Love Potion

183 4 0
                                    

L❤VE POTION

Ayanne’s POV

“Psst! Ayanne!” sitsit sa akin ni Carla, isa sa mga mamalapit kong kaibigan.

Lumapit ako sa kanya at kumunot ang noo ko.

“Bakit? Problema mo?” tanong ko.

“Si Cheol-soo! Naglalaro na doon sa field ng soccer kasama sina Aaron!” sabi niya.

“Oh tapos?” kunyaring walang pakialam kong sabi. Pero eehhh! Parang gusto ko siyang puntahan doon! Kung di lang dahil sa cleaner of the day ako. -___-“

“Sus! To naman! Parang di tayo magkakilala! Amina yang walis mo at ako na ang magpapatuloy niyan, pumunta ka na doon, Gora!” sabi niya at kinuha sa akin ang walis tambong hawak-hawak ko.

Biglang kuminang ang aking mga mata at niyakap ko siya ng napakahigpit.

“Yiiie! Thank you Carly!”

“Carla te.” Correction niya. Kinuha ko na ang backpack ko at dali daling umalis ng room para pumunta ng field.

Pagkarating ko doon, maraming babae ang tumitili at sumisigaw ng pangalan ni Cheol. Nakipagsiksikan ako sa kumulan ng mga tao doon sa field hanggang makarating ako sa unahan, at mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang mga pawis ni Cheol habang nagspasparkle.

Kinuha ko ang camera ko at tinutok ko ang lens ng camera ko sa kanya. Kinunan ko ang pang-142 picture niya sakin. Tiningnan koi yon at napangiti dahil sa ganda ng aking pagkakakuha.

Nilagay ko na ang camera ko sa bag at muling tumingin sa kanya. Tila lumundag ang puso ko’t di ako makapaniwala, totoo ba to? Nakatingin sa akin si Cheol? Ngumiti siya sakin at kumindat, Naghiyawan naman ang mga babaeng feelingera. Haaay! Jusko! Parang mahihimatay ako!

“Uwaaah! Kinindatan ako ni Oppa Cheol-soo!”

“Gulay! Ngumiti siya sakin!”

“Geez! Goosebumps!”

“Mga te! Nakakalaglag panty ang ngiti at kindat!”

“Manahimik nga kayo! Hindi kayo ang ningitian at kinindatan niya no! Si Liyah kaya!” sabi ng isang babaeng katabi ko at tinuro niya si Liyah na nasa tabi ko rin at nakangiti siya kay—Cheol-soo. Si Liyah Aranez, ang pinakamaganda, pinakasexy, at pinakamayaman sa buong second year ng S LIP.

Nanlumo ako sa naiisip ko, siguro nga si Liyah ang ningitian niya at hindi ako. Sino ba naman ako diba? Isang plain na Ayanne Micaila Fuentes, isang babaeng adik mag picture kay Cheol-soo.

Umalis na ako sa kumpulan ng tao at pumunta sa library. Biglang tumulo ang aking mga luha habang ginagala ako ng aking mga paa sa library.

Sigurado naman ako na hindi magkakagusto sakin si Cheol-soo at alam kong ang mga katulad ni Liyah ang tipo niya.

Napunta ako sa chemistry books section, ang pinakadulong shelf ng library. Medyo madilim dito dahil sa hindi abot ng sinag ng ilaw ang parteng ito.

Naglalakad lang ako nang may maapakan akong libro, actually makapal na libro, medyo luma na pero may cover pa rin.

Kinuha ko iyon, hinipan dahil may kaunting alikabok, pinagpag ko ito at binasa ang libro.

“Love Potion?”

Ano yun? Oo nga’t matalino ako pero, haler? Walang totoong love potion no!

Binuksan koi to at tumambad sa akin ang larawan ng isang babae na may nakalagay sa description na

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon