"Psst! Lyn, malapit na siya oh" napatingin agad ako sa lugar kung saan nakaturo ang kaibigan kong si Maina.
Bigla tuloy akong na-excite!!!
Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang kaputian niya, ang katawan niya, ang mataray niyang mukha, ang mga kilos niyang pumipilintik at ang kidlat na lumalabas sa kanyang mga mata.
Humarang ako sa dadaanan niya kaya siya napatigil. "Hi Babe!" Bati ko sa kanya. Tumaas agad ang isa niya kilay at umusok ang ilong.
"Tabi! Umagang umaga sinisira mo agad ang beauty ko!" Mataray niyang tugon sa akin.
"Oh common. Sabihin mo, namiss mo lang ako. Aga aga pa eh. Hala! Sige ka, baka tumaas ang blood pressure mo. Gwapo ka pa naman." Lalong namula ang mukha niya dahil sa galit.
Nakita ko naman sa gilid si Maina na tinatakluban ang mukha niya at pinipilit na hindi matawa. For sure, sasabog na yan.
"Anong sabi mo?! I.AM.NOT.HANDSOME! I am more beautiful than your fucking face! Kaya GET OUT!" Tinulak niya ako ng sobrang lakas dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak sa daan.
Lumapit si Maina sa akin para tulungan akong makatayo ng maayos. Sabay naman na tumunog sa bell, hudyat na pasukan na. Bago pa man kami pumasok sa room, tiningnan ko muna ang baklang tinawag kong Babe.
Matangkad, maputi, makisig ang katawan(feeling ko may abs siya), matangos, maganda ang mga mata, mahahaba ang pilik mata, may kilay goals, maputi at pantay ang mga ngipin. Perfect na sana eh, bakla lang. Sayang.
"Raniel Ezekiel Bon, kung hindi ka lang bakla baka babe na kita." Bulong ko habang tinitingnan siya papuntang room niya.
---
Ako nga pala si Lyn Campos. Maganda. Maganda at maganda. Thank you.
"Lyn, si Raniel oh. Loner sa isang table. Baka naman samahan mo pa?" Pabirong sabi sa akin ni Maina habang nakatingin sa table ni Raniel. Tumingin naman ako at totoo nga na nag-iisa siya. Kadalasan kasi may mga kasama siyang kauri niya doon.
"Hayaan mo siya diyan. Tinulak niya ako kanina eh. Cool off muna kami ngayon." Napatawa siya dahil sa sinabi ko.
Bakit ko nga ba siya laging tinatawag na Babe? Kailan ko nga ba siya unang napagtripan?
Ah, alam ko na! Yung time na nag-truth or dare kami. Dare yung pinili ko para may thrill at ang dinare nila sa akin ay itawag ko kay Raniel ang Babe. Nakita ko kung paano unti unting kumunot ang noo niya at kung paano niya ako sinigawan. Natuwa ako sa pag-kainis niya sa akin kaya pinagpatuloy ko na lang.
Sikat kasi siyang bakla dito sa campus kaya ganoon na lang ang pagkagalit niya. Para sa akin ay laro laro lang ito at walang malisya. Sayang kasi talaga ang kagwapuhan niya. Dati nga akong nagkagusto sa kaniya eh. Yung tipong hanggang sa panaginip ko nandoon siya.
Minsan ko na rin siyang hubaran sa isipan ko kaya minsan ko na rin mapatay ang sarili ko dahil naisip ko iyon. Char lang.
Maraming mga babae dito sa campus o kahit na sa labas ng campus ang nahuhumaling sa kaniya pero lahat sila, BUSTED. Mas maganda daw kasi siya. Pero kahit ganoon marami pa rin ang may gusto sa kaniya at minsan, nanliligaw sa kaniya.
"Uy, hindi ako ngayon makakasabay sa iyo sa library. Tumawag kasi si kuya at magpapatulong daw siya kung paano magluto para sa girlfriend niya. Mag-aral ka maiigi ha. Huwag mo na sana ulit ibagsak yung subject ni Ma'am Serano dahil panigurado, hindi ka na masisikatan ng araw. You will die in her hands."
"Oo na. Palibhasa matalino ka lang. Oh siya chuupii na. Alis." Tinaboy ko siya paalis. Sumimangot naman siya at natawa ako sa mukha niya. Cute siya pero mas cute ako. Hindi ako papalamang.
BINABASA MO ANG
Hi Babe! [One Shot]
Teen FictionNatripan ko lang siyang lokohin at pagtripan dahil natutuwa ako sa reaksiyon niya. Pero hindi ko naman akalain na gagantihan niya ako sa MALUPIT na paraan. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o ano pero... Trip ko yung sinabi niya.