BadingNaBadingSayo

855 26 5
                                    

Francis POV

Tatlong araw nung simula nung gumaling ako sa pagkakasakit ko, sa ngayon maayos ayos na yung pakiramdam ko. Minsan lang kasi ako magkasakit pero pag tinamaan naman ako nito hindi ganun kadali mawala. Mabuti nalang nandyan si Althea, tatlong araw din syang pabalik-balik sa bahay at inaalagan nya ako. Sa pag-aalaga nya sa akin mas lalo ko syang minamahal.

Kasalukuyan kaming nasa gym magprapractice kasi kami para sa incoming na laban namin laban sa New Southern Era University. Hindi ko sinabi kay Althea na magprapractice ako magagalit kasi yun, nagstrestretching muna kami.

"Francis okay ka na ba?" tanong sa akin ni Coach Orly.

"Opo coach medyo okay na ako don't worry, mas lalo akong magkakasakit kapag hindi ako nakapagbasketball." 

"Okay sige, wag mo masyadong abusuhin ang katawan mo malapit na ang game." sabay tapik sa balikat ko.

"Yes coach."

"Okay!! team set-up na! may iaanounce ako sa inyo."

Agad naman kaming pumunta sa bench nasa harap naman si Coach, ano kaya ang iaanounch nito?? Katabi ko ngayon si Kevin kanina pa to masaya eh, di kaya may improvement sila ni Lindsay eh di maganda, hindi na torpe si Manoy binata na.

"Siguro aware na naman kayo na malapit na yung laban natin sa NSEU, aware na din siguro kayo na hindi sila ganun kadali kalaban. Mga halimaw sa court ang mga players ng NSEU balita ko din madudumi sila maglaro kaya I just want to remind you guys, dobleng ingat ang kailangan. Wag masyadong mainitin ang ulo sa court lalong-lalo ka na Francis, baka ikaw ang purtinyahin ng mga players nila."

Sa basketball hindi maalis dyan ang mga players na madudumi maglaro, sa tagal ko ng naglalaro sa larangan ng basketball immune na ako sa mga ganyang players. Gaya nga ng sinabi ni Coach Orly doble ingat ang kailangan. 

"Coach hindi ba tayo magbabago ng uniform?" tanong ni Jay.

"Oo nga pala! speaking of uniform may bago kayong uniform."

"YUN OH!! " sigawan ng mga team namin.

"Pasalamat kayo sa ate ni Francis ng dahil sa pagkaplano niyan sa pageant nagdonate ang ate nya ng mga uniforms gawang United Kingdom pa yun, literal na United Kingdom ah hindi Ukay-Ukay." sabi ni Coach sa amin.

"Hahaha, eh nasaan na ba yung uniform coach?" tanong naman ni Lexus.

"Ayun oh," sabay turo nya sa isang malaking box , pangbalik-bayan na box nga ito.

Takbuhan naman sina Frank sa box mga abnormal yung totoo ngayon lang makakita ng balik-bayan box?

"Dalhin nyo yan dito." utos ni Coach.

Bali ang nagbuhat ay sina Lexus, Kevin, Frank, at Jay.

"Ang bigat!" reklamo naman ni Frank.

Matagal na kasi naming gustong magpalit ng uniform, eh nagkataon na tinopak si ate kaya ayun inisponsoran ang mga uniform ng team namin. Bukas na pala ang dating nila ate excited na din akong makita sila, masyado silang nag-eenjoy sa London.

Binuksan na ni Coach yung box at isa-isang dinistribute yung mga uniforms namin. Hindi ko mapigilan na mamangha sa ganda ng design at tela nitong bagong uniform namin. Halata ngang mamahalin, iba talaga ang taste ni Ate Zyra when it comes to clothes. Kulay white yung touch ng jersey namin, yung outline ng jesey namin ay royal blue. Sa harap naman ng jersey namin ay nakalagay yung logo ng Bien University at yung name ng team namin na Black Thunders.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon